Chapter 20

21 0 0
                                    

Athena

Nagising nalang ako na wala na ang pagngingitngit ko, nawala nalang na parang bula ang galit na kagabi ko'y iniyak-iyak. Tumagilid ako nang bahagya at humarap sa gwapong mukha ni Anthony. Bahagyang nakaawang pa ang mga labi nito at mahimbing na natutulog. Nakayakap ang kanyang kamay sa aking baywang at nakadikit ang kanyang pagkalalaki sa aking tiyan. Napapitlag pa ako nang maramdaman kong bahagya itong tumigas. What the... Kahit natutulog siya? Napapailing nalang ako sa kanya. Itinaas ko ang aking kamay at idinantay ko ito sa kanyang makinis na mukha. Pinasadahan ko ng daliri ang kanyang mga labi. Isang ungol ang kanyang pinakawalan at mas lalong idinikit ako sa kanyang harapan. Oh shit! Gising na gising na ang kanyang pagkalalaki!

"Good morning, Babe." Nakapikit paring turan niya habang dinadampian ako ng halik sa aking labi. Pagkatapos ay isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Morning." Tipid kong sagot. Iginiwang ko ang aking baywang para makaalis ako sa kanyang pagkakayakap ngunit sa kasamaang palad ay mas mahigpit ang kanyang pagkakapit sa akin.

"Where are you going?" Paos niyang tanong habang nakasubsob parin sa aking leeg.

"Drink water.Then.Bathroom.Brush my teeth." Tipid ko paring sagot sa kanya. Kahit apat na taon na kaming magkarelasiyon ay nahihiya parin akong magsalita kapag bagong gising.

"Hmmm. It's okay if you don't brush your teeth for a long time. It won't bother me." Akma na niya akong hahalikan nang iniwas ko agad ang aking mukha.

"Gross! Tumigil ka nga, Anthony Enriquez! Hindi nakakaakit ang may mabahong hininga sa umaga!" Iniiwas ko parin ang aking mukha sa kanyang nguso na ipinipilit niyang madampi sa aking labi.

"Fine." Tumatawa siya habang pinapakawalan ako pero ang hudyo! Hindi pa ako nakalalayo sa kanya'y hinapit na niya ang baywang ko't pinaharap ako sa kanya. Isang maalab na halik ang dumampi sa aking bibig.

"F.Y.I. I won't bother to kiss you every morning, you always tasted like honey and smelled like vanilla."  Isa pang halik at tuluyan na niya ang akong pinakawalan. Kinikilig ako habang nagsisipilyo ng ngipin sa loob ng banyo. Naligo narin ako at isinuot agad ang roba. Napatigil ako saglit nang makita ang kama na wala ng nakahiga. Saan kaya siya? Nagbihis agad ako at tinungo ang kusina. Napahinto ako habang tinititigan ang kabuuan ng kanyang likuran. Shit! Kung ganito rin naman ang aking makikita every morning ay gugustuhin kong makulong kasama siya rito sa loob. Nagluluto siya ng...

"Bwaah.." Bigla akong naduwal sa amoy ng kanyang niluluto. Agad akong tumakbo sa banyo at isinuka ang pagkaing kagabi ko pa kinain. Shit! Naramdaman kong maasim na ang tubig na lumalabas sa aking bibig. Agad kong nilinis ang aking sinukahan at inayos ang sarili. Wala naman akong kinain kagabi na ikasasama ng aking tiyan ah. Nagkibit-balikat nalang ako at lumabas na ng kwarto.

"Wala kang work?" Tanong ko agad sa kanya sabay upo sa kanyang harapan. Nakahain na siya nang bumalik ako sa kusina. Simpleng white t-shirts at boxers lang ang suot niya ngayon. Yum!

"Meron. But I called na mali-late ako." Sagot niya sa akin habang sinasalinan niya ng pagkain ang aking pinggan. Para na naman akong maduduwal sa amoy ng adobo na niluto niya.

"Hmmm? May isang oras ka pa naman, di ka pa mali-late. Bilisan mo nalang ang pagkain." Sabi ko sabay dampot sa itlog na niluto niya. Napatingin siya sa akin na parang nagtataka kung bakit itlog ang kinuha ko instead of my favorite food. Pero nagkibit-balikat nalang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"I want to spend more time with you, Babe. And I'm sorry sa nasabi ko last night." Napaawang ang aking mga labi habang tinitignan siya. Tumulo bigla ang aking mga luha at... Shit! 'Bat ako umiiyak? Napaka-emotional ko these past few days!

"Hey! What's wrong, Babe? May sakit ba sa iyo? May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan?" Tanong niya agad sabay hawak sa aking braso. Talagang maasikaso siya at napakaprotective niya. Umiling nalang ako sinigurado ko sa kanya na okay lang ako. Pagkatapos naming kumain ay nagtagal pa siya ng ilang oras bago pumunta sa kanyang trabaho.

Tumawag si Hannah sa akin na dadaanan niya ako. Magpapasama siya sa salon para magpahair treatment. Wala naman akong ginagawa rito sa apartment kaya pumayag agad ako. Wala pang isang oras ay natanaw ko na ang aking bestfriend sa hindi kalayuan. Agad kong kinuha ang aking sling bag sa loob at lumabas ng apartment.

"Napaka blooming mo today, Gang!"  Bati niya sa akin habang ikinakabit ko ang aking seatbelt sa passenger seat.

"Back to you!"  Hindi naman sa niloloko ko siya pero totoo namang blooming siya everyday! Napakaganda niya sa suot niyang dress na hanggang tuhod ang taas. Nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon ay wala parin siyang boyfriend. Simpleng white t-shirts lang ang isinuot ko at tattered jeans. Hmm. What's new?

"Sobrang busy ni Anthon these past few days huh. Nakita ko pa siya sa lobby ng condo yesterday." Nabaling ang aking atensiyon sa sinabi ni Hannah na nakatuon parin ang tingin sa kalsada. Her condo? Ano namang gagawin ni Anthon doon? Ah, siguro may inihatid lang.


"Yeah. Nag-aasikaso siya ng papeles niya for his resignation."  Sagot ko sa kanya.

"Ah. I see. So, may balak ka ng sumunod kay Nefea?"  Biglang tanong niya na ang tingin parin ay nasa daan.

"Gusto ko. Pero ayaw ni Anthon. Alam mo naman kung anong rason niya diba?"  Kibit-balikat kong sagot sa kanyang tanong. Bahagya akong nahihilo sa biyahe. Nahilot ko agad ang aking sentido. Hmp! Stress pa more!

"Hey! Okay ka lang, Gang?"  Humina nang kaunti ang kanyang pagmamaneho at pabaling baling ang tingin sa akin at sa daan.

"Oo, Gang. Okay lang ako. Wala ito."  Pagsasawalang-bahala ko habang iwinawakli ang nararamdamang kakaiba sa aking ulo. Na over stress siguro ang aking sarili these past few days kaya nagri-react na siya ngayon. After this, magpapahinga muna ako para makapagrecharge din.  

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon