Anthon
Nang naiparada ko ang aking sasakyan sa tapat ng bahay namin na parang hindi ko na lubos makilala dahil sa palagi nalang akong tumatambay sa aking opisina. Napahinto ako saglit at pinasadahan ng tingin ang kabuuang labas nito. Sumalubong agad ang aking pinkamagandang pamangkin na malaki na ngayon. Today is her 9th birthday. Parang kailan lang na magkasama kami ni Athena sa lahat ng important occasions dito sa bahay.
"You're here, Tito Thon!" Sigaw ni Mika sabay yakap niya sa aking baywang habang sumunod namang yumakap si Miko sa akin. He's already 6 years old now. Damn! Ganito ba talaga ako kasirang-ulo dahil hindi ko man lang naalala ang birthday ng pamangkin ko? Kung hindi pa ako pinuntahan ni Chris sa opisina ay wala talaga akong balak umuwi o lumabas man lang.
"Happy birthday, my princess." Hinalikan ko ang kanyang noo at ibinigay agad ang aking regalo. Hindi parin nawawala ang kanyang ngiti. Kinarga ko si Miko at agad naman itong yumakap at humilig sa aking leeg at balikat. Naalala ko noon habang ginagawa niya ito kay Athena. Sinapo ko agad ang likod nito at tinungo ang pintuan. Nakahawak parin si Mika sa akin na parang wala siyang balak umalis sa aking tabi habang karga karga ko parin si Miko.
"Sana always may birthday rito sa bahay para always karing umuwi rito sa amin." Mapait na bigkas ni Ate Mich na ngayo'y nagtatampong nakatingin sa akin.
"I'm sorry, Ate Mich. Nabusy lang tala---" paghingi ko ng paumanhin na pinutol naman ni Darling, ang bunso namin.
"We missed you, Kuya Thon." She kissed my cheek at ngumiti sa akin na parang sinasabing okay lang silang lahat. Para akong dinurog sa ideyang nakalimutan ko na ang sarili kong pamilya. Inilapit ko agad ang bunso namin at hinalikan ito sa noo habang karga karga ko parin si Miko. Pagkatapos ay tinungo ko sina Mama at Papa at nagmano. Niyakap ako ni Mama na parang kay tagal akong nawala. Damn! It feels like home. Yeah, andito nga talaga ako sa pamilya ko ngayon.
"Kung hindi ko pa inutusan si Chris na kaladkarin ka sa loob ng opisina mo palabas ay wala ka pang balak umuwi." Pagtatampong sabi ni Mama sa akin. Nakaupo na kami ngayong lahat sa dining table. Ganoon parin ang bahay namin. Dito narin nakatira sina Ate Sweet, Mika at Miko matapos niyang makipaghiwalay kay Kuya Mike dahil sa pambababae nung huli. Naikuyom ko ang aking kamao nang maalala kong nasaktan ni Kuya Mike ang aking nakatatandang kapatid na babae. Gusto ko siyang suntukin ngunit mas lalo akong nagngingitngit sa galit nang maalala kong I cheated on my woman also. Ano bang pinagkaiba ko sa lalaking iyon? Pareho lang kaming dalawa. Napasapo ako ng sarili kong mukha.
"Busy lang siguro talaga si Kuya sa kompanya, Ma." Napabaling ako sa harap ko na ngayo'y nakangiting nakaupo si Heart. Katabi siya ni Mama. Nasa tabi kong nakaupo si Ate Sweet na nakakandong si Mikong natutulog sa kanya.
"I'm sorry kung wala na akong oras sa inyo." Mahina kong usal na parang mapipiyok ako. Damn! Napakagago ko talaga.
"Hey, it's okay, Kuya. Andito lang kami always basta huwag mo lang pabayaan ang sarili mo." Sabi ni Ate Mich na nakayakap na pala siya sa aking likod. Napabuntong hininga ako. Para akong nabunutan ng kaunting tinik.
"He's busy building his own empire, Mich kaya nakakaligtaan na niya ang mga mahal niya sa buhay." Sabat agad ni Chris habang nakatingin na parang nangungutya. Tama nga naman siya sa kanyang sinabi.
"May balita kana kay Athena, Thon?" Walang wala'y tanong ni Papa sa akin. Parang huminto ang lahat sa paggalaw nang marinig ko ang kanyang tanong. Nang mawala si Athena ay agad silang nabahala at nalungkot rito. Hindi ko sila masisisi dahil napamahal narin si Athena sa pamilya ko. Kaya siguro ay hanggang ngayon, hinahanap at kinakamusta parin nila si Athena. At napakalaking gago ko dahil hanggang nagyon ay hindi ko parin siya naibabalik.
"Let's move on, shall we? It's been 4 years passed." Wala sa sarili ko'y lumabas ang mga salitang iyon na ikinabigla ng lahat. Alam kong sa sarili ko'y tinatakpan ko lang ang sakit na nadarama. Ayokong makita nilang akong lugmok na lugmok. Agad namang tumalima ang lahat at bumalik sa paggalaw na parang alam na nila kung anong gusto kong iparating. Alam kong nasasaktan sila sa nakikita sa akin pero hindi nila alam na para akong mabaliw sa kahahanap sa kanya sa loob ng apat na taon. Pero ngayon na alam kong nasaan siya ay hindi ko na papalagpasin ang pagkakataon.
"Chris, do me a favor, please." Nasa labas kami ng bahay ngayon na nakaupo. Hawak hawak namin ang wine glass. Rinig na rinig ko ang ingay sa loob ng bahay na nagkakantahan at nagtatawanan.
"Sure. Tell me." Sagot agad ni Chris sa akin na parang alam na niya kung saan papunta ang usapan naming dalawa.
"Talk to Rodge. I need an Interior Designer." Agad kong saad sa kanya habang siya'y nakangisi lang na nakatingin sa akin. Alam niyang wala naman akong ipapagawa dahil bago lang natapos ang building pero mas pinili niyang hindi na magsalita tungkol dito. Instead ay tumango tango nalang na parang may naiisip na kalokohan.
"Here you go! Aye, captain!" Agad niyang sagot at nagsaludo pa ito paharap sa akin pagkatapos ay tinungga ang kanyang wine.
"As soon as possible, Chris." Mariing saad ko sa kanya habang marahas ko namang tinungga ang natitirang wine sa aking wine glass. I don't give a damn kung may sarili na siyang pamilya ngayon. I need to see her. I need to see my woman!

BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...