Chapter 47

24 0 0
                                    

Athena

"I'm on my way now. See you later, Sir Rodge!" Isang mainit na kamay ang pumisil sa aking hita habang nakaupo ako sa passenger seat. Ibinaba ko agad ang aking cellphone at ipinasok iyon sa aking bag. Bumaling ako sa napakagwapong mukha ni Anthon na ngayo'y nakatuon ang singkit nitong mga mata sa daan. Ihahatid niya ako papuntang airport. Parang pinipiga ang puso ko kanina habang nagpapaalam kay L.A., wala naman akong naging problema sa pagpapaintindi sa kanya tungkol sa aking pag-alis. Maiiwan siya pansamantala kay Mama pero agad naman iyong binawi ni Anthon dahil siya na raw ang bahala sa kanyang anak. Masayang masaya namang tumango tango ang aking anak sa kanyang nalaman na ang Daddy niya muna ang makakasama niya na hanggang ngayo'y halos hindi na humihiwalay sa aming dalawa. Wala ng mas sasaya pa sa pakiramdam ko sa loob ng isang linggo. Isang linggo na nga ang lumipas nang nagkita na nga ang aking mag-ama. Simula sa araw na iyon ay doon na umuuwi si Anthon sa bahay ni Mama. Si Mama pa ang nagpresentang doon nalang daw uuwi si Anthon instead na sa condo unit niya kami mamalagi ni L.A. mamimiss daw ni Mama ang apo niya. Kaya naman ay sa loob ng isang linggo ay walang tumira sa condo unit niya na bagong gawa. Noong nakaraang araw din ay dinala niya kami sa pamilya niya. Nahantong pa sa iyakan an gaming pagtatagpo dahil hindi ko inasahan na ganoon parin kainit ang kanilang pagtanggap sa akin kahit na itinago ko sa kanila si L.A. Masayang masaya sila nang makita nila si L.A. kaya naman ay noong napag-alaman nilang babalik ako sa Singapore ay agad silang nagprotesta. Mabuti nalang ay ipinaintindi ni Anthon sa kanila ang aking trabaho. Napag-usapan na naming dalawa na babalik ako sa Singapore dahil may contract akong dapat tapusin. Unang una'y nagmatigas pa siya at ayaw niyang bumalik ako sa pagtatrabaho, kaya niya naman raw kaming buhayin ni L.A. at kung pinoproblema ko raw ang abridgement of contract ay pwedeng pwede naman daw niyang bayaran iyon. Pero hindi naman ganoon kasimple ang lahat. Hindi ko maiwan-iwan ang aking trabaho roon dahil napamahal na ako sa kompanya. Sumang-ayon si Anthon sa aking pagbalik sa trabaho ngunit hiniling niya na kung mamarapatin lang daw na uuwi ako ng Pilipinas every weekend para makasama ko sila. Napag-awayan pa naming dalawa noong nakaraan ang pag-uwi-uwi ko ng Pilipinas. Anong akala niya sa Singapore to Philippines? 9 km from Makati to Quezon City?! Naiintindihan ko naman ang kanyang punto pero hindi praktikal ang pag-uwi ko every weekend. It's a waste of money, energy and time. Well, scratch the time dahil kung bilyonaryo lang ako'y kahit araw-arawin ko pa ang pag-uwi para makasama ko silang mag-ama.

"Next Saturday ang balik mo rito, Babe." Pukaw niya sa akin habang marahan niyang pinisil ang aking hita. What the heck?! Alam kong kayang kaya niyang gumastos sa back and forth kong plane ticket pero hindi ko iyon mapagbibigyan. Gagastos lang kami para sa dalawang araw? Kung iisipin ko palang ang ganoong set-up namin every weekend ay na-i-stress na ako. Hindi sa ayaw ko silang makasama ng anak ko pero hindi praktikal at hindi ako tatagal sa ganoon. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa at humarap sa kanya.

"Anthon, napag-usapan na natin 'to, hindi ba?" Utang na loob, wala ba siyang tiwala sa video call and chat na naglipana ngayon sa mundo?

"Mayayakap mo ba kami through video call, Athena?" Seryosong seryoso ang kanyang mukha na nakatitig sa akin. Nakahinto ang sasakyan niya ngayon sa traffic light. Shit! Akala ko ba nagkaliwanagan na kaming dalawa?

"Cancel it, Anthony. Uuwi naman ako every end of the month." Iritang irita na ako sa pabalik-balik naming pag-uusap tungkol dito.

"No. Na-book ko na ang flight mo. And this is irrevocable. Kung hindi ka lilipad pauwi rito ay ako ang lilipad roon para sunduin ka. Choose, Babe." I sighed defeatedly.

"I'm sorry, Babe. God knows how much I long for you. Kung pwede ko lang kayong solohin at ikulong ng anak ko'y ginawa ko na. Pero alam ko naman na importante ang trabaho mo roon. Ayoko namang pilitin kang magresign dahil alam kong hindi ka papayag. So please, we're not going to argue with this one." Nasapo ko ang aking sintido. Ano pa bang magagawa ko?

"Fine. Do I have a choice?" Ilang sandali pa'y papasok na kami ng airport. Mahigpit na nakapulupot ang kanyang braso sa aking baywang na parang wala siyang balak akong pakawalan. Hindi ko na pinasama sina Mama at L.A. sa paghatid sa akin dahil baka kasi'y hindi ako matuloy sa pag-alis. Si Anthon pa nga lang ang kasama ko ngayon parang ayoko ng umalis ng bansa.

"Please call us, Babe 'pag dumating kana ha?" Agad niyang hinalikan ang aking noo habang mahigpit parin siyang nakayakap sa akin. Humiwalay ako nang bahagya sa kanyang katawan at tmungila.

"Yes, Babe. Please do take care of L.A. at huwag na huwag mo siyang i-spoil, Anthony Enriquez!" Kahit nga siguro hindi pa ako nakakalapag ay may tawag na akong matatanggap galing sa kanya. Pagdating naman kay L.A., lahat ng hinihiling ng anak niya'y ibinibigay niya agad. Naiintindihan ko naman siya dahil apat na taon ding hindi niya nakasama ang kanyang anak pero sa ideyang lalaki si L.A. na nakukuha agad ang kanyang gusto'y parang magigiba na lahat ng ipinundar kong pagdidisiplina. Kaya naman ay kahit napaka open arms and legs itong ama niya sa kanya ay ako naman ang pumipigil dito.

"Yes, Boss. Can't wait to get inside you again." Bulong niya sa akin sa gitna ng paghalik niya sa aking labi. Isang ungol ang aking pinakawalan habang ikinawit ko ang aking braso sa kanyang leeg. I can't help myself from moaning and grinding my body against him. Wala na akong pakialam kung nasa public kami or wherever!

"Fuck, Athena! We should stop, Babe or I swear to God, hindi ka matutuloy sa pag-alis ngayon. Believe me." Kumalas agad ako dahil alam kong nauubos na lahat ng kanyang pagtitimpi. Ramdam na ramdam ko rin ang matigas niyang pagkalalaki na nakadikit sa aking tiyan. Idinikit niya ang kanyang noo sa aking noo habang titig na titig sa akin.

"Promise me that you'll think of us every single minute---" Agad kong hinalikan ang kanyang labi para matigil siya sa kakasalita. Oh! My man. How can I resist of his damn-so-good-lips. Halik palang niya'y para na akong idinuduyan sa langit, his singkit eyes of him, ang kanyang patilya, ang kanyang makapal na buhok at ang kanyang matangos na ilong...

"I'll promise." Agad kong tinapos ang aking paghalik baka hindi na talaga ako makaalis. Kinuha ko agad ang aking trolley bag at shoulder bag sa kanyang balikat. Isinukbit ko agad ito sa aking trolley at marahan na bumuntong hininga.

"I love you so much, Babe. Bakit kasi ayaw mo pang magresign? Pinapahirapan mo 'ko." Ikinulong niya ako sa kanyang bisig at isinubsob ang kanyang mukha sa aking leeg. Shit! Isang yakap pa niya'y siguradong sasabay na talaga ako sa kanya pauwi.

"Babe? Maiiwan na ako ng eroplano." Komento ko habang hindi niya parin ako binibitawan.

"Edi, mas maganda." Mas isinubsob pa niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Napangisi nalang ako nang ma-imagine ko ang posisyon namin ngayon. Hindi mo aakalaing hindi siya nahihiya sa kanyang pinaggagagawa ngayon. Parang wala talaga siyang pakialam.

"Alam mo, oportunista ka!" Marahan ko siyang tinampal sa kanyang balikat at agad na mahigpit ko siyang niyakap. Oh! How I love to be in his arms.

"I love you so much, Athena Margarette." Isang halik pa ang iginawad niya sa akin at marahan niya akong inilayo at tinitigan. Pilit akong ngumiti sa kanya habang ramdam na ramdam ko ang pangingilid ng aking luha sa aking mga mata. No! Hindi ka iiyak, Athena! Huwag ka talagang magkamali dahil once na tutulo iyan, hindi kana talaga makakaalis ng bansa.

"I have to go, Babe." Isang dampi ng halik sa kanyang labi ang aking ginawa at agad akong tumalikod. Dumiretso ako sa aking paglalakad. Hindi ako lumingon sa kanyang direksiyon dahil baka tatakbo ako pabalik sa kanya. Alam kong marupok ako pagdating kay Anthon. Isang hakbang pa ang aking ginawa palayo sa taong mahal na mahal ko sabay sa pagbuo ng aking desisyon.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon