Anthon
Ilang oras na akong nakaupo rito sa swivel chair habang tinatapos ang sankaterbang paperworks na dapat ay matapos ko na sa loob ng isang linggo. Ayokong madelay sa aking trabaho. Ayoko ko rin ng backjob kaya naman ay nakaligtaan ko nang tumawag sa mahal ko. Habang tinitipa ko ang keyboard ng aking desktop na nakaharap sa akin ay agad kong denial ang numero ni Athena.
Napangiti ako nang wala pang limang segundo'y sinagot na niya.
"Babe." Malambing na sagot niya habang naririnig ko ang maraming tao sa kabilang linya. Nasa mall siya?
"I miss you. Saan ka?" Talaga namang nami-miss ko siya kahit araw-araw pa kaming nagkikita. Hindi ko alam na sa kanya ko lang ito naramdaman. Marami naman akong babae noong una pero iba itong nararamdaman ko para sa kanya. Kahit na apat na taon na kami ay mas lalong lumalalim ang aking pagmamahal para sa kanya.
"Miss you more! Nasa salon kami ni Hannah ngayon. Nagpasama. Don't forget to eat your lunch, Babe." Paalala niya sa kabilang linya. Ayaw niya ang pagiging workaholic ko. At siya lang talaga ang nagpapahinto sa akin maliban sa pamilya ko.
"Yes, Babe. Call me if nakauwi na kayo ha. Ingat kayo. I love you." Pagkatapos naming mag-usap ay agad akong bumaba para kumain ng lunch. Bumalik naman agad ako sa opisina pagkatapos kong kumain para maipagpatuloy ang naudlot kong paperworks. Konting-konti nalang, Anthon. Pagpapaalala ko sa sarili.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagtitipa ng keyboard ko'y rumehistro ang mukha ni Athena. Paano kaya kung magpu-propose na ako sa kanya? Ano kaya ang magiging reaksiyon niya? Gusto ko na siyang makasama sa iisang bubong. Ito na naman ako, lumalabas ang pagiging possessive boyfriend ko kapag si Athena na ang pag-uusapan. Nang matapos ko na ang aking ginagawa ay umibis agad ako ng office at nagtungo sa jewelry shop ni Chris na pinsan ko. Nagmamay-ari siya ng sikat na jewelry company sa bansa. Tumango agad ang guard sa akin nang huminto ang aking sasakyan sa 24 storey building na pagmamay-ari ni Chris. Paminsan-minsan ay dumadaan ako rito kapag walang ginagawa sa bahay o kapag wala masyadong customer sa talyer. Hindi ako pumasok sa shop. Pupuntahan ko muna ang pinsan ko baka may bago silang design. Nang marating ko ang 22nd floor ng building ay agad kong tinungo ang office nito at pumasok.
"Oh. Shit!" Natigilan ako sandali. Kaya naman pala ang secretary niya na nasa front desk ay parang hindi ako papasukin ng office. Tumikhim ako ng malakas. Lumingon agad ang babae na nasa kandungan ng pinsan ko habang hawak-hawak pa niya ang pang-upo nito. Napailing nalang ako. Hindi kasi mapagkakailang magpinsan talaga kami. Pero noon lang iyon noong wala pa si Athena sa buhay ko.
"Damn, Anthony!" Pagmumura ni Chris habang itinatayo niya ang babae na nakaupo sa kanyang hita na parang ayaw pang bumitaw. Lumabas naman agad ang babae na parang walang nakakita sa kanilang ginagawa kanina. Napailing nalang ako at nagkibit-balikat. What's new? Kilala sa pamilya namin si Chris na playboy ito. Tinungo ko agad ang couch na nandoon.
"Damn your ass! Anyway, I need a ring." Umupo ako sa pang-isahang couch na nasa harap ng kanyang table na parang walang nangyari. Napatigil siya sa pag-aayos ng kanyang tie at nakusot na polo. Napakurap pa siya ng ilang segundo bago ako hinarap.
"Fuck! Tatalian mo na talaga?" Umiiling siya habang nakangiti na parang hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
"Damn you! I want to propose her now." Pagkibit-balikat ko sa kanya. Noong una ko pa kasing gustong magpropose kay Athena, natigil lang ako noong nabanggit niya sa akin na gusto niya munang puntahan ang mga lugar na gusto niyang puntahan. Ayoko namang pilitin siya. At nag-aaral pa siya noon. Baka pagsisisihan niyang magpakasal sa akin kung nagkataon. Pero nang araw ng kanyang graduation ay naisip kong tapos na siyang mag-aral. May magandang trabaho narin ako. Ano pang hihintayin namin? Pwede ko naman siyang dalhin sa lahat ng lugar na gusto niyang puntahan na kasama ako. Kung ako lang kasi ang tatanungin, gustong gusto ko ng bumuo ng sarili kong family with her. Siguro naman ngayon ay ready na siya kung may singsing na, diba?
"Damn! The playboy wants to enter the marriage life? How come?!" Pabiro niyang sabi sa akin na parang hindi parin makapaniwala. Kung hindi lang ako sanay sa kanyang pang-aasar, sinuntok ko na siya!
"When I met her. She changed me. Wait for your turn, Buddy." Parang wala ako sa sariling sumagot sa kanya.
"Nah! I don't like to wear your shoes. I'm happy with my carefree life, Thon! Anyway, iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig." Umiiling na sabi niya habang isinusuot ang kanyang coat at tumayo na sa kanyang swivel chair.
"Let's see if what's new in Jewelry Design Department. Baka may matipuhan ka." Nilagpasan niya ako na umiiling parin. Sumunod ako sa kanya na may excitement sa aking puso. Para akong teenager sa lagay na ito. Damn! Can't wait to see my woman wearing the ring on her ring finger.
"Hi, Mr. Enriquez!" Malanding bati agad ng isang blonde na babae sa akin nang makapasok kami sa isang malaking kwarto. May sinasabi si Chris sa babaeng bumati sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at agad akong bumaling sa nakahilirang glass box jewelry display. Natuon ang atensiyon ko sa isang women platinum diamond engagement ring na nakalagay sa isang red ring engagement box.
"I guess, you've found your best here." Tinapik ni Chris ang aking balikat habang sinusundan ang aking tingin sa engagement diamond ring na kanina ko pa tinitingnan.
"I'll get this." Turo ko sa singsing na kanina ko pa gustong hawakan.
"Athena's so special. Congrats in advance, Thon!" Masayang bati ni Chris sa akin habang kinakausap na niya ang blonde na babae na ipinapabalot na niya ang singsing na aking napili. Yeah. She's so special. She's my woman. Agad kong binayaran ang singsing at sabay na kaming lumabas ng Jewelry Design Department. Perks of having a cousin na nagmamay-ari ng jewelry company. Wala kang problema sa papers nito at sa lahat.
"Hindi ka na ba talaga mapipigilan niyan?" Nasa elevator kami pababa. Sabay na kaming umalis ng building dahil may meeting pa daw siyang pupuntahan.
"Nah! When the first time I laid my eyes on her, alam ko na siya na ang pakakasalan ko, Chris." Seryosong sagot ko sa kanya na kahit bagyo man ang dumating, tuloy parin ang plano ko.
"Damn! Iisipin ko pa lang na magsi-settle down ako'y para na akong maubusan ng hininga!" Pabiro niyang sabi sa akin habang tinutungo namin ang aming sasakyan. Napailing nalang ako sa ideya niya. Kahit noon una'y ganyan din ang reaksiyon ko. Why settle? Pero ngayon. Naiba na lahat.
"Wait for your time, Buddy! Baka nga isang araw mo pa siyang nakasama, buntisin mo na para di makawala!" Patawa kong sabi sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat para magpaalam.
"In your wildest dreams, Thon!" Sabay suntok sa balikat ko na parang natakot bigla sa malaking posibilidad na mangyari rin sa kanya ang pasi-seryoso. Umakyat agad siya ng sasakyan at bumusina bago ako nilagpasan. Napapailing nalang ako. Sumampa ako sa driver seat at agad kong binunot ang red jewelry box na nakaumbok sa aking bulsa. Binuksan ko ito at mariing tiningnan.
"This is it. I'll propose to her." Determinado kong turan sa aking sarili habang pabalik sa aking office.

BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomansaA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...