Anthon
"Co-parenting?!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili nang marinig ko ang sinasabi ni Athena tungkol sa magiging set-up daw naming dalawa bilang mga magulang ni L.A. Nagpanting ang aking tenga. What the fuck?! Anong co-parenting ang pinagsasasabi niya?!
"There's no such thing, Athena! Starting this fucking seconds, hindi kayo lalayo sa akin ni L.A. At kung pinoproblema mo ang boyfriend mo na nasa Singapore na naghihintay sa iyo ngayon ay mas mabuti pang ipaalam mo na sa kanya na hiwalay na kayo. You'll stay here, right here in my arms, in my whole damn life." Tiim baga kong sinasabi sa kanya iyon. Gusto kong isiksik sa utak niya na ako ang ama ng kanyang anak at sa ayaw at sa gusto niya'y magsasama kami sa iisang bubong! Iisipin ko pa lang na babalik siya sa Singapore para sa lalaking iyon ay gusto ko ng pumatay. Kumukulo ang dugo ko habang naiisip ko ang pagsasama nilang dalawa kasama ang aking anak. Fuck! Mas pipiliin niya pa talaga ang lalaking iyon over her son, over our family?
"What? Are you out of your mind? Can't you hear yourself?" Asik niyang tanong sa akin. Siya pa talaga ang galit ngayon? Damn it!
"Yes, I've been out of my mind since you left me, Athena. And I will be crazier if you'll leave me again with L.A.! So, you'd better stay here or else wala kang Rogene Agore na madadatnan doon sa Singapore." Mariin kong pagbabanta sa kanya. Nabigla pa ako sa aking sarili. Hindi ko lubos maisip na pagbabantaan ko ang buhay ng boyfriend niya but the hell I care, for Pete's sake! Gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya, ngayon pa na nalaman kong may anak kaming dalawa.
"You don't have the right to tell me what to do, Anthony! I have my life and job there! Sa ayaw at sa gusto mo'y kailangan nating pag-usapan ang co-parenting para sa aking anak." Damn her stubbornness!
"Damn! Ating anak, Athena! I have no time to argue this fucking co-parenting idea of yours while my soul is horribly longing to see my four year old son! For the love of God, please let us set aside this one first? Please? I need to see him now." Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Agad kong kinuha ang bag niya na nakalapag sa sofa at inabot ko ang kanyang kamay. Marahan ko siyang hinila at laking pasalamat ko nalang na hindi na siya nagmatigas pa. Kating kati na akong puntahan ang anak ko. Call me what pero desperado na talaga akong mayakap ang aking anak. Deserve ko naman sigurong mayakap ang sarili kong anak kahit napakagago ko, hindi ba? At kung inaakala niyang papakawalan ko na siya sa Rogene Agore na iyon ay nagkakamali siya!
"Wala pa bang mas bibilis dito?" Sarkastikong tono ni Athena ang pumukaw sa aking diwa. Agad kong binagalan ang pagpapatakbo. Hinding hindi niya ako masisisi kung halos gusto ko ng paliparin mula sa condo unit ko papunta sa bahay nila ang sasakyan. Okupadong okupado ni L.A. at Athena ang aking isip. Bakit hindi man lang sumagi sa akin noon na nabuntis ko siya? Fuck! Paano ko ipapakilala ang sarili ko sa aking anak? Matatanggap kaya niya ako sa kabila ng kasalanan ko sa Mommy niya?
"I'm sorry. I don't know what to do--- I mean, napakagago ko, Athena. Paano ko ipapakilala ang sarili ko sa kanya?" Halos pabulong kong sabi. Damn it! Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng takot. Noong una akong nakaramdam ng takot ay 'yung araw na nalaman kong iniwan ako ni Athena. I can't take it if my own son will hate me too.
"Relax. He knew about you, Anthon." Napalingon ako sa kanya na nakaawang ang bibig. Ano raw? Tama ba ang narinig ko na kilala ako ng sarili kong anak?
"Yes and please, sa daan ang tingin, Mr. Enriquez kung gusto mo pang makita ang anak mo." Sarkastiko niyang sagot sa akin na parang nababasa niya ang laman ng aking isip.
"Kilala niya ako? Alam niyang ako ang daddy niya?" Para akong timang na itinutuon ang tingin sa daan habang halos pabulong na umuusal. Matinding saya ang lumukob sa aking pagkatao nang malaman kong kilala ako ng sarili kong anak. Hinahanap din kaya niya ako?
"Yes. I'm not that too selfish, anyway. Hindi ko naman gustuhing lumaki ang anak ko na hindi niya man lang kilala ang sarili niyang ama. May plano naman talaga akong sabihin sa iyo noong araw na nadatnan kita sa opisina mo na may kasamang babae." Bahagyang pumiyok ang boses niya habang sinasabi ang huling salita.
"You mean... that time?" Gusto kong magmura nang maalala ko ang araw na iyon. Gusto kong ihinto ang sasakyan at yakapin siya, sabihin sa kanya na hindi ko minahal ang babaeng iyon. Na siya lang ang babaeng minahal ko at mamahalin sa tanang buhay ko. Pero tapos na ang lahat, ang kailangan ko lang gawin ngayon ay ang itama ang mga maling nagawa ko noon. Pagkaparada ng pagkaparada ko sa aking sasakyan sa harap ng bahay nina Athena ay agad kong siyang hinarap.
"I'm sorry, Babe. Oo, may nangyari sa aming dalawa ni Hillary noon pero lasing ako noon. Alam kong hindi ko na maibabalik ang oras na lumipas. Alam ko ring nasaktan kita noon. But please give me a second chance to make this thing right. I can't afford to lose you again and my son." Sa kayrami-rami ng nangyayari sa akin ngayon ay isa lang talaga ang pinagtutuunan ko ng pansin, ito ang pagbuo ng sarili kong pamilya. Napakalaki ko talagang gago kung hahayaan ko pang mahiwalay silang dalawa sa akin.

BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...