Athena
"You're kidding me, pwede ba naman 'yong hindi mo ako bibisitahin?!" Habang napapalakas ang aking tawa. Kausap ko si Kuya Jay sa skype. Binibiro niya ako na uuwi raw siya rito sa Pinas pero hindi raw niya ako bibisitahin. Knowing him na hindi niya talaga ako matitiis. Nasa Texas siya ngayon. Kasama ang kanyang fiancee. Pamangkin siya ni Mama. Pinsan ko siyang buo. Siya at si Bry lang ang close ko sa lahat naming magpipinsan. Napatigil ang pagtawa ko nang makarinig ako ng malalakas na katok. Parang magigiba ang pinto ko sa kanyang marahas na pagkatok. Natigil rin si Kuya Jay sa pagsasalita nang marinig niya ang mga katok. Bigla akong naalarma.
"Sino 'yan? May bisita kaba, Bby?" Agad na tanong ni kuya sa akin habang tinitingnan ang kanyang relo sa kaliwang kamay. 'Bby' ang tawag niya sa akin simula noong bata pa ako. Dalawang taon ang tanda niya sa akin. Alam niyang gabi na rito sa Pinas at ako lang mag-isa ritong nakatira sa aking apartment kaya may lumukob rin sa kanya na takot.
"Wala naman, Kuya. Wait. Sisilipin ko sa peephole." Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot na agad akong tumayo sa upuan at sinilip ang peephole.
Nabigla ako nang makita ko ang galit na mukha ni Anthon sa labas. Suot parin niya ang polo shirts niya kanina. Nakatukod ang kanyang kanang kamay sa gilid ng pinto at ang isang kaliwang kamay ay parang nakahawak sa door knob. Hindi nga ako nagkamali dahil pinipilit niya itong buksan. Anong nangyayari sa kanya? Hindi siya basta bastang sumusugod dito ng gabi. Tumatawag muna siya sa akin bago pupunta rito. At akala ko ba mag-o-overtime siya sa office? Napapitlag ako sa boses ni kuya nang itanong niya kung sino. Sinabi ko sa kanya na si Anthon ang nasa labas. Minsan na niyang nakausap si Anthon sa skype kaya naman ay hindi na siya nagtanong pa. Agad kong binuksan ang pintuan. Tumambad sa akin ang nagpupuyos sa galit ang mukha ni Anthon.
"Sinong kausap mo?" Tiim-baga niyang tanong sa akin na halos ikanabigla ko. Napakalamig ng boses niya. Nakakuyom ang kanyang kamao. Nilagpasan niya ako at pumasok siya sa loob. Agad niyang sinuyod ang kabuuan ng aking apartment. Tiningnan ang aking laptop na ngayo'y bahagyang nakatakilid sa aming direksiyon kaya naman ay hindi niya makita kung anong meron doon. Bakit siya galit?
"Kausap ko s---"
"Bby? Are you still there?" Putol ni Kuya Jay sa aking sinasabi.
"Bby? Who the hell---" Malalaking hakbang na tinungo ni Anthon ang aking laptop at tiningnan kung sino ang nagsasalita. Napabuga siya ng hangin at unti-unting nawala ang galit na kanina'y rumehistro sa kanyang gwapong mukha. Pagkatapos ay tumango sa harap ng screen na parang binati niya ang nasa kabilang linya.
"Anthon! Kamusta ka?" Bati agad ni Kuya sa kanya. Isinara ko ang pinto at tiningnan siya. May problema ba siya ngayon?
"Okay lang, Jay. Binisita ko si Athena. Ikaw ba, kamusta?" Agad na sagot ni Anthon sa kabilang linya at bumaling nang bahagya sa akin. Magkasing-edad lang silang dalawa kaya naman ay hindi na siya nagku-kuya kay Kuya Jay. Naghalukipkip lang ako at sumandal sa isang upuan. Tiningnan niya lang ako at bumaling agad sa screen. Pagkatapos ng ilang segundo nilang pag-uusap ay nagpaalam na si Kuya Jay sa aming dalawa. Agad kong tiniklop ang laptop at hinarap siya.
"What's wrong with you?" Hindi ko mapigilang magtanong sa kanya. Kanina pa siya gan'to noong nasa bahay pa nila.
"I thought, may lalaki kang kasama." Pawalang-sarili niyang sagot.
"What? Lalaki?!" Para akong nainsulto sa kanyang sinabi. Biglang nagpanting ang aking tenga ko. Nag-init agad ang aking ulo. Hindi naman ako ganito dati. Nakakapagtimpi naman ako. Pero iba naman iyon sa ngayon. Alam kong seloso si Anthon pero not to the point na pag-iisipan niya akong may ibang lalaki akong pinapapasok sa apartment ko. Napailing nalang ako. Stress lang siguro ako dahil hanggang ngayon ay wala paring tumatawag sa mga ina-applyan ko.
"Hindi ko alam na si Jay pala ang kausap mo! Narinig kitang tumatawa kanina! Anong gusto mong isipin ko? Pagkatapos ay marinig ko pa ang boses ng lalaki! Damn, Athena!" Akala ko ay tatahimik nalang siya pero heto siya ngayon, nagpupuyos na naman sa galit ang mga singkit niyang mata. Nakataas pa bahagya ang kanyang boses. Ngayon niya lang ako nasigawan. Ngayon ko lang din siya nakitang galit na galit. Hindi ako nagpatinag sa kanya. Nakatayo parin ako at nakatitig sa kanyang mga mata. Nakakuyom ang kanyang mga kamao na parang gustong manuntok ng wala sa oras. Anong bang problema niya? Ah. Kung hindi niya pa nakausap si Kuya Jay ay iisipin niya talagang may iba akong lalaki. What the... Selos lang ba talaga ito?
"Ah... so, you're saying that I have another man here!" Nagtaas narin ako ng boses. Hindi ko aakalain na pag-iisipan niya ako ng ganoon. Kumakabog ang aking dibdib sa galit. May matino bang girlfriend na mag-i-entertain ng ibang lalaki? At kung mayroon man ay ibahin niya ako! Naramdaman kong may lumingid na likido sa gilid ng mga mata ko kaya pinigilan ko iyon. No! Not this time!
"No! It's not that what I mean!" Pasigaw niyang sabi sa akin habang nagpipigil siya sa kanyang sarili. Hindi ko siya maintindihan.
"So, what are you supposed to say? What do you want to say, Anthony? Earlier, you thought that I'm with another man. And then---" Naputol ang aking pagsasalita nang bigla niyang sinuntok ang pader. Napasinghap ako at wala't wala'y tumulo nalang bigla ang aking luha. Nanginginig akong napatutop sa aking bibig. Napaatras ako ng ilanghakbang palayo sa kanya. Bakit ba siya galit na galit? Bakit ba niya ako pag-iisipan na may ibang lalaki? Nakatitig lang ako sa kanya na takot na takot. Agad siyang humakbang palapit sa akin para aluin ako.
"No! Stop there!" Halos pabulong kong sabi sa kanya habang humahakbang akong paatras sa kung saan. Naramdaman kong napasandal na ako sa pinto. Agad kong hinawakan ang door knob at pinihit ito para mabuksan.
"I'm sorry, Babe. Nabigla lang ako kanina. Akala k---" Akmang hahawakan niya ako nang itinaas ko ang mukha ko at sinalubong ko siya ng malamig kong tingin.
"Don't touch me. You can leave now." Malamig na malamig ang boses ko habang binubuksan ang pinto para makalabas na siya. Nasaktan ako sa kanyang inisip tungkol sa akin. Ano bang akala niya? Para akong sasabog sa galit. Gusto ko siyang suntukin, sampalin para matauhan siya. Humahakbang siya palapit sa akin pero hindi niya makuhang igalaw ang kanyang kamay para abutin ako.
"Leave." Mariin kong sabi sa kanya na nakatitig lang ako sa kanyang dibdib. Hindi ko mapigilang tumulo ang aking mga luha. Laglag ang kanyang balikat na lumabas sa aking apartment. Ilang segundo pa'y narinig ko nalang ang pag-andar ng kanyang sasakyan at pinaharurot ito palayo. Padabog kong isinara ang pinto at tinungo ang aking kama.
![](https://img.wattpad.com/cover/261143078-288-k277615.jpg)
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...