Anthon
"Babe, can you take your hands off of me?" Inirapan niya ako nang bumulong siya sa akin sabay tanggal sa aking kamay na nakadantay sa kanyang hita na nasa ilalim ng mesa. Ako na siguro ang pinakaswerteng lalaki sa buong mundo dahil napasagot ko ang isang Athena Margarette Ruiz noong September 20, '12. 'Di ko aakalain na magiging girlfriend ko siya. Ang saya saya ko, gaya ngayong nasa tabi ko siyang kumakain ng paborito niyang pagkain. Natawa ako, lahat ata ng pagkain ay paborito niya. Tatlong taon na kami ngayong magkarelasyon. Nasa 4th year college na ako at siya naman ay nasa 3rd year college na, ang kinuha niya ay Interior Architecture-Bachelor of Design . Isa sa pinagpapasalamat ko sa itaas ay dahil ibinigay siya sa akin, isa siya sa inspirasyon ko para makapagtapos. Nawala narin sa akin ang pambababae, ewan ko ba parang nawalan na ako ng gana sa iba. Paminsan-minsan ay nag-aaway kami dahil sa babaeng lumalapit sa akin. Pero sinisiguro ko na hindi ako mauunahan ng libog. Selosa ang Athena ko. Siguro dahil alam niya lahat ng nakaraan ko. Nang malaman ko ang family background niya ay mas lalo ko pa siyang minahal. Napaka-strong niya. Napabilib ako sa kanya. Laki naman ang pasasalamat ko kina Tito at Tita dahil kahit na they're not in good terms ay hindi parin nila pinaramdam kay Athena na unwanted siya. Close ako sa family niya. Close din siya sa family ko. Noong dumating si Athena sa buhay ko, naiba lahat. Siya ang nagpabago sa akin. 'Di kagaya dati na iba-iba ang aking naiikama na babae. Ang gago ko noon. Alam 'yan ni Athena. Sinabi ko lahat ng nakaraan ko. Tinanggap niya ako ng buong-buo. Kaya, namamalayan ko nalang na kusa kong ginagawa ang mga bagay na di ko pa nagagawa noon, kagaya ng pagtitimpi. Nakokontrol niya ang emosyon ko. Pagdating sa kanya ay tiklop talaga ako. Masayang masaya ang aming pamilya dahil napagsasabay namin ang aming pag-aaral at ang aming relasyon. Wala namang problema sina Papa at Mama maging ang parents ni Athena. Ang pinakamaganda lang talaga ay close na kami sa side niya at sa side ko. Malaki ang tiwala nila sa amin. Hindi pa naman kami naaabot sa kama. Ewan ko ba, pagdating kay Athena, mataas ang respeto ko sa kanya. Himalang nakapagtimpi ako ng tatlong taon.
"Babe? Malilate ako ng uwi today. Gagawa kami ng report nina Niel." Pukaw na sabi niya sa akin, habang ngumunguya ng kanyang pagkain.
"Sure, Babe. Hihintayin nalang kita." Sagot ko naman sa kanya habang pinahid ko ang gilid ng kanyang labi. Gustong gusto ko siyang alagaan. Every lunch time ay magkasama kaming kumakain. Kung uwian nama'y ihahatid ko siya sa kanyang apartment. Nakakaligtaan ko na nga si Niel na bestfriend ko. Paminsan-minsan nama'y sumasabay si Niel sa amin pauwi pero madalas ay nauuna na siya. Ang sarap lang sa pakiramdam na naging maayos ang takbo ng buhay ko nang dumating si Athena sa akin. Parang na sa tuwid akong daan. Minsan napagkakamalan na nga kaming magkapatid dahil halos magkamukha na raw kami. Siya 'yung babaeng nakikita ko na sa aking pagtanda. Ang babaeng sasalubungin ako ng yakap at mainit na halik galing sa trabaho. Ang babaeng makikipagtalo sa akin pagdating sa panonood ng PBA dahil siya ay nasa panig ng Talk 'n Text at ako naman ay nasa Brgy. Ginebra. Pero sa kabila ng katigasan ng ulo niya ay napilit ko parin siya na ang ipapangalan namin sa aming magiging panganay ay "L.A.- Louise Andrei" kung lalaki at "Louise Andrea" kung babae. Isinunod ko sa pangalan ni LA Tenorio na idol na idol ko sa Brgy. Ginebra team. Naging idolo niya na rin dahil sa akin. Nang matapos na siyang kumain ay dumiretso na kami sa kiosk kung saan naghihintay na si Niel sa amin. Laking pasalamat ko sa kanya dahil siya ang nagpakilala sa akin kay Athena hanggang ngayon ay magkaklase parin sila.
"Uy, Pre. Kailan pa ba kayo maghihiwalay dal'wa. Nagseselos na ako, Athena. Noong una, ako ang sinusundo ni Anthony. Ako ang pinapadalhan ng pagkain. Nang dumating ka, naitsapwera na ako." Pambungad na sabi ni Niel sa amin na ikinatawa ng malakas ni Athena. Damn. How I really love the sound of her laugh. Sound like a song. Na-a-addict ako sa kanya.
"Don't worry, Pre! Makakahanap ka ng babaeng para sa'yo. At huwag mong pangarapin na maghihiwalay kami ni Athena. 'Di yan mangyayari." Sabay upo ko sa tabi ng mahal ko. Ikinawit ko ang kaliwang kamay ko sa kanyang likod para mahila ko siya palapit sa akin. Para akong isang magnet na naa-attract lalo sa kanya. Ayokong may ibang lalaki ang lumalapit sa kanya. Tanda ko pa noon, bago palang kami ay may lumapit sa kanyang lalaki, hindi naman siya hinawakan ngunit nang nakita ko si Athena na ngumingiti sa kanya habang nagsasalita ay kulang nalang liparin ko silang dalawa at burahin ang ngiti ni Athena sa kanyang mga labi. Napapatawa nalang ako sa reaksiyon ko noon ngayon.
"What are you smiling for?" Pabulong niya sa akin habang hinihilig ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Nothing, Babe." Sagot ko sa gitna ng paghalik ko sa kanyang noo. Everytime na ginagawa ko 'to sa kanya ay nagkaka-goosebumps siya. Shit! Naaamoy ko na naman ang natural scent niya na vanilla. Ang sarap lang sa ilong. Napakasweet niya. Very independent si Athena. Hindi ko siya masisisi kung bakit ganoon siya dahil nga nagkahiwalay ang kanyang parents at her young age. Pero sa kabila ng katangian niya ay hindi iyon naging hadlang na ipursue siya. Minsan nga lang ay nag-aaway kami dahil natatapakan na niya ang ego ko bilang lalaki. Ayaw niyang tinutulungan siya. Pilit niya iyan sinasaksak sa akin noon pero kalauna'y dahan dahan siyang nagtiwala sa akin.
"Okay, Babe." Sabay kuha ni Athena ng notebook niya at ballpen sa bag niya. Habang si Niel naman ay may tinitingnan sa kabilang kiosk. Sinundan ko ang kanyang tingin at napako ang atensiyon ko sa babaeng nakasuot ng blue cardigan. Maputi, balingkinitan ang katawan. Nagsusuklay ito ng kanyang buhok na hanggang balikat ang taas.
"Sige, Anthon. Hinahamon kita. Hingan mo nga ng number 'yang babaeng nakasuot ng cardigan? Tingnan natin kong ibibigay niya sa'yo." Bumaling ang tingin sa akin ni Niel na naghahamon. Lumingon si Athena sa direksiyon ng babae at bumaling sa akin na naghahamon din ang mga mata. Naku! Alam ko na kung anong nasa isip ng babaeng ito.
"Tingnan nga natin 'yang kagwapuhan mong 'yan, Anthony Enriquez?" (See? Kita niyo?) May bahid na paghahamon ang pagkasabi niya sa akin na hindi ko alam kung bakit ako tumayo nalang bigla at nagtungo sa direksiyon ng babae.
"Excuse me, Miss. Pwede ko bang mahingi ang number mo?" Nang makarating ako sa bandang gilid ng babae ay agad kong sinabi ang intensiyon ko sabay abot ng aking cellphone. Walang pasubali na kinuha niya ang telepono ko at tinipa ang kanyang numero. Ibinalik niya agad sa akin at ngumiti. Binawi ko agad ang aking tingin at bumalik sa kiosk na roo'y nakita ko si Athena na nakataas ang kanyang isang kilay, na alam na alam ko na kung saan 'to papunta ang tila nag-uusok na butas ng kanyang ilong! Si Niel nama'y nakangisi sa akin na parang nanalo sa isang sugal. Agad akong umupo sa tabi ni Athena at sabay abot sa aking cellphone kay Niel na di ko namalayan na sinave pala ng babae at may pangalan pa, Hillary.
"Galing naman! Nasa level 1o parin pala ang kaguwapuhan mo, Anthony?" Sarkastikong sabi ni Athena na nakahalukipkip na ang kanyang dalawang braso sa kanyang dibdib at naniningkit ang mga mata. Wait, Anthony nalang ang tawag niya sa'kin ngayon, meaning, galit siya. 'Bat ba siya nagagalit? Siya pa nga 'yung nanghahamon kanina. Babae talaga, ang hirap ispelingin!
"Save the number now and delete it there. Baka saan ako pulutin nito 'pag nagkataong magalit si Boss." Patawa kong sabi kay Niel na inirapan lang ako ni Athena. Isinave ni Niel ang number ni Hillary sa kanyang phone at ibinalik sa akin ang aking cellphone sabay sabing...
"Wala ka paring kupas 'D Playboy!"
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...