Chapter 36

15 1 0
                                    

Athena

Kaninang umaga pa kami nakarating dito sa Pilipinas. Hindi ko na pinasama si Tiya Lusing sa amin para makauwi na agad siya sa kaniyang pamilya. Sina Hannah at Mama ang sumundo sa amin kanina. Napaiyak pa talaga kaming tatlo nang sa wakas ay nagkita at nagkayakapan nang muli. Nabigla pa ako nang tumakbo palapit si L.A. kay Mama para magpakarga sa kanya. Parang nakasama na niya si Mama sa personal sa kanyang inakto kaninang umaga. Natawa naman kaming tatlo. Ngayon ay nasa bahay kami ni Mama. Si Hannah ay bago lang umalis dahil may klase pa siya. Nagtuturo siya sa isang pribadong paaralan dito sa Pilipinas. Miyerkules ngayon, sinabihan ko na siya kagabi noong tumawag sila na okay lang talaga sa amin kung si Mama nalang ang susundo sa aming mag-ina. Para hindi na siya makapag-half day pero nagpumilit talaga ang loka, kaya naman ay wala na akong nagawa. Tumayo na ako para magbihis. Ngayon ang first meeting ko sa aming client. Hinihintay kong magsend si Sir Rodge ng details ng client namin pero location lang ng building ang binigay sa akin. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon dahil baka ay nakaligtaan niyang isend sa akin ang info ng client. Isi-search ko nlanag mamaya. Sinend rin naman niya ang pangalan ng kompanya. Tiningnan ko ang reflection sa sarili. Pinili kong isuot ang white blouse at black slacks, may usual work outfit. Pinatungan ko ng white coat at pinarisan ko ng black stiletto heels. Kinuha ko agad ang aking black Versace virtus tall tote bag at pinasadahan ko ng kamay ang aking mahabang buhok na hindi ko na inipitan. Matapos akong magpaalam kina L.A. at Mama ay agad kong tinungo ang nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay. Nirentahan ko iyon sa loob ng isang buwan. Alam kong mas gagastos ako kung magko-commute ako araw-araw. Nasa Quezon City ang location ng EPCC building. Hindi na ako nag-atubiling magresearch kung anong meaning ng abbreviated letters. Mamaya ko na iyon i-check. Matapos ang 45 minutes ay huminto ang kotse ko sa isang mataas na building na sa tuktok nito'y may nakadikit na apat na letrang EPCC. Napangiti ako, big project namang talaga. Bigatin talaga ang mga client namin kaya hindi na ako nagtaka nang malaman kung ura-urada akong pinalipad ni Sir Rodge dito. Dumiretso agad ako sa parking area ng building at nagpark. Umibis ako ng sasakyan at agad tinungo ang information desk ng building.

"Good afternoon. Ms. Ruiz from Us-Design Interior." Bati ko agad sa receptionist. Lobby palang ay napakaclassy na. Isinuyod ko ang tingin sa kabuuan nito at bumalik sa mukha ng receptionist.

"Wait for a second, Ma'am." Ngumiti ang magandang babae sa akin pagkatapos ay may kinausap ito sa telepono.

"25th floor, Ma'am. Please." Agad niyang iminuwestra ang kanyang kamay sa direksyon ng lift.

"Thank you." Tinungo ko ang lift at agad na pinindot ang 25th floor. Ilang sandali palang ay bumungad sa akin ang gray painted wall katulad parin nong sa lobby pero mas peaceful ang ambiance dito. The company says it all. Agad akong tumungo sa isang white desk na may nakaupong isang magandang babae, hula ko'y isa itong secretary.

"Good afternoon, Ms. Ruiz from Us-Design Interior." Bati ko sa magandang babae na ngayo'y nakatingin sa akin at bahagyang nakaawang pa ang bibig. Napansin niya sigurong nakangiti parin ako sa kanya ay bahagya siyang tumikhim at ngumiti na rin.

"Good afternoon, Ms. Ruiz. This way po." Agad siyang tumayo at iginiya ako sa puting pinto. Very clean and oozing masculinity ang ambiance base sa pinto palang. Agad niyang kinatok ito at pinihit ang door knob. Bigla akong kinabahan. Shit! Wala naman sigurong halimaw sa loob diba? Bakit ba naghaharumintado ang puso ko ngayon? Focus, Athena. You need to get this project! Paalala ko sa sarili. Ilang sandali pa'y bumukas ng malawak ang pinto. Tumambad sa akin ang massive gray table, nakapatong doon ang isang Apple iMac desktop. White couch sa harapan at may isang single gray chair na malapit sa desk. Sa right side ay nakasabit ang wine rack na kulay gray sa maputing wall. Very clean yet too masculine. Sa left side ay from floor to ceiling window glass na halos kita ang kabuuan ng Quezon City. Too relaxing and I'm pretty sure magandang tumambay rito kapag gabi dahil kitang kita mo ang city lights. Agad na nakuha ang atensiyon ko sa lalaking nakatayo sa gilid ng window glass. Nakapamulsa ito na nakatanaw lang sa malayo. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso nang tiningnan ko ang malapad niyang likod. Shit! Huwag lang magkamaling sabihin ni Sir Rodge sa akin na ang lalaking ito ay ang client namin?! Napahawak ako ng mahigpit sa aking tote bag. Para akong hihimatayin sa kaba. Gusto kong tanungin muli ang babae kung tama ba talaga itong building na pinasok ko. The man in a dark navy blue suit has a broad shoulder. He looks stronger and more powerful than before! This can't be!

"Ehem. Good afternoon." Napukaw ang aking diwa sa pagtikhim nito at sa baritonong boses na parang umalingawngaw sa loob ng opisina niya. Mas lalong naghaharumintado ang puso ko sa kaba nang iginiya ako sa loob ng babae kanina at agad namang lumabas at isinara ang pinto. Ano bang katangahan ang ginawa ko?! Bakit hindi ko man lang niresearch ang info ng kliyente namin? Mapapatay ko si Sir Rodge ng wala sa oras! Hindi ako nagkakamali. The very least person that I've expected here in front of me is Anthon. Napapamental slap ako sa sarili. I'm so careless! How could I be so careless?! Bakit hindi ko man lang niresearch ang EPCC! Napakagat ako sa labi at pinapanatag ko ang aking sarili. Gusto kong tumakbo palabas ng opisina niya. No, Anthena! You can't run away like you did before. Sigaw ng ibang parte ng aking isip. I can't think straight right now. Shit! Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at agad kong sinalubong ang kanyang tingin. Nakatayo parin siya roon na parang huminto ang kanyang mundo. Ganoon din ako. Parang may kakaiba akong naramdaman nang sandaling nagtama ang aming mga mata. His tanned skin, thick eyebrows, his perfect jaw line, ang patilya sa gilid ng makinis niyang mukha, his perfect nose, manipis na mga labi at singkit na mga mata. Yes, he's still the Anthony Enriquez. Ang lalaking nanakit sa akin noon. Kinapa ko ang galit sa aking dibdib at pinakiramdaman ang sarili pero bakit parang nawala nalang bigla ang sakit at kirot na naramdaman ko noon? Parang nakaramdam ako ng pagkasabik?

"Good afternoon, M-Mr. E-Enriquez. M-Ms. Ruiz from Us-Design Interior." Shit! Huminto bigla ang aking paghinga ng iniabot niya ang kanyang kamay sa akin para makipagshake hands. Hindi ko na namalayan na nakahakbang na pala siya papalapit sa akin. Iniabot ko ang kanyang kamay at sumikip lalo ang aking dibdib nang maramdaman ko ang pamilyar na init na lumukob sa buo kong katawan. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad sa paglayo ko at pagtago ko sa kanyang anak. Pero binawi ko agad ang aking kamay sabay sa pagwakli ng ideyang iyon. Hindi ito ang tamang oras para sabihin ang lahat sa kanya. Kinagat ko ang aking ibabang labi para masiguro kong hindi pa ako namamanhid dahilan sa pagkabog ng aking dibdib. For Pete's sake, Athena! Calm down, baka magka-cardiac arrest ka pa sa harapan niya!

"Let's have a seat." Itinuro niya ang white couch na nasa gitna ng opisina niya. Humakbang agad ako at umupo rito. I really need this! Hindi ko ito inaasahan. Too early for this encounter.

"Thank you, Sir." Casual kong tugon sa kanya na ikinanuot ng kanyang noo. Still, he's the old Anthon. Agad siyang umupo sa couch na nakaharap sa kinauupuan ko. I can still smell his scent from here. Mariin kong ipinikit ang aking ulo at iwinakli ang ideyang kanina pa sumasagi sa aking isip. Focus, Athena!

"Oh, please drop the formalities, Athena." He said it huskily na dahilan para makagat ko ang aking mga labi. Oh! How I missed him. Hanggang ngayon ay napakasarap paring pakinggan ang pangalan ko habang binibigkas ng mga labi niya. Napapamental slap nalang ako sa sarili. Bakit parang nakalimutan ko agad lahat ng kasalanan na ginawa niya sa akin noon?

"I'm sorry, Athena for hurting you. I'm sorry for being a jerk that time." Napatingin ako diretso sa kanyang mga mata nang marinig ko siyang nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin na parang nagsusumamo na patawarin ko siya. Iwinakli ko agad ang aking nadarama. Natuon ang atensiyon ko sa singsing na suot-suot niya. Lumukob agad ang kirot sa aking buong pagkatao. Napakagat ako sa ibabang labi para pigilan ang pagdausdos ng aking luha. Bakit ako maiiyak?

"It's okay. It was all in the past, Mr. Enriquez. Kalimutan na natin 'yon, total apat na taon narin ang nakalipas." Agad kong turan na ngumiti pa nang bahagya. Hindi ko ipapakita sa kanyang nasasaktan ako, tama na. Kung siya ay nakamove on na at may sarili ng pamilya, magmu-move on narin ako. Agad na dumapo ang tingin ko sa mga mata niya. Agad kong naaninag ang sakit doon. Tama ba ang nakikita ko? Nasasaktan siya? Pero bakit? May sarili na siyang pamilya. Gusto niya nalang sigurong mapatawad ko siya at ibibigay ko iyon sa kanya.

"Athena.." Garalgal ang boses niya habang sinasabi niya ang aking pangalan. Napapikit ako, napakahypocrite kong tao kung sasabihin kong hindi ko na siya mahal. Napakaipokrita ko kung sasabihin ko sa kanya ngayong hindi ako nasasaktan. Pero siguro tama na nga sigurong lumayo ako noon dahil baka magkakasakitan lang kami dalawa kapag nagkataon.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon