Chapter 42

19 1 0
                                        

Athena

Halos hindi ako mapakali sa aking kinauupuan ngayon. Nakacentralized ang airconditioner dito sa living room pero sa mga sandaling ito'y kulang nalang ay pagpapawisan ako ng malalaking butil dahil sa ideyang mag-uusap kaming dalawa. At anong 'us' ang sinasabi niya? Mayroong kami? Mayroong sila? Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi ko gugustuhing maging kabit! Alam ko kung saan ako lulugar sa buhay niya ngayon. 'Totoo ba talagang alam mo kung saan ka lulugar, Athena?' Biglang tanong ng kabilang parte ng aking isip. Shit! Kahit kailan ay hindi ko naging kakampi ang aking puso't isip pagdating kay Anthon. Nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga habang iniisip ko ang aking susunod na gagawin. Ano nga ba ang dapat kong gawin? Rumehistro agad ang mukha nina Mama at Papa, Hannah at Nefea sa aking isip. Agad na lumukob ang takot sa buo kong pagkatao. Hanggang kailan ko itatago si L.A. sa kanya? Isang buntong hininga na naman ang aking pinakawalan bago ko binuong muli ang aking desisiyon. Tama na ang apat na taong pagsisinungaling mo kay L.A., Athena. Tama na ang apat na taong pagtatago. Napagdesisyunan kong sasabihin ko na sa kanya lahat ngayon, tutal ay natapos ko na ngayon ang condo unit niya at bukas na bukas din ay lilipad na kami pabalik ng Singapore. Ano pa ba ang rason para mag-stay kami rito ng ilan pang linggo? Hindi ko ipagsisiksikan sa kanya ang anak ko kung hindi niya man lang kayang tanggapin, at least, naitama ko man lang ang pagkakamaling nagawa ko 4 years ago. At least, nasabi ko sa kanya na may anak siya...

"Athena..." Pukaw ni Anthon sa aking nag-aalangang diwa. Hindi ko man lang namalayan na nakaupo na siya sa tabi ko. Ipinulupot niya ang kanyang braso sa aking maliit na baywang. Napapitlag ako ng bahagya nang maramdaman ko ang init na dala ng kanyang braso sa aking katawan.

"I have something to tell you." Kung hindi ko gagawin ito ngayon, baka pagsisisihan ko pa ito sa huli. Now or never, Athena. Paalala ko sa sarili habang humuhugot ng lakas. Ganito rin ba ang naramdaman ng mga single mom na piniling ilayo ang kanilang anak noon sa totoo nitong ama? O ako lang talaga ang loka lokang lumayo at nagpakaselfish?

"What? That you're in a relationship? Look, listen to me, Babe." Napanganga ako sa kanyang sinabi. Anong sinasabi niyang I'm in a relationship? Gago! Siya nga itong may asawa na!

"Napakagago ko noon para hintayin ko pang lumipas ang apat na taon para humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa iyo. I know, nasaktan kita noon, Athena. Every single day, pinagsisisihan ko ang aking kasalanang ginawa. Sa loob ng apat na taon ay hinihiling ko sa itaas na sana'y isang araw ay babalik ka sa akin pero alam kong hindi iyon mangyayari na ganoon lang kadali dahil nasaktan kita. God knows how much I love you, Babe..." Garalgal ang boses niya habang sinasabi niya ang huling mga salita. Namumula ang singkit niyang mga mata at ang matangos niyang ilong. Shit! Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Ako dapat ang humihingi ng tawad sa kanya ngayon.

"I know, hindi mo ako mapapatawad ngayon pero hindi ako susuko, Babe. Gagawin ko ang lahat para bumalik ka lang sa akin, babawiin kita kay Rogene kung kinakailangan. Call me desperate or what, Babe but I can't afford to lose you again." Napatanga ako sa sinabi niya. Ano raw? Babawiin niya ako kay Sir Rodge? Iniisip niyang may relasiyon kami ng boss ko? What the heck? So, all this time.. Oh! Anthony Enriquez! Kung hindi lang ito tungkol sa anak naming dalawa ay hahalagakpak na ang malakas kong tawa. Iwinakli ko agad ang sumagi sa aking isip. Shit, Athena! Hindi ito ang tamang oras para matawa ka sa lahat ng nangyayari ngayong bruha ka! Agad napangiwi ako sa ideyang iniisip niyang may relasyon kami ng boss ko. Kung alam niya lang talaga ang totoong pagkatao ng boss ko! Pero, later ko na iyon iisipin, uunahin ko muna ang issue ng anak ko sa totoo niyang ama na ngayo'y nasa tabi ko't nakapulupot parin ang makisig niyang braso sa aking baywang na parang wala siyang ideyang bitawan ako. Nakatitig parin siya sa akin na parang naghihintay sa aking isasagot.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon