Anthon
"Wow! She's different." binawi ko ang aking tingin sa papalayong Athena sabay upo sa iniwang upuan niya.
"First time mong na-snob, Pre?" pang-aasar ni Niel sa akin. Alam niya kasing marami akong babae. Hindi naman sa pagmamayabang, pero ang babae na kasi ang lumalapit sa akin. Well, kapag palay na ang lumalapit, hindi mo pa tutukain? Pero hanggang kama lang, hindi aabot sa pagpapakilala sa buong pamilya. Ang gusto ko kasing dalhin sa bahay ay iyong babaeng panghabambuhay na. Eh sa ngayon, parang wala pa sa akin. Fling fling lang muna.
"Interesting." sagot ko na parang sarili ko ang aking kausap. Nagpakawala ako ng ngisi sa aking mga labi na parang napahamon ako.
"Naku! Anthon, nalintikan siya." bawing sagot ni Niel sa akin na mariin pa niyang sinampal ang kanyang noo na parang napakalaking problema kung pupormahan ko si Athena.
"Gago. Mali 'yang iniisip mo." pabalik kong turan sa kanya. Alam ko at basang basa ko na si Niel kung anong iniisip niya. Sa katagal-tagal ba naman naming magkasama. Since elementary, siya na ang aking matalik na kaibigan mula noon hanggang ngayon ay magkasangga parin kami. Magkasing-edad lang kami ni Niel pero dahil nahinto siya ng isang taon sa pag-aaral dahilan sa financial problem ay nauna ako ng isang taon sa kanya ngayon. Gayunpaman ay nasa isang university parin kami nag-aaral. At siya rin ang nagbigay ng nickname sa akin na 'D Playboy. Hindi naman sa playboy. Siguro, di ko pa nakikita ang babaeng nagpapatibok ng aking puso, siguro, ngayon pa lang...
"Huwag siya, Pre." putol ni Niel sa aking iniisip.
"Bakit? May boyfriend ba?" tanong ko agad sa kanya.
"Hingin mo kaya phone number niya, Niel? Total, classmate mo naman siya. Pwede?" dugtong ko agad at hindi ko na hinintay ang sagot niya.
"Wala ata. Kung interesado ka sa kanya, ikaw ang humingi ng number niya. Tingnan mo nga, di nga inabot ang kamay mo kanina, phone number pa kaya?" pabalang niyang sabi.
"Bingo!" Napasuntok ako sa hangin nang malaman kong wala siyang kasintahan.
"Ay, 'di niya lang siguro feel ang makipagkamay sa gwapo! Sige. Ako ang hihingi." Tumatawa ko pang dugtong. Ito na 'yong pagkakataon, Anthon! Don't miss the chance! Paalala kong sabi sa aking isip.
After class ay nagtungo ako sa canteen para doon nalang hintayin si Niel, kapitbahay ko lang siya kaya naman ay sabay na kaming umuuwi. Habang nakaupo ako sa may bandang gilid ng canteen ay natanaw ko agad si Athena sa di kalayuan na naglalakad. Nakasukbit sa dalawang tenga niya ang earphone at naka messy bun ponytail ang mataas niyang buhok na kahit nasa malayo ka ay tanaw mo ang makinis niyang balat sa leeg. Damn! Napamura nalang ako. Tinitingnan ko palang siya ay parang sasabog na ako. Kahit sino namang lalaki siguro ang tumingin kay Athena ay mabibighani sa kanyang simpleng ganda. Walang kaarte-arte. Karamihan kasi sa mga babae ay mahilig sa kolorete. Kaya siguro, na-attract agad ako sa kanya. Para kasing wala siyang pakialam. 'Yung wala lang. 'Yung hindi niya alam na maganda siya. At speaking of maganda, napakaganda talaga niya sa malapitan. Oo, ngumingiti siya sa akin! Lucky you, Anthon! Damn, Athena! Napabuga nalang ako ng hangin nang ngumiti siya. Siguro, naalala niya ako kanina. Ang ganda niya...
"Hi, Gang!" Bati niya at nilagpasan ako sabay tanggal sa earphone niyang nakasukbit sa kanyang dalawang tainga. Napasunod ako ng tingin sa kanya, napaharap nalang ako bigla sa direksiyon nila. Ngayon ko lang napansin na nandito rin pala ang morenang babaeng nakabangga sa aking sasakyan noong nakaraang Sabado sa parking area ng grocery store. Nagbawi ako ng tingin ng napagawi ang tingin ni Athena sa direksiyon ko. Naramdaman niya siguro ang pagtitig ko. Shit! Saan na ang charisma mo, Anthony! Bakit ka tiklop sa kanya? Ilang segundo pa'y akmang lalagpasan na nila ang kinauupuan ko nang 'dagli-dagli kong hinawakan ang kanang braso ni Athena. Bigla agad siyang nagka-goosebumps, napangiti ako sa reaksiyon niya, nabigla ko siya pero ang ganda niya paring tingnan. Nakaawang konti ang kanyang mga labi, nakaangat nang kaunti ang ulo at nakatingin diretso sa mata ko na nagtataka. Nasa hanggang balikat ko lang si Athena kaya naman nakalinga siya ng bahagya. Nagtatanong ang tingin niya sa akin na parang nagtataka kung bakit hawak-hawak ko ang braso niya, mapula-pula ang kanyang pisngi na ikinataas ng kanang gilid ng aking labi. Napalunok nalang ako, ang lambot ng kutis niya. For the record, di pa niya binabawi ang kanyang kanang braso...
"Ahem! Mr. 'Yung braso po ng bestfriend ko." Pukaw sa akin ng kasama niya na sabay turo sa braso ng kaibigan. Napapitlag si Athena sabay bawi sa kanyang brasong mamula-mula tanda ng aking pagkakahawak. Nahigpitan ko ata ang aking pagkahawak. Agad kong ibinulsa ang mga kamay at nagpigil baka kasi hapitin ko siya sa baywang at tabigin ng halik. Mahirap na.
"Athena, I just want to tell you, I'm sorry kanina." Paligoy kong sabi na nakatuon lang ang aking mata sa kanyang mapula-pulang mga labi na ngayo'y wala sa sarili ay kinagat niya ang ibabang labi. Don't bite your lip like that, woman! You're driving me crazy! Pagmumura ko at pagpipigil ko sa sarili na halikan siya. Sa halip na magkamali akong buksan ang aking bibig at masabi iyon sa kanya, tumikhim ako, piniling lunukin ang pagnanasa na bumalot sa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako nagso-sorry, sa wala akong masabi, gusto ko lang talaga siyang makausap sa malapitan. Pero wrong move ako, the more I want to be near her, the more na gumagapang ang pagnanasa kong angkinin siya.
"Huh? For what?" Nakakunot-noo niyang tanong na bahagya pang ipinilig ang ulo. Shit! Woman!
"Yung kanina sa library. Baka kasi---" napalunok muna ako bago ako nakasagot. Ano bang ginagawa mo sa akin, babae ka?
"Oh! I see. 'la yon! Nagmamadali lang talaga ako kanina dahil ayokong malate sa first subject ko. We have to go, Anthon." Pagmamadali niyang sagot na parang nahihiya sa akin sabay hila sa kamay ng kanyang kasama at nagsimula ng humakbang patalikod.
"Athena! Wait, can I have your cellphone number? Please?" Pahabol kong sabi sa kanya sabay abot ng aking cellphone. Utang na loob, God. Ibigay niyo na sa akin 'to. Dasal ko sa itaas.
Bumaling siya sa akin at nag-isip ng ilang segundo bago inabot ang aking cellphone, tinipa niya ang kanyang number na sana, sa kanya talaga, na hindi niya lang gawa-gawa. Ibinalik agad niya sa akin ang cellphone ko na blangko lang ang expression ng mukha sabay talikod kasama ang kanyang kaibigan. At bingo, Anthon! Dali-dali kong sinave ang number na tinype ni Athena, na parang takot na macorrupt bigla ang lahat ng info sa cellphone ko kasama na roon ang numero niya.

BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomantiekA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...