Chapter 34

14 1 0
                                    

Athena

Nang malapit na akong matapos sa pag-iimpake ay agad na nag-ring ang aking messenger. Sina Hannah at Nefea ang tumatawag. Agad ko itong sinagot para tumigil sa kari-ring, baka magising si L.A. sa kanyang mahimbing na pagkatulog. Lumabas agad ako ng kwarto at umupo sa sofa. Nilingon ko ang kusina at madilim na roon banda. Naisip kong nagpapahinga na siguro si Tiya Lusing ngayon.

"What's that straight face, Theen?" Si Nefea agad ang unang nagtanong. Napansin niya siguro ang seryoso kong mukha.

"I have a big project." Walang gatol kong sabi sa kanila. I mean 'big problem' gusto ko sanang sabihin pero hindi ko na itinuloy.

"You mean, big problem? Kung big project 'yan, Gang kasing liwanag na sana ng ilaw sa Meralco 'yang mukha mo!" Napabuntong-hininga agad ako, Hannah knew me at all.

"We'll go to the Philippines on Wednesday." Diretsahan kong sabi sa kanilang dalawa na ikinalaglag naman ng kanilang panga, literally. Kung hindi lang ako kinakabahan sa ideyang babalik ako sa bansa na iyon ay hahalagakpak na ang tawa ko sa pagbukas ng kanilang bibig na parang hindi makapaniwala sa kanilang narinig. For the record, hindi pa nila ito naititikom.

"Yes. Uuwi kami roon dahil doon ang big project na ini---" Paninigurado ko sa kanila para maniwala sana sila sa kanilang narinig pero agad iyon pinutol ni Nefea.

"At last! Thank you God for this big project!" Patiling sabi ni Nefea na itinaas pa ng bahagya ang dalawa niyang kamay sa ere habang nakatihaya ang ulo nito.

"Mabuti naman at tinanggap mo, Gang and I want to tell you that it's the best decision that you will be made if you'll take L.A. with you. This is the right time to introduce L.A. to his Daddy, you know." Pangungumbinsi ni Hannah sa akin sa kabilang linya.

"I-I'm scared." Mahina kong usal.

"Don't be!" Sabat agad ni Hannah.

"Why?" Sabay sabay silang nagsalita sa kabilang linya. Matalik ko nga talaga silang mga kaibigan. Napabuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Frankly speaking, I want to decline this project. I have 3 damn reasons! First, it's located in the Philippines. Second, it scares the hell out of me. Third, paano kung magkita kami roon? I'm not yet ready to see him." Garalgal ang boses ko habang binibigkas ko ang huling rason. Inamin ko sa dalawa ngayon na naduduwag ako sa lahat. Really, it scares the hell out of me. Paano kung malaman niyang may anak pala siya sa akin? Paano kung hindi niya matanggap si L.A.? Ayokong makita ang anak ko na nirereject ng sarili niyang ama!

"Oh, poor girl. I want to hug you tight right now." Si Nefea ang unang nagsalita.

"Yeah, I badly need that one." Mahina kong sambit na parang kinakalma ko ang aking sarili.

"Gang, if it scares you then you must do it. Remember that line? You always utter that when we were studying. Parang kakailanganin mo na talaga iyon ngayon." Pagpapaalala ni Hannah sa akin. Tama. Sa aming tatlong magkakaibigan ay ako ang parating may baong motivational lines noon. Ako ang parating nagpapalakas ng loob sa kanilang dalawa. Napangiti ako nang maalala kong mas kakailanganin ko nga iyon ngayon.

"Thank you for both of you." Sinsero kong pagpapasalamat sa kanilang dalawa. Oh, how I love these two.

"No. Thank you, Theen for being the bravest Mom for L.A., thank you for being the best girlfriend for us. And please note, kung hindi ka pa talaga uuwi ng Pinas ay ako na mismo ang tatawag kay Anthony para ipasundo kita riyan." Litanya ni Nefea na ikinabog ng aking dibdib nang marinig kong muli ang pangalan ni Anthon. Pero alam ko namang nagbibiro lang siya at ipapasundo niya raw ako? Ni parang nakalimutan na nga ako ng lalaking iyon. Napabuntong hininga nalang ako nang sumagi sa aking isip si Anthon. For the first time in 4 years ay nakaramdam ako ng pag-alala sa kanya. Kamusta na kaya siya? May sarili na kaya siyang pamilya ngayon? Masaya na ba siya?

"We're here always, Gang at mas pa-proud pa kami sa iyo kung huhugot ka na talaga ng lakas para harapin at ipakilala si L.A. kay Anthony." Makabuluhang sabi ni Hannah sa akin.

"I already introduced Anthon to L.A., so I-----" Pagdi-defend ko sa sarili na agad na namang pinutol ni Nefea.

"Real Anthony, Athena Margarette! Not that damn polaroid films or pictures you've had!" Putol agad ni Nefea sa aking pagdi-defend. Napangiwi ako sa sinabi niya. Totoo naman talagang ipinakilala ko kay L.A. ang totoo niyang Daddy. Kilala na niya si Anthony sa murang edad niya palang. I'm not that too selfish, anyway. Hindi naman ako ganoon kasamang ina. 'Yun nga lang ay sa pictures niya lang ito nakikita. Ang alam lang ni L.A. ay busy ang daddy niya sa Pilipinas. Later ko na poproblemahin ang pagpapakilala ko sa daddy niya in person kung malaki na talaga siya. Pero, malaki na nga talaga ang anak ko ngayon.

"What should I do? 'Yun lang ang meron ako and besides ayoko lang mareject again, Nefs. Paano kung may sarili na siyang pamilya? Mas ayokong hihingi ng atensiyon ang anak ko sa sarili niyang ama na walang oras para sa kanya." Lumukob ulit ang galit ko nang maalala ko ang pag-iwan ni Papa sa aming dalawa ni Mama noon. Ayokong mangyari iyon sa aking anak. Kung kaya ko naman siyang protektahan sa sakit ay gagawin ko. Hindi lang siya matulad sa akin. I can be his Daddy too. Kahit pa maglalaro kami ng ball games sa field ay gagawin ko for him.

"There you go. Okay, then. You'll go home and see it for yourself. Can't wait to sundo you both!" Nakangising sabi ni Hannah na parang inaasahan na niya ang aking sagot.

"Debes ser valiente, Theen." Mariing sabi naman ni Nefea sa akin at pagkatapos ay nagpaalam na silang dalawa. Naiwan akong nakatulala sa screen. Parang may mali. Agad kong iwinakli iyon at ipinagkibit-balikat ko nalang ang aking naramdamang kakaiba. Humiga ako sa tabi ng mahimbing na natutulog kong anak at mahigpit ko itong niyakap.

"I love you, Love." Bulong ko kay L.A. at agad na nakatulog.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon