Anthon
"What was that for?" Tanong agad ni Athena sa akin nang makapasok na si L.A. sa kanyang kwarto. Nakahalukipkip siya na nakaharap sa akin na parang kung magkakamali lang ako ng sagot ay kakagatin niya ako. Pero sa kabila ng pagiging tigre niya ay ang ganda niya paring tingnan. Fuck! She's making me hard already. Iwinakli ko agad ang ideya na halikan siya rito sa kusina.
"Nandito ang mag-ina ko. So, dito ako matutulog." Napaawang ang kanyang mga labi nang marinig niya ang aking sagot. Damn it! You're tempting me, woman!
"Are you out of your mind?" Parang sinasabi niyang nahihibang na ako sa mga oras na ito. Oo, aaminin kong desperadong desperado na akong bawiin siya pero nang makita ko ang aking anak kanina at naramdaman kong magaan ang loob sa akin ng aking Louise Andrei ay parang daig ko pa ang nanalo sa lotto. Hindi ko aakalaing kilala ako ng sarili kong anak. At mas lalong hindi ko lubos maisip na sa loob na apat na taong wala ako sa tabi ng aking anak ay hindi man lang ako pinangingilagan nito instead ay para lang akong bagong dating galing bakasyon sa sobrang komportable niya sa aking presensya. Parang sanay na sanay siya sa akin. Naisip ko tuloy na kahit wala ako sa tabi nilang mag-ina noon ay siguro'y kinukwento ako ni Athena sa kanya, kaya ganoon nalang kakomportable sa akin ang aking baby boy.
"Nope." Ikinawit ko ang aking dalawang braso sa kanyang maliit na baywang at inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha. Napangisi ako nang napasinghap siya. Ganito parin pala ang epekto ko sa kanya.
"Umayos ka nga. Nasa bahay tayo ni Mama." Asik niya sa akin habang itinutulak ako palayo sa kanya.
"I know. At alam naman ni Mama na andito ako. Daddy ako ng apo niya. So..." Mas inilapit ko pa ang aking sarili sa kanya at isinubsob ang aking mukha sa kanyang leeg. Fuck! She still smells like vanilla.
"Daddy ka lang ng apo niya. Pero it doen't mean na pwede ka ng yumakap yakap sa akin." Yeah, she's still my woman. My tigress one.
"Why not? Sino ba ang Mommy ni L.A., Babe?" Tanong ko agad sa kanya habang inilapit ko pa ang aking mukha sa mukha niya. Napalunok siya nang bahagya at namula.
"A-ako." Tipid niyang sagot habang hindi gumagalaw.
"So, now we're talking. Ikaw ang Mommy niya at ako ang Daddy niya. Ano ba ang ginagawa ng Mommy at Daddy, Babe?" Isang dangkal nalang talaga ang layo ng labi ko sa labi niya.
"Hind---" Hindi ko na siya pinatapos at sinunggaban ko na agad ang kanyang labi. Marahas kong hinalikan ang kanyang mga labi na parang uhaw na uhaw ako sa kanya. I can't help myself. Pagdating kay Athena ay palagi akong uhaw at gutom. Isang ungol ang kanyang inilabas sa gitna ng aking paghalik. Naramdaman ko nalang ang pagsabunot niya sa aking buhok. Fuck! Tinutugon na niya ang aking halik, sinasabayan niya ang paggalaw ng aking bibig. Ipinasok ko ang aking dila sa kanya at agad niya itong sinipsip. Mas lalo akong tinigasan. Alam kong umalis si Tita kanina dahil nagpaalam ito sa amin ni L.A. bago lumabas ng bahay.
"Anthon..." Umungol siya nang ibinaba ko ang aking labi sa kanyang leeg. Pinadausdos ko ang aking kamay sa gilid ng kanyang katawan. Fuck! How I missed her body. Kinapa ko ang kanyang dibdib na ngayo'y kasing tigas na ng aking pagkalalaki. Sinasapo ko iyon at nang hindi na ako nakapag pigil ay agad kong itinaas ang kanyang blouse at bumungad sa akin ang kanyang black lacey bra. Holy shit! Inilabas ko ang kanyang dalawang dibdib at isinubsob ko agad ang aking mukha at sinipsip iyon. Fuck! Malalabasan ako ng wala sa oras.
"Ah... Ohhh... Shit! A-anthon!" Mariin niyang ungol habang isinusubo ko ang kanyang kanang dibdib.. Ang isa kong kamay ay nakapisil sa isa niyang dibdib. Nakasabunot parin siya sa aking buhok. I feel like I'll explode any minute with just sucking her hard breasts. Init na init ang pakiramdam ko.
"Hold your moan, Babe. Baka marinig tayo ni L.A." Pagkarinig na pagkarinig niya sa pangalan ng aming anak ay agad niya akong itinulak. Fuck! Agad niyang ibinaba ang kanyang blouse at inayos ang sarili. Sa halip na magalit ako dahil sumasakit ang aking puson sa naudlot naming pagtatagpo ay sumilay ang ngiti sa aking labi. I know, mahal parin niya ako.
"This is wrong." Mahina niyang usal habang sinasapo ang mukha gamit ang kanyang dalawang kamay. Damn. Those beautiful hands of her.
"Anong mali, Athena?" May galit na lumukob sa aking pagkatao nang maisip kong pinutol niya ang aming ginagawa dahil sumagi sa isip niya na may boyfriend siya? Damn it!
"Ito! Maling mali ito. May masasaktan tayo, Anthon." Sagot niya agad habang pinipigilan niyang maiyak. Fuck! Nakokonsensya ba siya?
"Sino? Si Rogene? Mahal mo ba talaga siya, Athena?" Parang may kung ano sa aking sikmura habang hinihintay ko ang sagot niya.
"Rogene? Seryoso ka? Hindi ko boyfriend si Sir Rodge! Walang namamagitan sa aming dalawa!" Para akong nabunutan ng tinik nang marinig kong wala silang relasyon. Pero bakit para siyang nakokonsensya kung wala naman pala silang relasyon? Damn! Unless? Hindi si Rogene ang boyfriend niya?! Naikuyom ko ang aking sariling kamao.
"Mas mabuting walang namamagitan sa inyong dalawa." Kung iisipin ko palang na may nangyayari sa kanila ay para na akong madudurog. Akin ka lang, Athena.
"Let's stop this, Anthon. Ayokong maging kabit mo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.
"Kabit? You're my soon-to-be-wife. Paano ka magiging kabit?" Iniisip ba niyang may asawa na ako? Apat na taon na akong nilulumot! For Pete's sake! Ni hindi ko nga makuha kuhang tumikim ng ibang babae dahil isinubsob ko ang aking sarili sa pagtatrabaho.
"Soon-to-be-wife huh!"Agad niyang hinulbot ang aking kaliwang kamay at iniharap sa akin. Tumambad ang wedding ring 'sana' namin na nakasuot sa aking ring finger. Sumilay ang ngiti ko nang maalala kong ang pamilya ko lang at ang Mama't Papa niya ang nakakaalam nito. Noong umalis siya ay akala kong ilang buwan lang ay babalik na siya kaya naman ay nagpagawa agad ako kay Chris ng wedding rings naming dalawa. Ngunit sa kasamaang palad ay napakatigas naman talaga ng pinakamamahal ko kaya naman ay naghintay pa ng apat na taon itong wedding rings sa kanya. Pero sisiguraduhin kong masusuot na rin niya ang pares ng singsing ko.
"I'm not yet married , Babe. Pero kung papakasalan mo ako ngayon ay pwede mong tawagan sina Mama at Papa para hingin ang kamay ko sa kanila." Pinipigil ko ang matawa nang makita ko ang paglukot sa kanyang magandang mukha. She's so damn beautiful.
"In your wildest dreams!" Umirap siya sa akin at nagmartsa palabas ng kusina. Lumabas ang malakas kong tawa habang sinusundan siya papasok sa kanyang kwarto. Nadatnan ko siya na nakaupo sa tabi ng aming anak. Umirap siya sa akin at agad na ibinaling ang tingin sa aming anak na ngayo'y mahimbing ng natutulog. Para akong idinuduyan sa langit habang pinagmamasdan ko ang aking mag-ina.

BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...