Anthon
"What's my schedule, Leila?" Nakatuon parin ang atensyon ko sa aking cellphone habang naghihintay sa sagot from my secretary.
"10am, you'll have meeting with the board members and by 2:00pm, you'll have an appointment with Ms. Ruiz, the Interior Designer from Us-Design Interior, that's all, Sir." Kumabog agad ang aking dibdib pagkarinig ko sa pangalan na kanyang binigkas. Yes. Ito na nga ang pinakahihintay kong araw. Sumilay ang ngiti sa aking labi. For 4 years, ganito parin ang epekto niya sa akin. Humingi ako ng pabor kay Chris noong nakaraang araw. Kahit wala namang ipapagawa sa aking opisina o sa kompanya o sa aking condo unit ay sinabihan ko siya na tawagan niya ang kanyang classmate na si Rodge para magpadala ng isang magaling na Interior Designer doon sa kanyang kompanya papunta dito sa bansa. At alam kong si Athena ang kanyang ipapadala dahil alam kong she established her name well there in his company. I don't give a damn if gagastos ako ngayon ng malaki. It's not a waste for me. This is for my woman. Naikuyom ko ang sarili kong kamao nang maalala kong 4 years na siyang nagtatrabaho sa kompanya ni Rodge. Paano kung may namamagitan sa kanilang dalawa? Pero base sa file na sinend sa akin ng hinire kong private investigator ay Ruiz parin ang apelyedo ni Athena. Meaning, may pag-asa pa ako. Pero mas nagngitngit ako sa galit nang makita ko ang litrato niya kasama si Rodge na may bitbit na batang lalaki. Hindi ko makita ang mukha ng batang lalaki sa picture dahil nakasubsob ang mukha nito sa leeg ni Rodge. Damn! Kitang kita ko ang magandang ngiti ni Athena doon at nakatingin pa talaga siya kay Rodge. May matinding selos na lumukob sa aking pagkatao nang maalala kong muli ang aking nakita. Fuck! Tumunog agad ang elevator hudyat na para lumabas dito. Agad kong tinungo ang aking opisina at umupo sa swivel chair. Hinulbot ko ang red engagement ring box at agad itong binuksan. Tumambad sa akin ang singsing na noon ko pa binili para sana magpropose na sa kanya ngunit pinaglaruan talaga ako ng tadhana. Isinara ko uli iyon at ibinulsang muli. Kinuha ko ang isa pang red box at walang wala sa sarili'y binuksan ko iyon. Tumambad sa akin ang dalawang singsing, our marriage rings na pinasadya kong ipagawa noon sa pinakamagaling na designer ni Chris sa kanyang jewelry company dahil akala ko ay ilang buwan lang ay babalik na siya sa akin at pinlano ko na agad na kung babalik siya ay pakakasalan ko siya ngunit nagkamali na naman ako. Agad kong kinuha ang singsing doon na para sa akin at isinuot iyon sa aking left ring finger. Sumilay ang ngiti sa aking labi. Akin kalang Athena. Papakasalan kita, whether you like it or not.
Makalipas ang ilang oras ay natapos narin ang meeting with the board members. Masaya akong tumungo sa parking area. Sumakay agad ako sa aking sasakyan at umuwi ng condo. Nang naipatayo ko na ang sarili kong kompanya ay bumukod na ako kina Mama at Papa. At sa loob nga ng apat na taon ay halos hindi ako makauwi sa kanila dahil sinubsob ko ang aking sarili sa pagtatrabaho. Gusto kong makalimutan ang sakit ng aking ginawa, ang kasalanang nagawa ko dahilan ng pag-alis ni Athena sa bansa. Nang naiparada ko ang sasakyan sa parking area ay agad kong tinungo ang lobby at sumakay sa elevator. Nagvibrate ang aking cellphone at napangiti ako sa registered caller.
"Hello. Yes." Sagot ko agad sa kabilang linya. Nagpaalam naman agad ito matapos niyang ilahad lahat ang gusto niyang sabihin. Marami siyang sinabi pero halos hindi ko maintindihan dahil okupado ang aking isipan sa ideyang magkikita na kami ni Athena mamaya-maya.
"Okay. Thank you." Agad kong ibinulsa ang aking phone at tiyempo namang bumukas ang elevator. Dire-diretso ang lakad ko papunta sa aking condo unit. Agad akong naligo at nag-ahit ng mukha. Knowing her, ayaw niya ng makapal na balbas sa parteng bibig. Napangiti ako nang maalala ko ang aking Athena. How I missed her so much. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na agad ako sa condo unit at pinaharurot ang sasakyan pabalik ng opisina.
"In a few minutes, magkikita na rin tayo, Babe." Usal ko sa sarili habang humihigpit ang pagkakahawak ko sa steering wheel. Can't wait to see my woman.
BINABASA MO ANG
Stuck On You
Любовные романыA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...