Chapter 17

18 0 0
                                        

Anthon

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa unit ni Hillary ay hindi ko maiwasang mapamura. Last na ito at hinding hindi na ito mauulit pa. Paniniguro ko sa aking sarili. Natanggap ko ang address ng babae nang sinend niya sa akin kanina pagkatapos kong ibaba ang telepono. Sobrang takot ko kanina nang pagkalabas ko sa banyo ay agad kong nakita si Athena na nakaupo na sa kama habang nakakunot-noo at banaag ang pagkabahala sa kanyang maliit na mukha. Gusto kong suntukin ang aking sarili habang tinanong ko siya kung kanina pa ba siya nagising. Baka narinig niya ang usapan namin ni Hillary. Hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili. Para akong nakunan ng tinik nang sumagot siya na kagigising niya palang. Tinanong niya ako kanina kung anong nangyari. Nagsinungaling na naman ako sa kanya. Damn! Ano bang dapat kong sabihin? Na makikipagkita ako kay Hillary para tapusin na ang lahat? Malaki ang hakbang kong tinungo ang elevator at pinindot ang 12th floor. Pagkabukas nang pagkabukas ay tinungo ko ang room 247. Kumatok ako sa kahoy na pinto nito at iniluwa ang babaeng nakasuot ng pulang roba na hanggang tuhod ang ikli. Agad na ikinawit ni Hillary ang kanyang dalawang braso sa aking leeg at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Naglapat ang aming labi. Mariin kong ipinikit ang aking mata at asik ko siyang itinulak. Damn! Baka hindi ako makapagtimpi ay masasaktan ko siya.

"What the fuck are you doing?!" Pagmumura ko habang nasa likod parin ako ng pinto. Ayokong gumalaw baka masuntok ko siya ng wala sa oras.

"C'mon, Anthon. 'Wag ka ng magpigil. Alam naman natin pareho na we're compatible." Pinasadahan niya ng daliri ang aking mukha. Naikuyom ko ang aking kamay at marahas kong hinawakan ang kanyang braso.

"We're not even compatible. For pete's sake, Hillary! Lasing ako noong may nangyari sa atin. At ni hindi ko gugustuhing dumantay ang labi ko sa labi mo!" Asik ko sa kanya. Mariin ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. Maaninag sa mukha niya ang pagkabigla at ang sakit. Hindi ko alam kung bakit siya naghahabol sa akin na alam naman niyang may girlfriend na ako. Hindi naman ako ang nakauna sa kanya.

"Hahaha! Really, Anthon?"  Napukaw na naman ang galit ko nang marinig ko siyang tumawa na parang nakakatawa ang sinabi ko. Agad kong itinulak siya at napahilamos ako ng mukha. Konting konti nalang sasabog na ako.

"Sinasabi mo lang iyan sa akin ngayon kasi takot kang mawala sa iyo si Athena. But we both know na mas magaling parin ako sa kanya. We fucked. We both came! Touch me, Anthon like you touched me last Sunday. Fuck me like you missed me."  Bulong niya sa akin habang hinahalikan niya ang aking leeg pababa. Kung si Athena lang ang gumagawa nito sa akin ngayon ay kanina pa ako nakapatong sa kanya.  Itinulak ko ulit siya ng marahas. Hindi ako santo para hindi tigasan ngayon pero mas nangingibabaw sa akin ang pagmamahal ko kay Athena. Ang maganda niyang mukha na nakangiti. Ang mabango niyang amoy. At ang mainit niyang pagmamahal sa akin. Hinding-hindi ko siya ipagpapalit ninuman.

"I don't have feelings for you, Hillary. Yes, maganda ka. Pero hinding hindi ko ipagpapalit si Athena sa kung sino mang babae. One more thing. Huwag mo na akong tawagan pa."  Mariin kong sabi sa kanya. Tumalikod na ako para buksan ang pinto. Napigil ako sa mahigpit na yakap ni Hillary sa aking likuran.

"Please, Anthon. Don't leave me."  Pagsusumamo niya habang mahigpit parin siyang nakayakap.

"Enough, Hillary. Don't force yourself to anyone. Know your worth."  Malamig kong tugon at tuluyan na akong lumabas ng kanyang unit. Ayokong magtagal dito sa lugar na ito. Agad kong tinungo ang elevator at pumasok doon. Pagkabukas ng pagkabukas ng elevator ay agad akong humakbang patungo sa lobby. Napahinto ako bigla sa babaeng natigilan din sa kanyang ginagawang paghalughog sa kanyang bag. Nasa mga mata nito ang pagtataka.

"Hannah.." Agad kong sambit sa kanyang pangalan habang pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig. Damn! Nakalimutan kong dito rin pala nakatira si Hannah, ang bestfriend ni Athena. Minsan na namin siyang naihatid dito. Hindi ko naisip yun kanina dahil inakopa ng takot at galit ang aking pagkatao.

"Anthon? What are you doing here?" Agad niyang tanong sabay baling sa aking likod na parang ini-expect niyang lumabas si Athena roon.

"May inihatid lang akong papers kay Jake." Pagsisinungaling ko sa kanya sabay hugot sa aking phone na ngayo'y nagri-ring. Si Hillary ang tumatawag. Napansin agad ni Hannah na may tumatawag sa akin pero agad ko naman 'yon pinatay. Nagkibit-balikat na nagpaalam si Hannah sa akin.

"Ingat ka. Send my regards to Athena." Pahabol na sabi ni Hannah. Tumango lang ako at malaking hakbang ang aking ginawa para makaalis agad sa lugar na ito. 

Hindi ko namalayan na tinatahak ko na pala ang apartment ni Athena. 7:30 na ng gabi. Bukas pa ang ilaw sa loob. Gusto ko siyang mahawakan ngayon. Alam kong sa isang halik niya lang ay maiibsan lahat ng takot ko. Umibis ako ng sasakyan at tinungo ang kanyang pinto. Napangiti ako nang marinig ang kanyang tawa pero nabawi rin iyon nang marinig ko ang boses ng isang lalaki? May kasama siya? Napahigpit ang kapit ko sa door knob ng pinto niya. Damn! Sino naman ang bisita niya sa dis oras ng gabi? Natigilan ako nang marealize kong wala siyang kasama, parang kausap niya sa telepono. Ah. May ka-video call pala siya tuwing gabi? Pinihit ko ng mariin ang kanyang door knob para mabuksan ko iyon. Mas nag-init ang aking ulo nang hindi ko mabuksan-buksan. Nakalock ito. Marahas kong pinakawalan ang aking buntong-hininga. Sino ba namang babae ang iwan ang kanyang pinto na nakabukas? Iniisip ko palang na nakikipagtawanan siya sa ibang lalaki ay gusto ko nang manuntok! Para akong sasabog sa selos. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na katukin ang kanyang pintuan. Damn! She's driving me crazy! 

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon