Chapter 2

64 0 0
                                    

Anthon

"Call me if you're done there, Kuya." sabi ni Ate Mich sa'kin pagkatapos ay pinatay agad ang phone. Kuya ang tawag nila sa akin sa bahay kahit pangatlo ako sa limang magkakapatid. Ako lang kasi ang nag-iisang anak na lalaki. Magpapasundo siya sa school ng 3pm dahil may inasikaso siyang paper works. Isa siyang public teacher sa lugar namin. Ang panganay namin ay si Ate Sweet na may dalawang anak , sina Mika at Miko. Sumunod kay Ate Sweet ay si Ate Mich, ako, next si Heart at ang bunso namin ay si Darling. 2nd year college na ako ngayong taon sa isang sikat na university dito sa Pilipinas, ang University of San Carlos. Business Administration ang kinukuha ko. Dahil Sabado ngayon ay nasa talyer ako ni Papa, tumutulong. First things first, family, bago ang ibang bagay. Importante sa amin ang pagtutulungan sa isa't isa. Sinanay kasi kami nina Mama at Papa. 'Yan din ang pinakagusto ko sa pamilya ko, uunahin muna ang pamilya.

"Pa, sunduin ko muna si Ate Mich sa school."  Paalam ko sabay kuha ng susi ng kotse.

"Sige, Kuya. Pwede bang dumaan ka sa grocery store at bilhan mo si Mama ng beef shank para sa Bulalo mamaya?"  pahabol na sabi ni Papa bago pa ako makaakyat ng sasakyan.

"Sige, Pa. Dadaanan ko!"  Pasigaw kong sagot nang makaakyat na ako sa sasakyan at pinaandar ko na ang engine. Tinurn-on ko ang CD player ng kotse at sinalpak ang favorite boyband CD tape ko na A1. At nagstart nang magplay ang music na Everytime, nang nasa chorus na ay walang duda, napaduet na ako. Tutal naman, ako lang mag-isa rito sa loob ng sasakyan. Papasok na ako ng parking area.

"Everytime I kiss I feel your lips and everytime I cry I see your smile and everytime I close my eyes I realise that everytime I hold your hands in mine..." ----Boooom!

"What the..!" Pabara kong sabi sa sarili nang naramdaman kong may bumangga sa likuran ng kotse ko. Magpa-park na sana ako nang mga oras na 'yon. Dali dali kong tiningnan sa side mirror ko kung anong nakabangga sa'kin. Pinatay ang CD player at namataan kong isang black Vios ang humalik sa likod ng aking sasakyan na ngayon ay nakadikit na sa aking kotse ang likurang bahagi. Siguro 'di nakita ng driver ang likuran niya dahil akmang paalis na siya at nasagi niya ang kanang bahagi ng bumper ko. Bumaba ako ng sasakyan para tingnan ang damage. Sumunod namang bumaba ang driver ng nakabunggong sasakyan sa akin, isang morenang babae, mataas at wavy ang buhok, bilog ang mga mata at parang shocked na shocked sa nakita niya. Diretso ang tingin sa kanang parteng ibaba ng sasakyan ko. Medyo nagasgasan lang, so, walang problema sa akin iyon. Kaya lang ayusin. Nang magsalita na ang babae ay agad namang bumaba ang isa pang babae na maputi galing sa passenger seat. 'Di ko mawari sa sarili ko kung bakit nakuha niya ang atensiyon ko. Oo, maputi siya, straight at itim ang buhok na hanggang balakang. Balingkinitan ang katawan, hanggang balikat ko lang siya at palaban ang kanyang aura. Napakalinis niyang tingnan dahil sa kanyang kutis. Nakasuot ng tattered jeans at loose white t-shirts na nakainsert nang kaunti at...

"I'm really sorry, Mr. I didn't notice your car. We'll pay for it." Pukaw na sabi ng morenang babae sa akin habang nagsusumamo ang mga mata na parang takot na takot sa nangyari, ah! I knew it. Beginner pa siya, hulaan kong first time niya pa'tong nakagasgas ng saksakyan. Medyo bata pa nasa 17 or 18. Humarap ako sa kanya at itinaas ng kaunti ang aking kanang kamay sabay sabing...

"It's okay, Miss. Konting gasgas lang naman. Next time, extra careful para iwas tayo sa aksidente." Pagbibigay assurance ko sa kanya at wala sa sarili'y bumalik ang tingin ko sa kaliwang bahagi na roo'y nakasandal sa sasakyan at nakikinig sa usapan namin ng kanyang kasama. Naibalik ko lang ang atensiyon ko sa sasakyan ko nang nakita kong nakatingin siya sa parte ng kotse ko na may gasgas. She has an almond eyes, delicate nose, plump lips na mamula-mula tanda ng pagkagat niya at maliit na mukha. Gumagawa na ako ng mental note sa sarili. Fuck! I can kiss her whole day. Easy, man! Focus, Anthon!

"Sure? Is it okay with you, Mr? Anyway, nagmamadali kasi kami. We're really thankful, napakabait mong tao. Thank you talaga" galak na galak na turan ng morenang babae sabay abot sa kanyang kanang kamay para makipagshake hands na mismo'y nagpabalik sa ulirat ko. Iniabot ko ang kanyang kamay at binawi naman niya agad. Tumatango lang ako for response at napakamot ako sa batok 'di dahil sa damage ng car ko kundi dahil sa pagkawala ko sa focus. Gago! Babae lang 'yan. Ano bang nangyayari sa akin? Nang pagtaas ko ng tingin ay nahuli kong nakatitig pala ang maputing babaeng sa akin.

"Staring is rude, Anthon pero kahit ngayon lang, pagmasdan mo ang maganda niyang mukha." Pagpapaalala ko sa sarili. Ilang segundo lang ay nagbaba ng tingin ang babae na parang na intimidate sa aking pagtitig. Damn, I can't help it. Itinaas niyang muli ang kanyang mukha at tumango nang bahagya. Binigyan ako ng thank-you-smile at sumakay na sa kotse. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa nakasampa siya sa loob ng sasakyan, hanggang sa nawala na sila sa aking paningin. 

"I stuck on her..." Napukaw lang ako sa isang busina sa aking likod na kanina pa pala naghihintay para makadaan. Dali-dali akong sumakay sa driver seat at nagpark ng  maayos. Pagkatapos kong magpark ay dire-diretso akong bumaba at tinungo ang meat section ng grocery store. Pero kahit nabili ko na ang beef shank ni Mama at pauwi na kami ni Ate Mich galing sa school niya ay hindi parin maalis alis sa isip ko ang magandang mukha ng babaeng iyon. Natawa nalang ako sa sarili. 'Di ko alam, basta ang alam ko, 'pag nagkrus uli ang landas naming dalawa, di ko na siya papakawalan pa.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon