Athena
Kinaumagahan ay wala akong natanggap na text message galing kay Anthon. May parte sa akin na namimiss ko ang pagtunog ng aking ringtone 'pag galing sa kanya. Nakapersonalized kasi ang ringtone ng bawat registered number sa aking phone. Kaya malalaman ko kaagad kung kanino galing ang message. Hindi ko naiwasang ikuwento ang lahat ng nangyari kahapon kay Hannah dahil sa teddy bear na bitbit ko pauwi. Kaya naman ang loka, kilig na kilig na parang nasa harapan niya si Ronnie Alonte.
Sa wakas, natapos narin ang last subject ko ngayong araw. Nasa loob pa ako ng classroom at naghahanda na ako para umuwi, naghihintay nalang ako sa text message ni Hannah nang----------kring, kring, kring! Anthon is calling.
"Labas ka muna, please?" bungad niyang sabi na ikinabigla ko dahil 'yun nga, pagkatanaw ko sa bintana ng classroom namin ay nasa labas nga siya, hawak-hawak ang cellphone niya na nakatuon sa kanyang kanang tainga at naka tingin diretso sa aking mga mata. Kitang kita ko sa mga mata niya ang sensiridad. Agad akong lumabas at naglakad patungo sa kanya, isinakbit ko ang aking bag sa aking likod, bigla-bigla nalang ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya at niyakap niya ako nang walang pasabi. Sa pagkakataong ito, nakalimutan ko na ang mga taong nakapaligid sa amin. Nakalimutan ko na kung saan ako, basta ang alam ko lang nasa tamang katawan na yakap-yakap ako. Unti-unting yumakap ang mga kamay ko sa katawan niya. Nakabaon parin ang mukha ko sa dibdib niya. Napakabango niya, di ko matukoy kung sa perfume ba or sa natural scent niya. Parang welcoming lang masyado 'yung amoy niya. Nakakawala ng stress.Napaigtad ako nang hinalikan niya ang noo ko at sabay sabing ...
"I miss you, Athena. I love you." ramdam na ramdam ko ang bawat salita niya.
----kring, kring, kring! Anthon is calling.
"Athena? Huy! 'Yung phone mo! May plano ka bang sagutin 'yan or tutunganga ka nalang diyan at hihintaying kusa ka niyang buhatin palabas galing dito?" pagputol ni Nefea sa aking imahinasyon. Na ngayo'y pabalik balik ang kanyang tingin sa akin at sa labas. What the heck? Ilang segundo ba akong nakatunganga? Ano ba 'tong iniisip ko? Ba't ako nakayakap sa kanya? Nakalimutan kong may tumatawag pala. Nang wala-wala ay bigla ko nalang sinagot ang phone ko. Agad namang sumenyas si Nefea na mauuna na siyang umuwi. Kanina ay nabanggit niya sa akin na may bago siyang raket. Magtu-tutor siya sa anak ng kanilang kapitbahay. Tumango nalang ako sa kanya at napanguso ng "Ingat ka."
"Hello?" pambungad ko sa caller.
"Hi! Athena." Dumagundong nang malakas ang aking puso nang pagkarinig ko sa baritonong boses ng nasa kabilang linya. Boses niya palang, alam ko na kung sino siya. May pagkaslightly hoarse ang boses niya. Shit! Ano kaya ang feeling na binubulangan ka nito ng I love you, everyday? Huy! Athena! Erase, erase, erase!
"Hello, Anthon! Napatawag ka?" painosente kong tanong. Ayoko lang mag-asume, ayokong umasa. Ayokong masaktan ulit. At ayokong mahulog sa kanya! Oo, advance mag-isip 'tong lola niyo. Eh, masisisi niyo ba ako nang pagkatapos akong kausapin ng aming History Teacher sa kalagitnaan pa naman talaga ng klase namin kanina...
"Miss Ruiz, ayokong nagpupupunta si Mr. Enriquez dito sa klase na 'to. At kung nililigawan ka 'nun, 'wag mo ng sagutin." Diretsahang sabi ni Sir Achivar sa akin. Napasinghap nalang ang aking mga kaklase sa narinig at napatango nalang ako tanda sa pagkapahiya. Ano ba 'tong pinasok ko? Bakit marami akong naririnig tungkol sa kanya? Napakagat-labi nalang ako.
"Hello? Athena? Andiyan ka pa ba?" Pukaw ni Anthon sa akin sa kabilang linya na muling nagpabalik sa aking huwestiyon.
"Uh, yeah. I'm here. Sorry? May sinasabi ka?" Ang sarap mong batukan, Athena!
"Sabi ko, you're so beautiful, Babe. Are you thinking of me?" Kinilig ako sa sinabi niya. Yes! Ikaw! Sigaw ko sa aking isip. Agad naman akong napalingon sa labas ng aming classroom. Shit! Ito ba 'yung ini-imagine ko kanina? Kinagat ko ang loob ng aking pisngi para masigurado na hindi na ako nag-iimagine lang, totoo nga. Nandito siya. Ibinaba ko ang phone at kinuha ko ang aking bag sabay labas ng classroom. Habang papalapit na ako sa kanya ay parang tatalon palabas ng rib cage ko ang aking puso. Napano ba ako? Parang daig ko pa ang nag-cardio sa lagay na 'to ah!
"Pauwi kana? Hatid na kita." alok niyang sabi na nakangisi sa akin. Oh my! 'Bat ang gwapo niya? Gusto kong kusutin ang aking mga mata pero pinigilan ko ang aking sarili, baka magmukha akong timang sa kanyang harapan. Napakaliit ko pa naman.
"Oo. No, thanks. Papunta narin si Hannah rito." Nagmamadali kong sagot sabay humakbang palagpas sa kanya ngunit bago pa ako makalagpas ay naiharang na niya ang kanyang katawan sa akin. Napahinto ako dahil muntikan na akong mapasubsob sa kanyang dibdib. Hanggang balikat lang niya ako. Napaatras ako nang maramdaman ko ang init ng mabango niyang hininga na tumatama sa noo ko. Ilang dangkal lang ang layo namin kanina. Para akong mawalan ng hangin sa kaba! Breathe, Athena! For heaven's sake!
"Iniiwasan mo ba ako, Babe?" Tanong niya sa akin, nasisilip ko sa kanyang mga mata na may kirot doon. Pero, ano raw? Babe? Lahat ba ng babaeng makikilala niya, babe ang tawag niya?
"H-hindi. 'Bat n-naman a-ako iiwas sa i-iyo?" Congrats to your stuttering line! You did a great job, Athena! Muntikan ko ng masampal ang aking sarili sa pagkautal.
"Good. So, do you have a plan to answer my question?" Nasilip ko sa labi niya ang isang ngisi na di ko mawari kung ano 'yun basta ang gwapo niya lang tal'ga! Period.
"I said, yes." Pairita kong sagot na sinabayan ko ng hakbang palagpas sa kanya. Ano ba naman 'to. Kailangan ko pang sagutin uli ang tanong niya kung uuwi na ako o hindi? Hello, bingi? Athena the second? Tanga-tangahan?
"What?! Totoo?! It's a YES?!" Bigla niyang sigaw sa likod ko na ikinanuot ng noo ko. Ano bang ini-expect niya? Dito ako matutulog sa school? Nakangiwi akong nakatingin sa kanya na parang nanalo siya ng lottery sa katatalon at kasisigaw. Anong nakain ng mokong na 'to? Nakakuha na rin siya ng atensiyon ng ibang nagdaraan sa lobby.
"Yes! Girlfriend na kita?! Girlfriend ko na siya! Wala ng bawian, Babe !" Pasigaw niyang sabi na parang di makapaniwala. Doon ko narealize na ang bobo ko talaga 'di lang sa Algebra kundi sa lahat!!! For the record, nagkainstant boyfriend ako sa aking katangahan version 2.0.!
"Wait, wait, wait, Anthony. It's not that what I mean." Itinaas ko hanggang dibdib ang aking dalawang kamay na parang pinipigil siya sa kasisigaw. Marami pa namang tao na nagdaraanan sa lobby. Ano ba talaga 'tong pinasok mo, Athena Margarette?! Paasik kong sabi sa sarili.
"Babe, I love you. Gagawin ko lahat ng gusto mo. You don't know how much you mean to me. You don't know how you completed my day today. Ang saya saya ko." Pasinsero niyang sagot sa akin habang ikinulong niya ang aking mukha sa dalawa niyang kamay. Wait, Babe? Tinawag na naman niya akong Babe?! Pero, 'bat ang sarap lang pakinggan? Napatango nalang ako nang makita ko ang sincerity sa kanyang mga mata. 'Di ko alam kung bakit hindi ako nagprotesta sa lahat ng sinasabi niya, di dahil sa mukha niya na napakagwapo, kundi sa singkit niyang mata na pati ito'y tumatawa. God! How can I resist these singkit eyes of him? Napa inhale-exhale nalang ako nang hinalikan niya ako sa noo. Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Doon ko palang naalala ang sinabi ni Sir Achivar sa akin kanina. Lagot ka, Athena!
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...