Chapter 3

50 0 0
                                    

Athena

Para akong praning na ewan. 'Di ko alam kung anong meron sa mukha ng lalaki kanina sa parking area. 'Di ko siya makalimutan. Daig ko pa ang negative film sa 90's camera nadevelop. Parang na-imprint nalang bigla ang mukha niya at hindi macorrupt corrupt! Palabas na kami ni Hannah sa parking area ng grocery store kanina nang biglang may kumalabog sa likuran ng sasakyan. Alam kong nabangga ni Hannah ang sasakyan ng bagong dating. 'Di lang siya matipuno at literal na gwapo, mabait pang todo! For the record ha, hindi kami siningil ng charges! Moreno siya, matangkad, makapal ang kilay, may perfect jaw line, may patilya sa gilid ng makinis na mukha, mataas ang ilong, manipis ang mga labi at singkit ang mga mata na parang 'di ko mawari pero parang nakita ko na siya dati pa. Tama! Pero, saan naman, Athena? Sa magazine? Shit! Modelba siya? Well, sa built lang naman ng katawan niya, sa tangkad at sa gwapo niya,hindi maipagkakaila na modelo siya.  Anyway, pati si Hannah na ilap masyado sa mga lalaki ay napakilig niya, binigyan niya pa nga ito ng title na Mr. Hot and Most Kind Man in the Universe!

"Gosh, Athena! You did your mental note well ha!" Proud kong sabi sa sarili bago isinampa ang katawan sa kama. Iwinakli ko ang ideyang iyon nang nareceive ko ang text message ni Hannah na nakauwi na siya nang maayos sa apartment niya. Idinaan niya ako sa bahay kanina bago siya umuwi. 'Di ko na namang mapigilang kiligin habang inaalalang nakatingin ang lalaki sa akin na parang isinasaulo niya ang lahat ng parte ng mukha ko, pati siguro ang mga nunal ko.

"Wait, Athena! Stop drooling! Baka nakalimutanmong nasaktan ka na noon."  Paalala kong asik sa sarili sabay sampal sa kanang bahagi ng pisngi ko. Ouch. Napalakas ang sampal ko. Dahil busog na ako sa kanya – ay, este! Sa kinain namin kanina ni Hannah ay nagpasya na akong dumiretso nalang sa bathroom para mag-half bath at para makatulog na nang maaga.

Natapos ang araw ng Linggo na napakaproductive kong tao, nagstay lang ako sa apartment dahil hindi rin naman ako makauwi sa amin dahil may pasok ako bukas. Naubos ko ang lahat ng aklat ni Layla Hagen, ang USA Today Bestselling Author. Ugh! I can read more and more 'pag siya na ang sumulat ng libro. Kinabukasan ay araw ng Lunes, maaga akong nagising ng limang minuto lang naman sa nakagisnan kong alarm. Sayang, di ako nakapagduet sa Worth It kong rigntone! Tinawagan ko si Mama na hindi ako nakauwi noong Sabado dahil may lakad kami ni Hannah, ganoon din si Papa. Pagkatapos, lumabas na ako ng apartment at tumungo na sa school mag-isa. Minsan, nagku-commute ako kung wala si Hannah. Dinadaanan niya ako tuwing umaga at hapon sa school para no hussle na raw sa pagku-commute. Katulad ngayon na lumiban siya dahil nagka-dysminorrhea siya. Kawawa naman ang bestfriend ko pero itinugon ko sa kanya na mag-hot compress para maibsan ang cramps niya.

Pagkababa nang pagkababa ko sa jeep ay tinungo ko agad ang pasilyo papuntang classroom, maaga pa masyado, may iilang estudyante ang naglalakad patungo sa kani-kanilang silid-aralan. Lumihis ako ng daan papuntang library. Ito ang tambayan ko habang hinihintay ko si Hannah tuwing hapon, or kapag may free time ako. 2nd sem na ngayon at isa palang sa kaklase ko ang naging close ko, si Nefea. Katabi ko siya ng upuan. Siya lang ang babaeng kilala ko na puro raket ang alam, puro endorphins ang nasa katawan at siya lang talaga ang literal na magandang maganda pero walang jowa. Takot ang mga lalaki sa kanya. Kung gaano siya kabubbly sa aming mga babaeng kaklase niya ay kabaliktaran naman ang ugali niya kapag nakaharap sa lalaki. Nang makapasok ako sa library ay agad kong sinuyod ang loob, baka kasi nandito siya. Aside sa napakabubbly niya ay bookworm din ito, kaya makakasabay ako sa trip niya kapag hahatakin niya ako rito sa library para magmukmok at magpaka-nerd. Nabigo akong makita siya kaya tumungo nalang ako sa nakagawian naming puwesto, ang mesang pandalawahan na may nakapatong na bookstand na yari sa kahoy na minsan na naming pinag-aagawan. Ganyan siya maglambing sa akin, minsan nga napapatawa nalang kapag inaasar niya ako.

"Good morning, Athena. I'm Niel, classmate mo sa first subject."  Tawag-pansin ng lalaki na simpleng nakayuko sa akin. Nakataas pang bahagya ang kanang kamay at winave ito na parang nagha-hi.

"Hello, Niel. Yes. Naaalala nga kita." tatango tango kong sagot sa kanya na siya namang isinampa ang sarili sa upuan na nasa aking harapan. Maputi siyang lalaki, may makapal na kilay, di-gaanong payat at di naman gaanong matipuno, mabilog ang mga mata at may hitsura pero hindi katulad noong lalaking nakita ko sa parking area noong nakaraang Sabado. Teka! Athena? Stop that Mr-Hot-Guy-Thingy mo na iyan! Ke aga-aga puro ka kagwapuhan! Di mo alam may jowa na 'yon or ilang babae ang pinapaiyak nun sa isang oras! Naku! Erase, erase, erase! At agad kong iwinakli ang ideyang iyon nang ...

"Morning, Niel! Kanina ka pa?" Isang baritonong boses ng lalaki ang biglang tumapik sa balikat ni Niel. Morenong kamay ito na visible ang mga ugat na parang 'pag hahawakan ka ay secured na secured ka. Lalaking lalaki. Na curious ako kung kaninong  kamay ang nagmamay-ari nito. Itinaas ko agad ang aking tingin sa bagong dating. The least that I've expected, lahat ata ng paru-paro sa Botanical Garden ay nagsiliparan papunta sa aking tiyan! He's staring at me! Binigyan niya ako ng mainit na pagtitig na ikinawild ng mga paru-paro sa aking tiyan! Nakaramdam ako ng spark sa pagitan ng titig naming dal'wa. Zeus, utang na loob 'bat ka nagpakawala ng kidlat eh ke-aga-aga pa! Oh my God! Oh my God! Oh my God!

"Sige pa, Athena, pang apat mo pang oh my god! Sasabunutan na kita." Pagalit kong sabi sa aking isip. Akalain mo ba namang sa kerami-raming schools dito sa Luzon, dito pa talaga sa University of San Carlos siya nag-aaral ha! Mahabaging tadhana, ito na ba 'yung sinasabi niyong oras na para kiligin ka ng kaunti, Athena?! Nauna akong nagbaba ng tingin dahil hindi ko maintindihan ang unfamiliar feeling sa aking kalamnan na ngayon ko pa naramdaman. 'Bat hindi ko 'to naramdaman 'nung first relationship ko? Even the second one? Nahiya ako bigla, literal na umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa mukha ko! No! No! No! 'Wag mo'kong ipahiya sa harapan niya, self. Utang na loob!

"Uy, Anthon. Hindi, kauupo ko pa nga lang rito. Pre, si Athena. Classmate ko." Nakatingin sa direksiyon ng lalaki si Niel at agad naman siyang bumaling sa aking direksiyon sabay pakilala ni Niel sa akin. Dali-dali naman akong gumawa ng mental note, first, Anthon ang name niya, second ...

"Hi, Athena. Anthony Enriquez."  sabay abot ng kanang kamay niya sa akin. Shocks! Bakit ang sarap pakinggan ng pangalan ko 'pag siya na ang bumibigkas? 'Bat parang mabubutas na tambol sa pagkalakas-lakas ng tibok ng puso ko? Magka-cardiac arrest ata ako neyto! And second, Anthony Enriquez, Athena! Tatak sa balota! Hello?! Athena! *clap-snap*

"A-ah, Hi."  pautal kong sagot sa kanya at biglang bawi sa aking mata. Naramdaman ko nalang na tumikhim siya. He smiled awkwardly, narealize ko na hanggang ngayon pala ay nakaabot parin ang kamay niya sa akin.

"No way, Athena.Hindi ka nakikipagkamay sa mga stranger!" sigaw ng kabilang parte ng isip ko. "Yes, makikipagkamay ka, dahil hindi ka rude na babae." defend naman ng kabilang parte ng aking isip. My God! Ngayon pa talaga kayo magbabangayan, seriously?! Big help!

Tumango lang ako bilang response. (Dinig na dinig ko ang pagpapalakpak ng pride at dignidad ko sa kabilang bahagi ng utak ko. Ano bang pinaglalaban ko ngayon?) Kusa naman niyang binawi ang kanyang kanang kamay at ibinulsa ito. Tumango-tango na parang may iniisip, pero hindi parin niya binabawi ang kanyang titig. Parang napahiya ako sa aking ginawa. Very bad.

"Niel, I'll go ahead."  itinuon ko ang tingin kay Niel at sabay tayo sa upuan. Nagmartsa ako palabas ng library straight to my classroom na walang lingon-likod, ramdam ko parin ang titig niya sa aking likuran. Feeling ko, ako yung stop sign sa traffic light dahil nag-iinit ang mukha ko! For sure, red na red 'to.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon