Chapter 39

16 1 0
                                    

Anthon

Gusto kong manuntok ng tao kanina nang tumunog bigla ang cellphone ni Athena sa kanyang bag. Mas lalo akong nangngingitngit sa galit nang mabasa ko sa kanyang cellphone screen kung sino ang tumatawag.

"Damn!" Mariin kong hinilot ang aking sintido habang nakatayo sa harapan ng pinto na ngayo'y nilabasan ni Athena. Rinig na rinig ko ang kanyang boses ngayon.

"I miss you too, Sir Rodge." What the fuck! She missed him?! Nagngingitngit ako sa matinding galit habang hinahakbang ko ang aking office desk. Sinandal ko ang aking katawan doon at mariing pumikit. Pinili kong lumayo sa pinto baka hindi ko pa mapigilang lumabas doon at itapon ang cellphone ni Athena.

"Relax, Anthon."Mariin kong usal sa aking sarili habang hawak hawak ko ang gitnang parte ng aking ilong. Kailangan kong kumalma. Alam kong may boyfriend na siya at may anak. Sino ba naman ako sa kanya ngayon para magselos.

"Damn!" Nahampas ko ang aking mesa nang maisip ko ang ideyang may ibang importanteng lalaki na si Athena sa kanyang buhay. Mahal na mahal kaya niya ito? Pero kanina. Anong ibig sabihin ng mga halik niya? Ramdam na ramdam ko parin ang malambot niyang mga labi na tumutugon sa aking mga halik. Naikuyom ko ang aking sarili nang sumagi sa aking isip na may kahalikan siyang ibang lalaki. Napalingon agad ako sa pinto na marahang bumukas at iniluwa roon si Athena. Umupo agad ako ng tuwid at itinuon ang aking tingin sa kanyang maliit na mukha. Oh! She's still my woman. I'm sorry, Babe. Pero kukunin kita kay Rodge kahit pa may anak kayong dalawa.

"Mr. Enriquez, I just want to tell you that what happened earlier was a mistake. I didn't---" What is she saying? A mistake?! For Pete's sake! Anong mistake ang pinagsasasabi niya?!

"That's not a mistake, Babe. Ang mali lang ay hindi agad kita nahanap at naibalik agad noon dito." Napakalaki kong gago kung papakawalan ko na siya ngayon.

"Look, Mr. Enriquez. That was 4 years ago. Let's just forget the past." Mahina niyang usal na parang nasasaktan. I know na mahal mo parin ako Athena at hinding hindi kita susukuan.

"Yes, let's forget it because you're here already. Let's start and begin again, Babe." Agad kong sagot sa kanya at tumayo. Humakbang ako palapit sa kanya at ikinawit ko ang aking dalawang kamay sa kanyang maliit na baywang. Napasinghap siya sa aking ginawa at marahan niyang sinalubong ang aking tingin.

"What do you mean by that?" Nakasalubong ang kanyang dalawang kilay at nakakunot-noo siyang nakatingin sa akin na para bang naguguluhan sa aking sinabi.

"Yes, you've heard me. Please, forgive me? I don't wanna rush you right now. I'm willing to wait, Athena for your forgiveness but please, don't leave me again?" Kung pwede akong lumuhod sa harapan niya ngayon ay gagawin ko huwag niya lang ulit akong iwan.

"Napatawad na kita, Anthon. Pero ang iwan ulit kita? Hinding hindi na iyon mangyayari dahil hindi naman kita binalikan. I'm sorry to tell you this but we're done 4 years ago. Andito lang ako para sa trabaho and that's all." Malamig ang tingin na ipinukol niya sa akin na dahilan para magising ako sa katotohanan. Kumirot bigla ang aking puso sa sinabi niyang tapos na kami. Ganoon lang kasimple sa kanya lahat? Napapikit ako nang mariin at tinanggal ko ang dalawa kong kamay sa kanyang maliit na baywang. Nasaktan ako sa kanyang sinabi. Ganoon lang kasimple lahat sa kanya.

"Okay, then." Tumango ako at ibinulsa ang dalawa kong kamay. Narinig ko nalang ang kanyang boses na may sinasabi pero hindi ko na halos iyon maintindihan. Naramdaman ko nalang ang pagbukas-sara ng pinto sa aking opisina. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking luha sa aking mukha.

"Damn, woman!"Alam kong durog na durog ako ngayon. Hindi ko matanggap na ayaw na niya sa akin. Agad kong kinuha ang susi ng aking sasakyan at umibis ng opisina. Paulit ulit kong naririnig ang sinabi ni Athena sa akin kanina. Isang marahas na paghampas ang ginawa ko sa steering wheel habang huminto ako ngayon sa traffic light. Hindi ko alam kung saan ako patungo ngayon basta ang alam ko lang ay ang magpakalasing. Ilang minuto pa lang ay huminto ang sasakyan ko sa pamilyar na bar na ngayo'y sirado pa. Sino ba naman ang taong gustong magpakalasing ngayon na kay aga-aga pa? Bumaba ako ng sasakyan matapos ko itong ipark sa parking area. Tinanguan ko ang security guard na nandoon at bumati naman agad ang huli. Sa loob ng apat na taon na pangungulila at paghahanap ko kay Athena ay ang bar lang ni Bry ang naging sandalan ko. Pumupunta ako rito para magpakalasing. Alam ni Bry ang lahat ng nangyari sa aming dalawa ng pinsan niya. Noong unang araw na pumunta ako rito sa bar niya matapos akong iwan ni Athena ay nakatanggap agad ako ng isang suntok galing kay Bry. Hindi ako lumaban noon, inamin ko sa kanya lahat at pinatawad din naman ako ng huli. Alam ni Bry na hindi ko susukuan ang kanyang pinsan. Simula noon ay nagpupupunta na ako rito sa bar niya kahit na sirado pa ito. Pinapabukas niya lang ito sa kanyang staff kapag mapapapad ako rito nang maaga. Nasa barko siya ngayon at ang kanyang matalik na kaibigan ang nag-ma-manage nito. Kilala narin ako ng kanyang matalik na kaibigan na naging kaibigan ko na rin dahil sa palagi kong pagbisita rito. Narinig ko ang pagbukas ng salaming pinto at bumungad sa akin si Jeruel, ang matalik na kaibigan ni Bry nag-ma-manage ng bar. Pumwesto agad ako sa paborito kong bar stool at walang wala'y tinungga ko agad ang paborito kong bourbon na kakalapag lang din ni Jeruel sa aking harapan.

"Mr. Enriquez is in the house, again. Sa loob ng apat na taon ay wala ka paring sawa sa paborito mong bourbon." Komento ni Jeruel habang sinasalinan niya ang shot glass ko ng inumin.

"Can't resist it. Hindi pa bumabalik si Bry?" Kibit-balikat kong tanong sa kanya. Agad na umiling naman lang ito sa akin. Ilang buwan narin si Bry na wala rito sa bansa dahil sa trabaho nito sa barko. Hindi niya maiwan-iwan ang kanyang trabaho dahil napamahal na ito sa kanya. Kung tutuusin ay hindi na siya kailangan pang magtrabaho dahil may sarili na siyang business pero nagsusumikap parin ito. Napangisi ako ng pagak nang maalala ko ang malamig na tingin ni Athena habang sinasabi sa akin ang mga salitang iyon. Matigas kong ikinuyom ang aking kamao habang hawak-hawak ko parin ang shot glass.

"I don't know how to do with her. I want to keep her." Napausal nalang ako sa sarili.

"Then, keep her." Napalingon ako sa direksiyon ni Jeruel na ngayo'y nakaupo at nakahalukipkip. Nakatuon ang kanyang tingin sa aking direksiyon. Napailing nalang ako.

"She doesn't want to. I mean, she didn't want me to keep her." Halos pabulong kong sabi.

"If that's the case then let her be." Simpleng saad ng nasa aking harapan.

"That's not that simple, Jer. 4 years ko siyang hinintay for Pete's sake!" Halos mapamura ako nang maalala ko ang miserable kong buhay noong nawala siya sa akin.

"Let her realize for herself that she still loves you, man." Tinungga ko ang aking bourbon. Napangiwi ako sa ideyang 'let her realize for herself'? What the fuck! I can't take the risk again. May bago na siyang mahal. And worse, may anak na siya.

"I can't. Napakagago ko, Jer. Sinaktan ko siya noon. Tapos heto ako ngayon kinukumbinsi ang sarili na mamamahalin niya pa ako." Pagak akong ngumisi habang nakatingin sa aking shot glass na wala ng laman.

"If you still love her at wala ka namang ibang taong maaagrabyado, then court her again." Komento ni Jeruel sa akin sabay tapik sa aking balikat. Mariin kong ipinikit ang aking mata at inalala si Athena. Hindi niya na ba talaga ako mahal? Agad kong naalala ang mainit na tagpo namin kanina sa aking opisina. Tumugon siya sa aking halik. Alam kong mahal niya pa ako at ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya. Hinding hindi ako susuko kahit ipagtabuyan niya pa ako palayo. Matapos kong magpaalam kay Jeruel ay agad akong lumabas ng bar at tinungo ang aking sasakyan.

"Hindi na ako papayag na mawala ka nalang basta-basta sa akin, Athena." Desidido kong sambit sa sarili habang tinutungo ko ang bahay ni Tita para magpaalam sa kanya.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon