Athena
Pareho kaming naghahabol ng hininga habang nakadikit ang kanyang noo sa aking noo. Ganito ba talaga ako karupok pagdating sa kanya? God! Sa loob ng apat na taon na inilayo ko ang aking sarili at ang anak ko sa sakit ay heto ako ngayon, isang sorry niya lang ay bumigay agad ako. Isang halik at haplos niya lang ay nawala lahat ng sakit at pagngingitngit ko. Biglang-bigla'y inusig ako ng aking konsensya nang maalala kong may asawa na siya. Mariin akong pumikit para maibsan man lang ang kirot na lumukob sa aking pagkatao sa mga sandaling ito. Bakit ako nagpadala sa init ng kanyang mga haplos at halik? Ganito ba talaga ako kasabik sa kanya? Worse, ay tumugon pa talaga ako at humantong kami sa mainit na pagtatagpo! Gusto kong sampalin ang aking sarili pero napigil ako nang pinisil niya nang mariin ang aking batok, nakapulupot parin ang isa niyang kamay sa aking maliit na baywang. Katulad ko ay hindi siya nagsasalita na parang ninanamnam pa niya ang init ng aking katawan na bahagyang nakadikit sa kanya. Napapitlag ako nang biglang tumunog ang aking cellphone sa kung saan. Narinig ko pa ang mariin niyang pag-ungol na parang sinasabi niyang bad timing ang caller na ngayo'y walang balak tapusin ang pagda-dial sa aking number. Nasa loob ito ng aking bag. Dumilat siya at bumuntong hininga. Marahan siyang lumayo sa akin ngunit nakapulupot parin ang kanyang kamay sa aking baywang na parang wala siyang balak pakawalan ako. Kinuha ko agad ang aking phone sa loob ng aking bag at rumehistro agad ang registered caller sa screen ng aking cellphone. Sir Rodge is calling. Speaking of my boss bestfriend, kailangang kailangan ko talagang makausap ang lalaking ito! Kung hindi niya sana nakaligtaan na i-send man lang ang basic info ng bagong client namin ngayon, edi sana'y hindi ganito kaaga ang pagtatagpo namin ni Anthon. Kung nalaman ko lang nang mas maaga pa'y baka hindi ako umuwi rito sa Pilipinas at piniling magmatigas! Gandahan niya lang talaga ang bibigkasin niyang rason sa akin ngayon kung hindi ay mababatukan ko talaga siya 'pag makabalik na ako ng Singapore, kahit pa'y Big Boss ko siya! Agad naman akong napangiwi sa huli kong naisip. Kahit ano pa siguro ang magawa niya'y hindi ko siya kayang batukan. Napakagat nalang ako sa ibaba kong labi. Kahit ano pang gawin kong pag-iwas kung pagtatagpuin talaga kaming dalawa ng panahon ay wala talaga akong magagawa.
"Uhm, excuse me. I have to take this." Nag-ri-ring parin ang aking phone. Agad siyang tumango sa akin habang naaninag ko ang galit sa kanyang mga mata na nakatitig parin sa aking cellphone na nag-ri-ring. Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon at akmang tatayo na ngunit agad naman niya akong pinigilan. Napatingin ako sa kanyang mata.
"Make it fast." Tipid niyang sabi sa akin. Tumayo na rin siya at humakbang papunta sa kanyang office desk. Agad kong tinungo ang pinto at lumabas doon. Bumuntong hininga muna ako at sinagot ng aking boss bestfriend.
"Sir Rodge." Sagot ko agad instead of saying 'hello/good afternoon/kumusta ka?'. Walang kumustahang magaganap ngayong bakla ka! Sa isip isip ko.
"Hello, Marj! I missed you." Bati agad niya sa kabilang linya na ikinangiti ko naman sa kabila ng aking pagngingitngit. Itong lalaking ito, kung hindi ko lang talaga siya mahal ay nasapak ko na siya ng wala sa oras.
"I miss you too, Sir Rodge." Mahina kong usal instead of saying 'miss your ass'. Buti nalang napigilan ko ang aking sarili. Agad na kumawala ang malalim na buntong hininga sa aking bibig. Baka pagsisihan ko pa sa tanang buhay ko kung masambit ko iyon sa kanya. Kung iisipin ay wala naman talaga siyang kasalanan sa mainit naming pagtatagpo ni Anthon kanina sa loob ng opisina. Kung hindi lang ako nagpadala sa bugso ng damdamin ay hindi iyon mangyayari kahit ilagay pa natin na magkikita talaga kami ngayong araw na ito. Nakonsensya tuloy ako sa pagiging marupok ko. Ano nalang ang mararamdaman ng kanyang asawa kapag malaman niyang ang ex-girlfriend ng husband niya noon ay nasa loob ng opisina nito ngayon na nakikipaglampungan?
"Hey! What's in a sad voice?" Banaag sa boses niya ang pagkabahala. Bumuntong hininga ulit ako bago magsalita. Alam kong napatawag ito para kumustahin ang aming bagong kliyente. Ano bang dapat kong sabihin sa kanya? 'Sir Rodge, nakikipaglampungan ako sa isang lalaking may asawa na.' Napapamental slap nalang ako habang iniisip kung ano bang masamang hangin ang pumasok sa aking isip kanina habang nakikipaghalikan ako sa may asawa na?
"Ahm, there's none. I'm just exhausted. Cause of jetlag, I guess. So, I've met already our new client. Actually, I'm here in his office right now." 'Doing something inappropriate things like kissing and hugging and moaning..with him.' Gusto ko pa sanang idugtong pero buti nalang ay may lakas pa ako ng loob para pigilan ang aking sarili. Napahawak ako sa aking sintido. Buti nalang talaga ay kumalma na ulit ang pagtibok ng aking puso ngayon dahil kung hindi ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong pakalmahin sa sandaling ito.
"Oh! Yeah. That's why I called. I'm sorry, Marj. I forgot to send to you earlier the details about our new client. But I presume that you've dealt him well without his background info. You know, I knew you well. You wouldn't rather go to a battle without an armor." Pagkikibit-balikat lang niya sa akin na parang sanay na sanay na akong lumusong sa giyera na laging handa. Noon, oo. Pero ngayong araw na ito ay hindi. Proud pa talaga ang tono ng pananalita niya sa kabilang linya na parang siguradong sigurado talaga siya na hindi ako makakagawa ng katangahan at kagagahan sa tanang buhay ko . Shit! 'you're very wrong, Rogene Agore!' sigaw ko sa aking isip. Very wrong.
"Right. I dealt him well. I kissed all the daylight out of him." Gusto ko sanang isagot iyon sa kanya but then again pinigilan kong muli ang aking sariling bunganga.
"Yes, I did. Of course!" Wala sa sarili'y lumabas iyon sa akin na parang mas kinukumbinsi ko pa ang sarili ko kaysa sa kausap ko ngayon.
"So, how's his hotness, Marj? Nag-i-El Nino na ba riyan sa Pinas?" I involuntarily rolled my eyes nang marinig ko ang patili niyang tanong sa kabilang linya. Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos maisip na magkakagusto siya sa mga kabaro niya. I can't imagine him drooling over to the other man! Napakagwapo lang niya para maging bakla, for heaven's sake! At minsan ay nakakalimutan ko talagang Boss ko siya kapag lalaki na ang pinag-uusapan naming dalawa.
"Nah! Actually, I think I'm not in the Philippines right now. I'm at Greenland Ranch in the Death Valley sa sobrang hot niya. And yes, the temperature obviously reached 134°F or 56.7°C at its hottest!" Sarkastiko kong turan sa kanya habang sinasakyan ko ang trip niya ngayon. Naramdaman ko nalang ang pamumula ng aking pisngi nang maalala ko ang mainit na halik ni Anthon sa akin kanina. Ang mainit nitong palad na humahaplos sa aking katawan at ang dalawang daliri nito na...
"Damn you, Marj! I envy you! 'Wag ka lang talagang mabibigla dahil baka may Rodge na susulpot sa inyong likuran maya-maya!" Napukaw ako sa pagbabanta niya sa akin na parang desidido siyang umuwi agad ng Pilipinas dahil lang sa kliyente namin. Kung alam niya lang talaga na ang tinitilian niya ngayon ay ang ama ng nag-iisa kong anak, naku! Mas mauuna pa siyang mabibigla at worse, hihimatayin pa kaysa sa akin.
"Nah! Don't me. Hmp! Huwag mo nga siyang idahilan. I know, you truly missed me!" Pangungutya ko sa kanya habang tumatawa ako nang mahina. May gana pa talaga akong mangutya sa kabila ng kalagayan ko ngayon?! Shit! Athena Margarette! Ang sarap lang naman talaga niyang kutyain ngayon dahil narin sa kasalanan niyang hindi pagsi-send ng background info tungkol sa bago naming client.
"Well, for the record, I missed you mga 45%." Walang kagatol-gatol niyang sagot sa akin sa kabilang linya.
"Kung hindi mo rin lang naman ibibigay ang 55% sa akin ay walang 'hot papa' na magiging kliyente natin ngayong araw." Pinipigilan ko ang matawa sa aking pagbabanta nang marinig ko ang kanyang pagsinghap. Nilakipan ko pa ng pagkaseryoso ang boses ko para mas maniniwala talaga siyang hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa akong tanggapin ang project. Kahit hindi ko sabihin ay alam niyang hindi na ako makakapagback out dahil it's too late. Andito na ako sa Pilipinas.
"No! Hinding hindi mo iyan gagawin. Anyway, I need to hung up the phone for now baka machange ko pa ang ihip ng hangin. And please, kahit sino pa 'yang Greek god ang nasa harap mo ngayon ay bawal na bawal mong hawakan o tikman. Hanggang tingin lang, babae! Nagkakaintindihan tayo, Marj?" Paalala niya sa akin.
"O-of course!" Pautal kong sagot sa kanyang paalala. Pagkatapos niyang magpaalam ay agad naman nitong pinutol ang tawag. Shit! Halos mawala sa aking isip ang policy namin sa Us-Design Interior Company. It's a conflict to have an affair with the client kaya naman ay matinding ipinagbabawal ito ng kompanya. Napatampal ako sa aking noo. Importanteng importante sa akin ang trabaho kong 'to. Hinding hindi ako pwedeng magpadala sa bugso ng aking damdamin. Andito ako para sa trabaho. Work professionally, Athena!
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...