Chapter 24

18 1 0
                                    

Athena

"So, what's that straight face of yours, Athena Margarette Ruiz?!" Tanong agad ni Nefea sa akin sa kabilang linya. Nasa kama parin ako nang nagvideo call siya. Tumatawag siya sa amin ni Hannah kapag hindi siya busy sa opisina. Nasa isang malaking kompanya siya sa Bangkok ngayon nagtatrabaho. Napansin niya siguro hindi maganda ang timpla ng umaga ko. Hindi ko rin alam kung bakit nagkakamood swings ako these past few days. Ipinagkibit balikat ko nalang siya at kinamusta siya doon sa Thailand. I'm so happy for her. I know she can live her own life kasi kahit noong nag-aaral palang kami ay madiskarte talaga siya sa buhay. Hindi ko narin tinanong kung anong nangyari sa kanyang pamilya kasi wala naman akong karapatang magtanong. As long as she's okay right now, I will be okay too.

"Hay! Athena! Don't tell me nag-away kayo ni Anthon?" pukaw niya sa aking diwa.

"Not totally 'away', Nefs. I was just annoyed yesterday. That's it." Naalala ko tuloy kahapon nang bumisita siya rito sa apartment. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nagalit sa kanya nang walang dahilan. Pinaalis ko agad siya kahapon at nang umalis naman siya ay nainis ako.

"Hmmm. You're just annoyed? Meyghaaad. When did you just returned into a 3 year old girl, Athena?" Mataray niyang tanong sa akin na ikinasimangot ko agad.

"I'm not a 3 year old girl, okay! I just don't understand! Hormonal imbalance lang siguro ito." Pagrarason ko sa kanya habang iniisip ko na hindi pa pala ako nadadatnan! Shit!

"Okay, then. Athena? Are you okay? Bakit na namumutla?" Napansin siguro ni Nefea sa kabilang linya na nilayasan ng dugo ang aking mukha. Damn! This can't be!

"Yes, Nefs. I'm okay." Napakagat ako sa ibabang labi ko para bumalik ang dugo na lumisan sa aking mukha tanda sa aking pagkabahala.

"Just make sure of it, Athena Margarette. And please, if you have a problem don't hesitate to call me. Okay?" Mariin niyang sabi sa akin habang tinititigan ako nang mabuti.

"Of course, Nefs. I'll do it. I think, nadisturbo na kita sa work mo. Beep me if you're not busy huh. Miss you!" sabi ko sa kanya na pilit kong pinasigla ang aking tono. Agad naman siyang nagpaalam sa akin. Napaupo ako ng tuwid nang maalala ko ang nangyayari sa akin these past few days. Holy shit!

"Missed period. Swollen breasts. Nausea with vomiting. Fatigue!" napatutop ako sa aking bibig. Agad kong sinearch sa Google ang symptoms and signs of being pregnant. At lahat nga ng symptoms na naranasan ko these past few days are all signs of being pregnant. Agad akong tumayo at nagbihis. Lumabas ako ng apartment ko at pumunta sa Pharmacy na nasa kabilang kanto lang ang layo. Pinagpapawisan ako ng malamig. No! Wala pa akong trabaho. Anong sasabihin ni Anthon sa akin? Pabaya ako? Shit! Nag-o-overthink na naman ako. Bakit kasi ayaw niyang magtake ako ng pills and he doesn't want to use condoms too! Shit! I can't think straight right now. Pumasok agad ako sa Pharamcy at bumili ng pregnancy test kit. Lakad takbo ang aking ginawa, pagkabalik ko ng apartment ko ay agad akong uminom ng tatlong basong tubig. I can't breath. Parang ang sikip ng apartment ko ngayon! Bakit parang ang init. No! Nanginginig ang mga kamay kong punitin ang di gaanong makapal na cellophane na nakabalot sa tatlong pregnancy test. Napalunok ako ng makita ang color white and pink na rectangular shape. May nakalagay na 'C' and 'T' sa gilid ng pregnancy test. Isang inhale and exhale pa ang ginawa ko. Pinaalala ko ang aking sarili na kung totoo ang hinala ko'y hindi 'yon isang pagkakamali. Naalala ko bigla ang sinabi ni Anthon na gusto na niyang magkapamilya pero... shit! Athena! Napakagat ako sa ibabang labi. Bakit parang takot akong magka-anak? Humakbang ako papasok sa CR at hindi mapakaling naghihintay sa result. Pinagpapawisan ako ng malamig na pawis. Nakatitig lang ako sa hawak kong pregnancy test. After 5 minutes ay.. dahan dahang naging visible ang unang linya.

"One line at 'C' signifies negative, not pregnant." utal ko sa sarili habang nakatitig parin sa pregnancy test. Holy shit!

"Two lines at 'C' and 'T' signify positive! I-I'm p-pregnant." pautal kong sabi habang nakatutop ang kaliwang kamay ko sa aking bibig! Ang kanang kamay ko ay nanginginig na ngayon na nakahawak sa pregnancy test. Agad kong kinuha ang dalawang pregnancy test na nakapatong sa aking kama.

"Baka nagkamali lang ang isang pregnancy test! I-chi-check ko ulit." Malakas na kabog ng aking dibdib habang hinihintay ko ang result ng dalawang pregnancy test. After 5 minutes ay ganoon parin ang result ng dalawang test. Two lines signified positive. Napaiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Malapit ko ng masampal ang aking sarili dahil hindi ko man lang iningatan ang aking sarili these past few days! Hinawakan ko ang aking tiyan na parang walang laman. Napakaliit palang niya ngayon. Habang tumutulo ang aking luha ay bigla akong napangiti. Buntis ako. Tumatango tango ako habang dina-digest ko lahat ng mga nangyayari sa akin. Pero nawala bigla ang aking ngiti nang maalala ko si Anthon. Ano kaya ang mararamdaman niya kung malaman niyang buntis ako? Masisiyahan ba siya? Magagalit ba siya sa akin? Lalayuan niya ba ako? Pero hindi. Sinabi niya sa akin na gusto na niyang magkapamilya. At ito na iyon, nabigyan ko na siya ng sarili niyang Miko or Mika. Napangiti ako nang maalala ko ang lahat ng sinasabi ng pamilya niya sa aming dalawa na dapat daw ay gumawa na kami ng sarili naming Mika at Miko. Kumalawa ang isang malalim na buntong hininga at tumayo na.

"We'll treasure you, L.A. Mommy and Daddy love you very much." Bulong ko sa sarili habang nakayuko at sinasapo ang maliit kong tiyan na parang walang laman. Napagdesisyunan kong puntahan ko si Anthon ngayon. Sasabihin ko sa kanya na nagdadalang-tao ako. Napangiti ako nang maalala ko ang masayang mukha ng Anthon ko. Agad akong naligo at iwinakli ang lahat ng anxiety na mayroon ako ngayon. This is a blessing, Athena. Paalala ko sa sarili. Alam kong masisiyahan sina Mama at Papa kapag malaman nilang buntis ako. Naalala ko ang mukha nina Hannahat Nefea na masaya at very supportive. Napangiwi lang ako sa ideyang hindi pa kami kasal ni Anthon. Knowing my parents na may pagkatraditional pagdating sa marriage. Iwinakli ko agad at umiiling iling habang naliligo. Pagkatapos ay agad akong nagbihis. Mamaya ko na poproblemahin ang sasabihin nina Mama at Papa. Uunahin ko muna ang ama ng aking dinadala. Isinuot ko ang isang floral dress na malimit ko lang isinusuot. Pinaresan koi to ng flat sandals. Napangiti ako sa aking repleksiyon sa harapan ng salamin. Nagpakawala ako ng buntong hininga at ngumiti. Kinuha ang isang pregnancy test at ipinasok sa aking sling bag.  Agad akong lumabas at pumara ng taxi papunta sa office ni Anthon.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon