Athena
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya habang iginigiya ko ang aking sarili papasok ng airport. Ngayong araw na ito ang uwi ko sa Pilipinas. Kahapon ay ipinasa ko ang aking resignation letter and fortunately ay agad naman itong inaprubahan ng aking boss bestfriend. Nabigla pa ako sa kanya kahapon nang sinabi niya sa aking hindi na ako mag-aabalang bumalik sa kompanya. Kulang nalang ay itaboy niya ako palabas at ipatapon pabalik sa Pilipinas. Napangiti ako nang maalala ko ang aking boss bestfriend. I'm sure na mamimiss ko siya ng sobra.
"Ate Theen?" Dinig na dinig ko ang pagkabahala sa boses ng nasa kabilang linya. Biglang dumagundong sa kaba ang aking puso. Naghaharumintado ito. May kung anong kaba ang lumukob sa aking pagkatao.
"Darling? What happened?"Ang bunsong kapatid ni Anthon ang nasa kabilang linya. Parang huminto ang lahat ng gumagalaw sa aking paligid habang hinihintay ko ang kanyang sagot. What the heck?!
"Saan kana Ate? Si Kuya..." No. No. No.
"Nasa airport palang ako, Dar. Anong nangyari kay Anthon?!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili na hindi mapasigaw. Anong nangyari sa kanya? Maghunus-dili ka, Athena.
"Nasa hospital kami ngayon, Ate Theen." Para akong binuhusan ng tubig sa narinig. Anong nangyari kay Anthon? Bakit nasa hospital siya? May nangyari ba sa kanya? Nadisgrasya ba siya?
"Anong nangyari, Dar? At saang hospital?" Garalgal ang boses ko habang tinatanong ito sa kabilang linya. This can't be! God, please help him. Kailangan namin siya ni L.A. Kailangan siya ng pamilya niya. Biglang tumulo ang aking luha habang sumasagi ang mga hindi magandang ideya sa aking isip.
"St. Luke, Ate Theen." Agad na narinig ko ang ingay sa kabilang linya. Shit! Anong bang nangyayari doon. Gusto kong liparin agad ang Singapore papuntang Pilipinas!
"I'll be ther---" Biglang naputol ang tawag sa kabilang linya. Agad kong tinungo ang departure lounge at hindi mapakaling umupo roon para hintayin ang aking flight. Agad na rumihestro ang mukha ng aking mag-ama.
"No. He's okay, Athena." Pagpapakalma ko sa sarili. Ilang minuto pa lang ay nasa loob na ako ng eroplano habang ang aking diwa ay nauna ng dumating sa Pilipinas.
"Please.Calm down.Athena." Ilang inhale at exhale pa ang aking ginawa. Para akong hindi makahinga sa aking kinauupuan habang iniisip kung ano ang nangyari sa aking pinakamamahal na Anthon. Nang pagkalapag na pagkalapag ay agad akong lumabas ng airport at pumara ng taxi. Hindi ko alam kung paano ko naipasok agad sa backseat ang aking trolley bag.
"St. Luke po." Mabilis kong saad sa driver na parang duda kong naintindihan niya ang aking sinabi pero fortunately ay agad namang tumango ang driver sa akin at umibis. Gusto kong hawiin ang mga sasakyang nakahinto sa aming harapan dahil sa matinding traffic. Shit! Saturday pala ngayon. Napatutop ako sa aking noo. Matapos ang napakahabang oras na pagkabahala ko'y nakarating na rin ako sa wakas ng hospital na sinabi sa akin kanina ni Darling.
Hindi pa ako tuluyang nakapasok sa entrance ng hospital ay may kamay malambot na kamay ang humila sa aking braso. Nasamyo ko agad ang pamilyar na amoy nito.
"Gang!" Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko galing kay Hannah. Oh! I missed her. Ang mainit pa lang niyang yakap at ang mabango niyang amoy ay nagpapakalma agad sa aking kaba. Kung wala sanang nangyaring masama kay Anthon ngayon ay hindi ako lalayo sa kanyang pagkakayakap. Pero kailangang kailangan ko nang makarating ngayon sa kung saan mang kwarto nakahiga si Anthon! For Pete's sake! Iisipin ko pa lang na may nakakabit sa kanyang dextrose o ano mang bagay...
"Gang? I'm sorry but we need to do this---" Agad akong nakatitig sa kanyang mukha na parang nag-aalangan pero later ko na siya tatanungin kung bakit siya andito at ano ang pinagsasabi niya. Kailangang kailangan ko na talagang pumasok at hanapin si Anthon. Nang akma ko ng bunutin ang aking cellphone sa loob ng aking shoulder bag para tawagan si Darling ay naramdaman ko nalang ang dalawang kamay na humawak sa aking magkabilang braso at agad na tinakpan ang aking ilong ng isang panyo.
"Oh! Shit! What---"
"Is she okay? Damn you! Be careful!" Bago pa ako mawalan ng ulirat ay narinig ko pa ang pag-asik ni Hannah sa kung sino mang tao ang nakahawak sa akin ngayon.
Mahinang bulung-bulongan ang naririnig ko sa labas ng kung saan man ako dinala ng kung sino habang nakapikit parin ang aking mga mata. Oh! Shit! Napasapo ako ng sintido nang maala ko ang nangyari kanina. Agad akong dumilat at tumambad sa akin ang puting kisame na may maliit na chandelier na nakakabit dito. Light pink ang wall sa loob ng kwarto. Pamilyar na pamilyar sa akin ang kwartong ito. Biglang dumagundong sa kaba ang aking puso nang maalala kong nawalan ako ng ulirat kanina. Nakidnap ba ako? Agad kong sinuyod ang loob ng kwarto at nakita ko ang aking trolley bag at shoulder bag na maayos namang nakatayo sa gilid ng isang nightstand make up vanity. May nakapatong roon na kung anong mga anik anik at make up. Umupo agad ako at nakita ko ang maputing duvet na nakatabing sa akin. Sa hitsura at sa kalagayan ko naman ay parang hindi ako nakidnap. Natutop ko ang aking sariling bibig nang maalala ko ang aking anak na si L.A. at si Anthon na ngayo'y nasa hospital. Tumayo agad ako at aktong tutungo na ako sa aking bag para kunin ang aking cellphone ay agad na bumukas ang pinto. Iniluwa roon ang aking bestfriend na nakangiti. Nakasuot ito ng half sleeves beige bodycon belted waist dress na nagpakurba pang mas lalo sa kanyang hubog na katawan. Napagtanto kong nasa kwarto niya talaga ako. Napabuntong hininga ako nang marealize kong ligtas ako.
"So, you're awake! Drink this, first. Don't ask me the Wh questions and 1 H 'coz I'm not gonna answer you right now. I'm sorry. Forgive me later." Agad niyang inabot sa akin ang isang basong tubig habang sinasabi ang mahaba niyang litanya sa akin instead of asking me 'how are you feeling right now' 'oh! God! You're safe' bestfriend-concerned-line. Napakunot-noo ako sa kanyang inaakto ngayon.
"O-okay?.. But I need to go back to the hospital, Gang." Akmang kukunin ko na ang aking shoulder bag at iiwan ko na muna ang aking trolley rito at hahakbang na sana ako palabas ng silid ay agad niyang itinabing ang kanyang sarili sa pintuan ng kwarto.
"I'm really sorry, Gang but kailangan mong magstay rito." Kitang kita ko sa kanyang magandang mga mata na desidido siyang kulungin ako rito sa loob ng kwarto niya without a second thought.
"It's kinda weird, Gang but I don't have much time to stay here. For Pete's sake! Nasa hospital si Anthon ngayon!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili nang napasigaw na ako sa kanya.
"Listen, beautiful woman. Please, calm down. He's okay---" What the heck? Paano niya nasasabi ito sa akin na pareho kaming andito sa kanyang kwarto?
"How can I calm down, Gang?! How did you know that he's okay, we're even both here inside your room while Anthon is... lying there... on the hospital bed?! For damn's sake!" Putol ko agad sa kanyang sinasabi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.
"I don't want to ruin this, okay? So please. If you want to see your Anthony Enriquez, please cooperate with me. Do as I say, Athena Margarette." Napasapo ako sa aking sariling mukha at bago pa ako makapalag ay biglang may pumasok na dalawang binabae sa loob ng kwarto. Tumango si Hannah sa mga ito at ngumiti naman ang dalawa sa akin. Iginiya nila ako sa upuan na nasa harapan ng nightstand make-up vanity table ni Hannah. At nag-umpisa na nga silang gumalaw. Napakagat ako sa aking ibabang labi habang tinititigan ko si Hannah sa salamin.
"You know, hindi mo ako madadala sa mga titig mo na iyan, Gang. I'm sorry, okay?" Tumayo siya sa likuran ko at hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo. Humakbang siya patungong pinto at agad na lumingon sa akin.
"After this, you gonna thank me. I love you!" Agad siyang lumabas ng pinto habang naiwan ako rito sa loob ng kwarto niyang naghaharumintado sa kaba.
![](https://img.wattpad.com/cover/261143078-288-k277615.jpg)
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...