Chapter 6

30 0 0
                                    

Athena

Sa mga susunod na araw ay panay na ang palitan namin ng SMS pati phone calls ni Anthon na umabot narin sa dalawang buwan. Yes, 2 months na. Ang bilis ng araw. 'Di ko namalayan na hinihintay ko na mga tawag niya. Ewan ko ba. Ang sarap lang sa tainga 'pag kausap ko siya. Gan'to na talaga siguro 'pag binibigyan ka ng attention ng ibang tao. Tama? Wala naman sigurong masama, diba? ----------- kring, kring, kring!  Speaking of the devil. Anthon is calling.

"Hello, Athena."  pambungad niya sa akin. Nasa loob ako ng classroom, nakaupo habang nakikinig sa kuwento ni Nefea tungkol sa binabasa niyang novel. Binigyan niya lang ako ng knowing smile at pasimpleng binuklat ang aklat at tinuon doon ang atensiyon. Aside kay Hannah, alam din ni Nefea ang tungkol kay Anthon. Wala naman siyang bad comment tungkol sa nahuli pero pinagbantaan niya lang naman si Anthon noong sinundo ako nito at nagkataon na sabay kaming lumabas ng classroom. "Once na sinaktan mo kaibigan ko, isa ako sa makakalaban mo." Sabi niya sabay paalam sa aming dalawa noon na naiwang nakaawang ang mga labi sa kanyang ginawa.  Awe, si Nefea talaga. Doon ko narealize na kahit wala akong mga kapatid, binigyan naman ako ni God ng mga kaibigan na sobra kung magmahal at magprotekta! Partida pa na puro babae daig pa ang mga lalaki. 

"Hey, there!" masigla kong bati kay Anthon habang binabaling ko ang atensiyon sa kabilang linya. I tightened the grip. Andito na naman ang mga butterfly sa sikmura ko. Iba talaga ang epekto ni Anthon sa akin.

"Saan ka? I miss you. I want to see you." pagtatanong niya sa kabilang linya. Ganyan na ganyan na siyang nakikipag-usap sa akin. Very comfortable na kami sa isa't isa. Feeling ko nga matagal na kaming magkakakilala.

"Nasa classroom ako."  pasimple kong sagot sabay lingon kay Nefea na ngayo'y nakasandal na ang ulo patihaya sa upuan at nakapatong ang aklat sa mukha. Pasalamat nalang ako't hindi niya makikita ang pamumula ko. Grabe pa naman ito siya mang-asar. Langya ka, Anthon! Bawas bawasan mo naman kaunti ang kasweetan mo! Nawala nalang siya bigla sa kabilang linya. Naisip ko nalang baka na low battery ang phone niya.

Ilang segundo pa ay biglang may pumasok na limang babae na may bitbit na mga papel na di ko mawari kung ano ang mga nakasulat dito at isang lalaking may bitbit na gitara. Wala naman kaming presentation ngayon at kahit hindi ko kabisado ang mga pangalan ng kaklase ko ay kilala ko naman ang mga mukha nila. Alam ko na hindi ko kaklase ang mga nasa harapan na ngayo'y nakalinya. Nag-umpisa nang tumugtog at kumanta ang lalaking may bitbit na gitara kanina ng...

"I wanna make you smile whenever you're sad. Carry you around when your arthritis is bad. All I wanna do is grow old with you..."

"Awwwwee, so sweet!" napatili nalang ako sa sarili habang kinikilig para sa babae na hinaharanahan ng lalaki ngayon. Napahawak ako sa braso ni Nefea na ngayo'y kagigising lang at takang taka sa mga taong nasa harapan. Umupo siya ng maayos at napanguso nalang sa akin ng "ano 'to?", nagkibit-balikat nalang ako habang ibinabalik ko ang aking atensiyon sa lalaking kumakanta. Napa "wow" nalang ako nang mabasa ang nakasulat sa mga papel na ngayo'y hawak-hawak paitaas ng limang babae. "Will you be my girlfriend?" Kilig na kilig ako sa aking nasaksihan, 'di dahil sa typical na babae lang ako kundi dahil sa old fashioned ang lola niyo. Hayyy, ang swerte naman ng babaeng nililigawan niya, patili kong sabi sa isip.

Naputol nalang ang aking pagdi-day dreaming nang marinig ko ang hiyawan ng lahat ng kaklase ko sa loob at labas ng classroom, pati narin sa ibang silid ay nakipagtsismisan na rin. Biglang bigla nalang may tatlong lalaking lumapit sa aking upuan at iniabot ang tatlong puting papel na nakatupi. Pagkabukas na pagkabukas ko'y tumambad ang nakasulat na capital letter I, tapos LOVE, tapos YOU. Tumitili at hinahampas hampas ako sa braso ni Nefea na dumungaw pala at nakibasa rin sa kung anong nakasulat sa tatlong papel. Agad akong nagkagoosebumps, I know, pulang pula ako ngayon, nablangko agad ang aking isip. Gusto kong magpalamon sa lupa, ura-mismo! Naramdaman ko nalang na nakatuon na pala ang tingin ng lahat ng mga tao roon sa akin. Oh my God! Mas lumakas pa ang hiyawan at mas natulala pa ako na feeling ko magkakaheart attack ako sa bilis ng tibok ng puso ko nang dumating si Anthon na nakasuot ng simpleng white polo shirt sa loob at naka black jeans and jacket, nakasukbit sa likod niya ang red bag niya. May dala dala siyang teddy bear. He's oozing testosterone sa loob ng classroom. Minus the teddy bear na bitbit niya. Kung gaano siya ka-manly ngayon ay ganoon naman kataliwas ang kulay ng teddy bear na ngayo'y yakap yakap niya. Para siyang leading man sa pelikula. Para siyang bad boy na nanliligaw sa isang nakanganga na babaeng hindi mo maimagine na kagusto-gusto pala! Abot-langit ang hiya ko and at the same time kinikilig. Ganito pala ang pakiramdam nina Maria Clara noong unang panahon kapag nililigawan sila? Utang na loob, lupa bumukas ka, kainin mo'ko! Pero sa kabila ng lahat ng naramdaman ko ay isa lang tal'ga ang alam ko, tinalo ko si Rapunzel sa pagkahaba-haba ng buhok ko ngayon! 'Di ko alam na may gan'tong lalaki pa pala sa mundo? Totoo ba 'to? 'Di lang ba ako nananaginip? Seryoso 'to?Ako ang tukoy nila, niya?

"Can you be my girlfriend, Athena Margarette Ruiz?"  putol niya sa lahat ng iniisip ko.

'Di ako nakapagsalita. Nilamon ako ng kaba, hiya, takot at isang emosiyon na ngayon ko lang naramdaman. He's still a man, Athena! Parang pati dila ko ay umurong nalang bigla. Iniabot niya sa akin ang teddy bear at lumuhod sa harapan ko para magpantay ang aming tingin. Hindi ko maiwas ang aking mga mata sa kanya. Nakaupo ako sa gilid ng classroom na ngayo'y parang may spotlight na nakatuon sa akin dahil sa ang mga matang nakabaling sa aking direksiyon.

"Okay lang na hindi mo'ko sasagutin ngayon. Maghihintay ako, Athena. I love you."  sabay tayo at lumabas ng classroom sumunod ang limang babae at ang lalaking tumugtog ng gitara. Naiwan akong nakatulala parin, kung hindi pa ako kinurot sa tagiliran ni Nefea na ngayo'y parang siya ang hinaranahan sa sobrang kilig ay hindi pa ako iimik.

"Oh.My.God. Athena. He's the man!"  tiling pasigaw ni Nefea sa akin habang hinahampas ako sa braso. Napilitan akong ngumiti sa kanya at sabay dukot sa aking cellphone...

"What's that for, Anthon?"

"I just want you to know na gagawin ko lahat for you."

"I don't know what to react, Anthon. I'm sorry."

...kring, kring, kring.(Anthon is calling.)

(call ended)

"I'm sorry, Athena kung napahiya kita."

"Please, answer my call."

"Please."

"Okay, I'm sorry. I can't promise na di na ako

tatawag, but right now, I'll give you time to think.

I love you, Athena."

"Thank you for this, Mr. Charmer."

"You're always welcome, Babe.

I'll do everything for you."

(...)

*seen*

Umuwi ako ng lumulutang parin bitbit ang teddy bear na binigay niya. 'Di na ako nakakain ng hapunan, dahil sa kaiisip sa nangyari kanina, hindi narin ako nakapagreply dahil una, ano bang irereply ko sa 'babe' niya? 'Babe' din? Pangalawa, mahirap magreply kung kilig na kilig ka, baka masagot ko pa siya ng wala sa oras, naku! May dignidad pa naman tayong inaalagaan. For the first time, nahirapan akong matulog. Anong gagawin ko? Mapagkakatiwalaan ba siya? Baka pareho lang siya ni Papa...

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon