Chapter 27

17 1 0
                                        


Anthon

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please---" Hindi ko na tinapos ang kabilang linya na nagpapahiwatig lang na pinatay na ni Athena ang kanyang cellphone. Isang malakas na hampas sa mesa ang aking ginawa habang napapamura nalang ako sa nangyari kanina. Isang oras narin ang nakaraan nang nasilayan ko ang mukha ni Athena na luhaan. Gustuhin ko man siyang yakapin at habulin sa labas ay napigilan ako ni Jake. Napaka wrong timing ng lahat.

"I'm sorry to interrupt you this time, Thon but we need to go to the meeting right now. Nandoon na ang bidders." Halos masuntok ko ang aking sarili dahil nakalimutan ko ang meeting namin. I'm an Executive Manager and he's the Executive Assistant Manager ng kompanya. Ilang taon narin kaming magkasamang nagtatrabaho rito. Kailangang kailangan naming itong makuha para sa kompanya. Nagdadalawang-isip pa ako dahil sa nangyari pero kinalma ko ang aking sarili. Hindi pwedeng madamay ang aking trabaho sa personal kong problema. Damn! Napamura nalang ako sa sarili at tumungo sa conference room na kami nalang pala ang hinihintay. Naging maganda ang takbo ng meeting kanina kahit pa ay paminsan-minsan nawawala ako sa konsentrasyon, laking pasalamat ko kay Jake nang inaalalayan niya ako habang kinakausap ang bidders.

"Damn!" Nakailang dial narin ang ginawa ko pero hindi niya parin ako sinasagot. Napasapo ako sa aking mukha. Hindi ko na namalayan ang sarili na tinatahak ko na pala ang parking area at agad na sumakay sa aking sasakyan. I need to see my woman right now!

Nakailang katok narin ako sa pinto ni Athena ngunit wala paring bumubukas nito. Napatingin ako sa aking wrist watch at saktong alas sais pa ng gabi. Naghintay ako ng ilang minuto. Umupo ako sa upuan na parati niyang inuupuan dito sa labas kapag siya ay nagbabasa. Napakunot ang aking noo nang hanggang ngayon ay wala paring Athena ang bumubukas ng pinto. Mag-a-alas syete na ng gabi pero wala parin akong marinig na ingay sa loob. Kinuha ko ang aking phone sa bulsa at nagsimulang i-dial ang number ni Hannah.

"Hello, Anthon!" Masiglang bati ni Hannah sa kabilang linya na agad naman niyang sinagot ang aking tawag. Mas lalo akong kinabahan dahil kung kasama ni Hannah si Athena at kung nalaman niya na nasaktan ko ang bestfriend niya ay hindi niya ito basta basta sasagutin ang aking tawag.

"Hannah. Kasama mo ba si Athena ngayon?" Garalgal kong tanong kay Hannah na ngayo'y tumahimik bigla.

"Hindi ko siya kasama. Kanina pa ako tumatawag sa kanya but she's out of reach. May nangyari ba?" Bakas sa boses niya ang pagkabahala. Damn! Napamura ako sa aking isipan nang maalala ang mukha ni Athena na nasasaktan.

"Yeah. Her phone is unattended." Panlulumo kong sabi na alam kong umabot sa kabilang linya.

"I don't know what's happening between you two----"

"Please, do me a favor. If kokontakin ka ni Athena, please sabihan mo agad ako. I can't lose her, Hannah." Pinutol ko na agad ang sinasabi ni Hannah. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag mawala si Athena sa akin.

"Yeah. I will." Maikling sagot ni Hannah na parang gusto pang magtanong pero mas pinili nalang ang manahimik.

"Thank you." Ibinaba ko na agad ang cellphone at agad na tinungo ang bahay ni Tita. Baka umuwi siya sa bahay ng Mama niya. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko ngayon. I can't afford to lose her.

"Anthon! Napadalaw ka!" Nang huminto ang sasakyan ko sa harap ng bahay nina Athena ay agad akong bumaba at tinungo ang gate at diretsong kumatok sa pinto. Ilang sandali pa ng aking pagkatok ay bumukas agad ang pintuan at agad na iniluwa si Tita. Nakakunot-noo ngunit kalaunan nama'y bumakas ang saya sa kanyang mukha. Agad niyang tiningnan ang aking likuran na parang hinihintay niya ang kanyang anak na lumabas doon. Damn! Napamura ako sa aking isip. Kahit hindi ako magtanong kay Tita ay alam ko na ang kanyang sagot. Wala roon ang aking Athena. Where is my woman?!

"Pasensya na po't nadisturbo ko kayo ngayon, Tita pero hindi ko po makontak si Athena." Agad kong usal pagkatapos kong magmano kay Tita. Pinapasok niya muna ako at pinaupo sa sofa.

"Nag-away ba kayo, Thon?" Diretsang tanong ni Tita sa akin sabay abot ng isang basong tubig. I really need this. Gusto kong pakalmahin ang sarili. Pilit akong ngumiti kay Tita. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na nadatnan ako ng kanyang anak kanina sa aking opisina na may kasamang ibang babae. Paano ko ipapaliwanag sa kanya na nasaktan ko ang kanyang nag-iisang anak? Damn!

"Opo, 'Ta. I'm really sorry, but I'll fix this." Paghihingi ko ng pasensya kay Tita na pilit namang ngumiti habang nakatingin sa akin. Nakuha ni Athena ang kanyang magandang mata sa kanyang Mama. Napapikit ako nang mariin nang maalala ko ang magaganda niyang mata na umiiyak dahil sa akin.

"Masaya ako dahil ramdam at kitang kita kong mahal mo talaga ang anak ko, Thon. Kung ano man ang napag-awayan ninyong dalawa ay pag-usapan ninyo, pero sa tingin ko'y nagmamatigas na naman ang aking anak. Kilala mo naman si Athena, tama?" Sabay pisil ni Tita sa aking balikat habang iniisip ang kanyang sinabi. Tama si Tita, mas gugustuhin ni Athena ang magpakalma muna ng sarili bago ka kausapin ngunit may rumehistrong kabang lumukob sa aking dibdib. Yeah, she's so stubborn and hardheaded. She's determined and independent. She can live on her own without the help of others. Damn! Napamura na naman ako sa isip nang may sumaging hindi magandang ideya sa aking isipan.

"Opo, 'Ta. I'm sorry." Maikli kong turan habang naglalayag ang aking isip sa kung saan man posibleng pumunta si Athena.

"You knew her well, Anthon. Hindi sa hindi ako nag-aalala sa kanya ngayon pero kilala natin pareho ang anak ko. Ayaw niyang kaawaan siya. Hindi nga nagtitiwala basta basta sa iba noon. Pero alam mo bang naging masaya ako noong unti-unti na siyang nagtitiwala sa iyo?'Yung Athena na binuksan ang sarili niya para magtiwala at magmahal ulit." Ngumiti si Tita habang nakatitig sa akin.

"Alam niyo na kung ano ang tama sa mali. Malaki ang tiwala ko sa inyong dalawa. Alam ko namang hindi mo talaga sasaktan ang aking anak." Tagos hanggang buto ko ang mga huling salita na sinabi ni Tita sa akin. Mas lalo akong naguilty sa tiwalang ibinibigay niya sa amin at mas lalo na sa akin. Napakagago ko talagang tao!

"Thank you po, Tita. I love her so much. I'll promise, I'll find her and take good care of her." Mahina kong usal na parang ang sarili ko lang ang aking kausap. Naramdaman ko naman ang pagpisil ni Tita sa aking balikat at binigyan niya ako ng mapag-unawang ngiti. Agad akong nagpaalam kay Tita nang matapos ang aming pag-uusap. Sumampa agad ako sa aking sasakyan at habang tinatahak ang daan pauwi ay nakapagdesisyon akong hindi ako titigil hanggat hindi ko mahahanap si Athena.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon