Chapter 5

40 0 0
                                    

Athena

"Himala! Anong nakain mo ngayong araw at bakit biglang bigla mo nalang ibinigay ang cellphone number mo sa kung sino ha?!" Bungad na tanong ni Hannah nang nakasampa kami sa kanyang sasakyan. Nasa driver seat siya na nakahawak na sa steering wheel. Nagtatanong ang mga mata at parang nabigla sa aking ginawa. Hindi ko kasi ugaling pinamimigay nalang basta basta ang aking cellphone number sa iba, sa lalaki pa talaga! Kung gaano siya kailap sa mga lalaki ay ganoon din ako. Pero kung gaano naman siya ka active sa lahat ng social media app na naglipana ngayon sa mundo ay yaon namang ikinatamad ko. Naka install ang Facebook app at Instagram sa cellphone ko pero hindi ko man lang mabuksan-buksan. Ano naman ang gagawin ko roon? Hindi dahil sa hindi touch screen ang Blackberry phone ko kundi dahil hindi lang talaga ako mahilig magpost sa social media ng kahit na ano. I don't have anything to brag. Si Hannah lang ang nagpupumilit na iinstall ang dalawang app na iyon dahil daw kapag wala siyang load ay matawagan niya ako via messenger. Pero hanggang ngayon ay useless parin ito. Ilang araw ngayon ay i-uninstall ko nalang ang dalawang app, nagpapabigat lang ito sa phone ko. Ikinabit ko ang seatbelt, nakaupo ako sa passenger seat ng kanyang sasakyan. Sinundo niya ako sa school at iyon na nga, nasaksihan niya ang konting pagkarebelde ko sa buhay. Oo nga, even me, nabigla rin ako sa actions ko kanina. Pero, naisip ko lang na why not, diba? Let's give it a try! Let's put some spice! Puro lang tayo aklat eh! Pagdi-defend ko sa sarili, sa isip-isip ko lang. Baka mabatukan ako ng wala sa oras ni Hannah. Kung nandito lang si Nefea sa backseat, siguro mabibingi ako sa kanilang dalawa. Naging kaibigan narin ni Hannah si Nefea dahil minsan narin kaming lumabas na magkasamang tatlo. Same wavelength, so, expected na sa isang tingin palang ay alam na!

"First, I didn't eat my lunch earlier, so wala akong nakain na kahit na ano."  Pamimilosopa ko.

"Second, di yun siya kung-sino-lang-ha! FYI, siya yung owner ng sasakyan na nabunggo mo lang naman na hindi tayo pinabayad noong nakaraang Sabado. Remember mo yung Mr. Hot Guy na dinifine mo as Mr.-Hot-and-Most-Kind-Man-In-the-Universe?!"  Pagpapaalala kong sabi sa kanya na ikinabigla naman niya at nabaling ang atensiyon niya sa akin instead na sa kalsada ang tingin.

"Jusko! Utang na loob! Sa kalsada ang tingin, Hannah! Gusto ko pang magreply sa text message niya kung mayroon mang maligaw!"  panerbiyos kong sabi sa kanya. Agad naman niyang itinuon ang kanyang tingin sa daan pero hindi parin ako tinantanan at napatawa pa talaga siya nang marealize kung ano ang sinabi ko sa kanya, pati rin ako, nabigla. Worried lang kasi ako, baka na naman kasi makabunggo na naman kami at worse, pagbabayarin na kami ng charges! Nagtitipid pa naman kami ngayon.

"What!? Are you serious!? 'Di nga? Ba't di ko siya namukhaan!? Ba't di ko siya nakilala agad!?" delayed niyang reaksiyon sa akin na ngayo'y parang excited na excited siyang makinig sa kung anong bagong tsismis tungkol kay Ronnie Alonte. Baliw na baliw kasi siya sa nasabing aktor. Nafi-flex niya lang ang pagiging fangirl niya pagdating sa aktor. Hindi ko pa nakakalimutan noong bumisita si Ronnie Alonte sa isang mall na malapit sa amin para i-endorse ang bago niyang endorsement product. Hinatak niya kaming dalawa ni Nefea. Limang oras lang naman kaming naghintay dahil pagkatapos ng pagkatapos ng aming klase ay tinungo na namin ang mall at pumwesto agad kami sa unahan para makakuha ng upuan. Lucky us! Kahit hindi kami VIP ay nakaupo kami sa VIP seats dahil lang naman sa diskarte ni Nefea na dahilan ng abot-langit na saya ng aming Hannah. For the record, walang oras na hindi niyayakap ni Hannah si Nefea na nakaupo sa kanyang tabi na parang lumulutang sa cloud dahil sa kilig. Ganyan siya kabaliw sa aktor. Pero hindi ko naman ikinakaila iyon. Dahil noong lumabas na si Ronnie Alonte galing sa backstage ay nakakalaglag naman talaga ng panga ang kagwapuhan niya. Napatili nalang kaming tatlo sa nakita. At sa mga oras na ito ay para kaming nasa magkabilang bundok na nagsisigawan na parang 'di magkakarinigan. 

"Yep, di ka lang talaga interesado sa kanya."  pahapyaw kong sagot na nilakipan ko pa ng let's-not-talk-about-it voice.

"Hep! Hep! Hep! Athena! So, it means... interesado ka sa kanya? Kaya mo naman walang pasubaling ibigay ang phone number mo sa kanya, correct?"  bumaling siya sa akin na ngayo'y nakaturo na ang hintuturo na nanliliit ang mga mata. Here we go again, Athena. Believe me, 'Di 'yan matitigil kung 'di niya maririnig ang gusto niyang sagot galing sa'yo. Promise! Cross my heart, isumpa mo pa sa river of Styx!

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon