Athena
"Happy birthday, little bubble buddy." Malungkot kong usal sa sarili habang nakaupo sa aking cubicle. How I missed her. How I missed them. Hawak hawak ko ngayon ang isang polaroid film na may picture naming dalawa ni Mika. Nakayakap kami sa isa't isa at nakangiting nakatingin ako kay Mika. Parang may kirot sa aking puso nang maalala ko ang mga araw na lumipas. Ang mga araw na naging buwan at taon na naging apat na taon na nga ngayon. Guilt washed through me. How could I've been so selfish and immature? Napapa mental slap ako sa sarili. I know, this guilt is my consequence. Tama sila Mama, hindi ko dapat nilayasan noon ang aking problema. Dapat hinarap ko iyon but was it too late to make it right?
...kring, kring, kring! Napapitlag ako sa tunog ng aking phone. Ang messenger ko ang tumutunog ngayon. Rumehistro agad ang pangalan ni Hannah at Nefea. Napangiti agad ako at sinagot sila. Itinuon ang atensyon sa video call ng dalawa habang ikinakabit ko ang aking earphone sa magkabilang tenga.
"What's up, girls?!" Pambungad kong bati sa kanilang dalawa na ikinangiti naman nila sa kabilang linya at agad na sumeryoso ang mukha ni Nefea.
"Don't what's up what's up us, Theen." Sagot ni Nefea sa akin at umismid. Shit! Here we go again. Noong araw na umalis ako sa Pinas ay nakatuon lang ang atensiyon ko sa sakit. Nakalimutan ko ang mga taong mahal na mahal ako. Nakalimutan kong may karamay pala ako. Sa sobrang galit at wala sa sarili ay nagpasya akong lumayo. Alam kong nag-alala sila sa akin kaya naman nang matapos ang isang buwan na pamamalagi ko sa Singapore na mag-isa ay nagdesisyon akong kontakin ang dalawang matalik kong kaibigan. Expected na nagalit sila sa aking desisyong paglayo. Ngunit nang nalaman nilang buntis ako noon ay agad naman silang sumaya. Tinanong agad nila noon kung alam na ba raw ng mga magulang ko ang pagdadalang-tao at sinabi kong oo. Alam ko sa sarili ko na mabubuhay akong mag-isa pero hindi kaya ng konsensya ko ang hindi kontakin sina Mama, Papa, Hannah at Nefea. Isang galit na galit na Hannah ang nakikipag-usap sa akin noon. Nagmaktol naman si Nefea sa akin nang nalaman niyang nangibang-bansa ako noon. Bakit daw hindi ko siya kinontak ng mga araw na iyon. Ipinaliwanag ko agad sa kanila na pinlano ko talagang hindi sila kontakin sa loob ng isang buwan. Alam kong kokontakin sila ni Anthon noon at hindi nga ako nagkamali dahil ikinuwento nga ng dalawa kung paano'y araw araw na tumatawag si Anthon kay Hannah para magtanong kung tumawag ba ako sa huli. Hiniling ko agad sa kanila noon na sana'y hindi na umabot pa kay Anthon ang pamamalagi ko sa Singapore at sa aking pagdadalang-tao. Hindi ko ring gustong pag-usapan si Anthon, nasasaktan parin ako kapag naririnig ko ang pangalan niya. Nirespeto naman nila agad ang aking desisyon pero pagdating sa pagbubuntis ko'y hindi sila kumomporme. Dapat daw ay malaman ni Anthon na buntis ako. Karapatan daw ng ama ng magiging anak ko ang malaman ang kalagayan ko. Pero nagmatigas parin ako noon, kaya sa tuwing nag-vi-video call kami ay hindi nila nakakaligtaang paalahanan ako na umabot na nga sa apat na taon. Alam kong napakamaling desisyon iyong pagtago sa katotohanan kay Anthon pero masisisi ba nila ako?
"Kamusta si Baby L.A., Gang?" Tanong agad ni Hannah na parang sabik na sabik siyang makita si L.A.. Palagi silang nag-vi-video call sa aming mag-ina. Napamahal narin si L.A. sa dalawa niyang Tita. Nalaman nilang nahospital si L.A. kaya ramdam ko ang pag-aalala nilang dalawa. Nasa Pilipinas parin si Hannah ngayon. Nagtuturo siya sa isang pribadong paaralan. Si Nefea naman ay nasa Thailand parin. Pareho kami ng work ngayon. Napangiti ako sa dalawa kong matalik na kaibigan. I'm so grateful na kahit napakalaki kong tanga ay they're always there for me para damayan ako minus sa pag-ra-rant. Wala na rin akong balita kay Anthon kung kinukulit pa ba niya si Hannah dahil 'yon naman ang gusto ko. As long as I can't hear anything about him, magiging peaceful ang puso't isip ko.
"He's doing fine, Gang. Makulit na naman." Sagot ko sa tanong ni Hannah habang nakikinig lang si Nefea.
"Hmmm. Like father, like son." Makabuluhang tugon ni Hannah na parang may gustong iparating sa akin pero ipinagkibit-balikat ko nalang iyon. Baka may sarili na nga siyang pamilya. At ano naman sa iyo, Athena? Wala ng kayo. Pagpapaalala ko sa sarili. I'm fine with my son.
"Don't give us that look, Theen...like you're telling us 'i-don't-give-a-damn-about-L.A's-daddy' dahil hindi iyan bebenta sa amin!" Agad na putol ni Nefea sa aking diwa. Here we go again, Athena.
"C'mon Nefs---"
"It's been 4 years, Athena Margarette! Gusto mo bang lumaki si L.A. na walang kinikilalang ama? Dahil kung ako ang tatanungin mo, No. Ayokong lumaki ang bata na hindi niya nakilala ang tunay niyang ama." Putol agad ni Nefea sa aking sinasabi. Napahawak agad ako sa aking sintido. Tama nga naman siya.
"Look, Gang. We all knew na napakagago naman talaga ni Anthon para saktan ka noon. Yes, he cheated on you. He hurt you. But you didn't even gave him a chance to explain his side. I'm not saying that I'm on his side right now ha pero for the sake of L.A. I'm not pushing you----" Mahabang litanya ni Hannah na pinutol naman agad ni Nefea.
"No. We're definitely pushing you!" Agad na saad ni Nefea sa akin na parang she's determined right now.
"Look, girls. I know. I know. May plano naman talaga akong ipakilala si L.A. sa ama niya personally kahit na siguro may ibang pamilya na siya ngayon." Pag-di-defend ko sa sarili sa dalawa. Alam kong hindi nila ako titigilan.
"Siguraduhin mo lang Athena Margarette Ruiz dahil kong hindi ka pa gagalaw as soon as possible ay ako na ang magsasabi kay Anthony." Mariing sabi ni Hannah sa kabilang linya na may tinatagong ngiti na hindi ko mawari kung ano iyon. And what the heck?! She's pressuring me? Hindi ko na lang siya tinanong dahil baka macorner pa ako ng dalawang 'to. Isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa. Alam kong hindi iyon gagawin ni Hannah. Isang ngiti naman ang sumilay sa labi ni Nefea na ngayo'y malapad na ngang nakangisi.
"Well. As always. I'm defeated." Pagsuko ko sa dalawa na ngayo'y nakathumbs up pa ang mga loka. Minsan talaga ay na-a-annoy ako sa kara-rant nila sa akin pero mahal na mahal ko parin sila. I know, gusto lang talaga nilang mapabuti ang buhay ni L.A. pero mapapabuti ba talaga kung malaman ni Anthon na may anak siya? At hindi ko nga alam kung saan na siya ngayon? Saan ba ako magsisimula?
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...