Athena
Dito na nga matutulog si Anthon dahil hindi na siya pinauwi ni Mama. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang kasaya ni Mama nang magpaalam sa kanya si Anthon kanina nang dumating siya galing sa kung saan. Ang alam ko lang ay nasa kwarto siya noong nagpaalam siya.
"Anak, dito mo nalang iyan patulugin si Anthon. Alam mo naman ang anak mong iyan." Pagkatapos niyang sambit ay isang makabuluhang ngiti lang ang aking natanggap galing kay Mama nang aktong magprotesta pa ako sa pagsang-ayon niyang dito na matutulog si Anthon. Alam kong hahanap hanapin ni L.A. kinabukasan ang kanyang daddy dahil ito naman kasing huli ay may pa 'of couse, Baby of course, Baby' pang nalalaman kanina. At alam kong hindi magandang ideya ang makulong kami sa iisang kwarto.
Sinusuklay ko ang aking mahabang buhok habang nakaupo sa gilid ng kama. Dinig na dinig ko ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo ng kwarto. Naliligo si Anthon. May kung anong pagkasabik ang lumukob sa aking pagkatao. Agad ko itong iwinakli at humiga sa tabi ni L.A. na ngayo'y mahimbing na natutulog. Inilipat ko siya sa gitnang bahagi ng kama para mapagitnaan niya kami ng kanyang ama. Hindi ko alam kung bakit nawala lahat ng galit at guilt ko kanina nang sinabi niyang wala pa siyang asawa. Hindi ko na tinanong kung bakit may singsing siya sa kanyang ring finger. Well, baka accessories niya lang talaga iyon. Pero alam kong hindi siya mahilig sa mga ganoon. Baka nagbago na talaga ang nakahiligan niya. Napapitlag ako ng maamoy ko ang sarili kong shower gel. Biglang tumibok ang aking dibdib nang maramdaman ko ang presensya niya sa aking likod. Nakaharap ako kay L.A. kaya naman ay hindi ko siya nakita na lumabas ng banyo. At hindi ko ring gugustuhin ang makita siyang nakahubad. Baka hindi ko nalang namamalayan na nakakapit na ako sa makikisig niyang braso.
"Babe..." Halos pabulong niyang tawag habang marahan niyang pinisil ang aking braso. Biglang naghaharumintado ang aking puso nang maramdaman kong nakatitig siya sa akin. Marahan akong bumuntong hininga at bumaling sa kanya. Holy shit! Bakit ang gwapo parin niya kahit wala siyang damit pang-itaas? Damn! Ang abs niya. Yum! Ano ba 'tong iniisip ko ngayon?!
"Doon ka sa kaliwang bahagi ng kama humiga. At utang na loob, magsuot ka ng damit." Napatigalgal ako nang agad niya akong hinalikan sa labi.
"Goodnight, Babe." Agad na siyang tumayo at humakbang sa kabilang bahagi ng kama. Hindi ako sanay na may kasama kami ni L.A. sa loob ng aming kwarto pero bakit parang iba ang aking nararamdaman ngayon? Parang sanay na sanay na ako sa presensya niya. Bahagyang tumaob ang kaliwang parte ng kama hudyat na humiga na si Anthon doon. Naramdaman ko ang kanyang paggalaw kahit nakapikit ako nang mariin. Alam kong niyakap niya si L.A. Ano kaya ang pakiramdam kung ako ang yakap yakap niya? Napadilat ako nang marinig ko ang pagpatay ng lampshade sa aking tabi sabay sa pagpatay ng lampshade ng nasa kaliwang bahagi ng kama. Ipinikit kong muli ang aking mata nang maramdaman ko ang kamay niya'y nasa aking baywang nakadantay. Mariin niyang pinisil ito at umisog pa nang kaunti palapit kay L.A. Napangiti ako sa kanyang ginawa. Bakit parang na-i-excite pa akong lalo sa kung ano mang susunod niyang gawin? Naramdaman ko nalang ang paggalaw ng kama at ilang segundo pa'y amoy na amoy ko na ang aking shower gel sa kanyang katawan. Para akong maliliyo sa sensasyong dala ng kanyang mainit at mabangong hininga na dumadampi sa aking mukha. Nailipat niya si L.A. sa gilid ng kama ng walang kahirap-hirap.
"Athena..." Napakasarap pakinggan ang pangalan ko na halos pabulong niyang tawag sa akin. Kahit madilim dito sa loob ng kwarto'y ramdam na ramdam ko parin ang pagnanasang lumukob sa kanyang pagkalalaki. He cupped my face and kissed me. Gutom na gutom ang paraan ng kanyang paghalik sa akin. Salitan namang kinakagat niya ng mariin ang itaas at ang ibaba ng aking labi. Shit! Shit! Why he is so good at kissing?
"Anthon..." Hindi ko na napigilan ang aking sarili. I moaned as his kisses ran down to my neck, pababa sa aking dibdib. Sumabunot agad ang aking isang kamay sa kanyang malambot at mabasa-basa pang buhok, ang isa kong kamay ay mariing nakahawak sa aking unan.
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...