Chapter 10

28 0 0
                                    

Athena

Lumipas ang isang taon na hindi namin namamalayan. Ngayong araw na ito ang pinakahihintay naming lahat. Ang graduation day! Yes. Gagraduate na kami! Si Anthon ay nakagraduate na noong last year pa at ngayon ay nagtatrabaho na siya sa isa sa pinakamalaking kompanya dito sa bansa. I'm so proud of him. I always do. Unti-unti na  naming tinutupad ang aming mga pangarap. Maluha-luha kong tinungo sina Mama at Papa na ngayo'y naghihintay na nga sa akin habang nag-uusap sila ni Anthon. Kitang kita ko sa mga mata nina Mama at Papa ang saya dahil sa wakas ay nakapagtapos na rin ako. Masayang masaya akong yumakap kina Mama at Papa nang dumating ako sa pwesto nila. Pagkatapos kong yumakap ay may matigas na brasong yumakap sa akin galing sa aking likuran. I smiled when I smelled his scent. Parang kailan lang na hinaranahan niya ako. Parang kailan lang na binalaan ako ng isa kong guro. Parang kailan lang na sabay kaming nangarap makapagtapos. At ito na nga 'yon. Isang mainit na luha ang tumulo sa aking pisngi na agad kong pinunasan.

"Proud na proud kami sa iyo, Anak."  Sabi ni Mama na mamasa-masa ang kanyang mga mata dahil sa tuwa at galak.

"This is for you, Ma, Pa. Thank you for coming here today. I really appreciate it. I love you both." Sabay yakap ko sa kanilang dalawa nang pinakawalan ako ni Anthon. Kahit hindi sila magkabati ay pumunta parin sila ngayon para suportahan ako. Napatingin ako sa kamay ni Anthon na yumakap ulit pagkatapos akong bumitaw sa pagkakayakap ko kina Mama at Papa. Close na siya sa family ko. Kaya naman kahit doon na siya matulog sa bahay ay okay lang pero kapag nasa bahay kami nina Mama or ni Papa ay nasa kabilang kwarto siya. Hindi kami nagtatabi. Hindi alam ni Mama na may nangyayari na sa amin ni Anthon. Alam kong walang problema si Mama sa aming dalawa pero ang sabihin sa kanya na nagsi-sex kami? It's a big no, no! Napapitlag nalang ako nang may sumigaw sa pangalan ko. I knew it! My 2 sisters in heart and soul!

"Congrats, Gang!" Sabay halik sa akin sa pisngi ni Hannah na hindi makayakap dahil nakapulupot parin ang kamay ni Anthony sa aking baywang.

"Mr. Anthony Enriquez, can you please take your hands off of her? Just for a minute? Okay lang? Hindi namin nanakawin si Athena. Yayakapin lang namin siya." Litanya ni Nefea na inirapan pa si Anthony sabay hila sa aking kamay para mapalapit sa kanya. Napatawa nalang sabay bitaw si Anthony sa akin. Narinig kong tumawa ang aking Papa at ikinangiti naman ng aking ina. Awe. I can live with them just like this. Para na naman akong maiiyak sa sobrang galak. Feeling ko, punong puno ako ngayon, punong puno ng pagmamahal galing sa aking mga minamahal.

Bago umuwi sina Mama at Papa sa kani-kanilang bahay ay nagdinner muna kami kasama si Anthony, Nefea at Hannah sa isang dining restaurant na malapit sa pinagtatrabahuan ni Anthon. Nagpalitan pa kami ng masamang tingin nang inako niyang bayaran ang bill. Hindi na ako nakipagbangayan dahil nasa harap kami ng aking parents. Nakaupo siya sa aking kanang bahagi kaya naman ay malayang nakapaglalayag ang kanyang kaliwang kamay sa ilalim ng mesa. Napaigtad ako nang itinaas niya nang bahagya ang aking damit kasama ang aking toga sa bandang tuhod. Napasinghap ako nang sinapo niya pataas ang kanyang kamay papunta sa aking hita. Napakainit ng kanyang mga kamay na naglalayag papunta sa aking gitnang dalawang hita, napalunok ako ng bahagya. Nararamdaman kong ilang segundo nalang ay baka di ko mapigilan ang aking sarili na isakbit ang aking mga kamay sa kanyang leeg at halikan siya sa harapan ng aking mga magulang na ngayo'y busy'ng busy sa kani-kanilang telepono. Simula ng may nangyari sa amin sa aking apartment ay konting dikit niya lang sa akin ay naghaharumintado na ang aking katawan. Idinikit ko ang aking dalawang hita para maibsan ang sakit ng aking puson na dahilan ng kanyang pagsapo sa aking gitna. Napangisi siya sa aking ginawa at agad niyang binawi ang kanyang kaliwang kamay na ngayo'y mamasa-masa na. Nag-init ang aking pisngi sa aking nakita. Ganyan ako karesponsive pagdating sa kanya.

Ang isa kong kaibigan namang si Nefea ay tumikhim para magpaalam na mauuna na siyang umuwi. Nag-imbita si Nefea na magdinner tomorrow sa kanilang bahay, may maliit lang daw na handaan kaya naman ay tumango agad kami ni Anthon. Si Hannah naman ay masiglang nagpaunlak.

"I will go there. Baka kasi may pinsan ka roon na pwede nating paupuin sa tabi ko para naman hindi ako maging third wheel ng dal'wang 'to."  Pahabol na sagot ni Hannah sa imbitasyon ni Nefea sabay baling sa aming dalawa ni Anthon. Lumingon lang si Nefea sa amin nang marating niya ang bukana ng restaturant at kinawayan kami. 

"I told you, Hannah. Single si Chris! Ayaw mo naman." Panunudyo ni Anthon kay Hannah. Na muling nagpabalik sa aming atensiyon.

"Nah! I need aboyfriend not a headache, Anthon!"  Pairap na sabi ni Hannah habang umiiling.  Playboy kasi si Chris na pinsan ni Anthon. Napakilala na niya sa akin noon nang dumalo kami sa kasal ng isa niyang pinsan. Kaya naman nung inirereto ni Anthon si Chris kay Hannah ay ako na ang naunang tumanggi.

"People change."  Maikling sagot ni Anthon na may bahid na ngisi.

"I think bagay talaga kayo ni Chris, Hannah." Dugtong pa niyang sabi sabay kalabit sa akin.

"Sige, pasamahin mo siya bukas." Nabigla ako sa sagot ni Hannah na ngayo'y tumayo na para magpaalam. Niyakap niya muna ako pagkatapos ay nagmano na kina Mama at Papa. Hindi ko inalis ang tingin sa papalayong Hannah na ngayo'y nasa labas na ng restaurant. Ano bang nasa isip ng babaeng 'yon at gusto niya pa talagang makasama si Chris ha! 

"Athena, anak? If you don't mind, I have to go now. Alam mo namang walang tao sa bahay." Pukaw ni Mama sa akin na niyakap agad kami ni Anthon. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ang aking Papa sa aming dalawa. May pupuntahan paraw si Papa. Sigurado sa kaibigan na naman niya iyon. Inihatid namin sa parking area sina Mama at Papa. Nang masiguro naming nakaalis na silang dalawa ay ibinaling ko ang aking tingin sa singkit na mata ni Anthon na ngayo'y puro pagnanasa ang aking nakikita. Alam ko na kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa mga tingin na iyon.

"Makuha ka sana sa isang tingin, Babe." Panunudyo niya sa akin habang iginigiya ako sa kanyang sasakyan.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon