Athena
Pabalik na kami ng apartment ko. Masaya akong nakasama ko ng ilang oras si Hannah. Nagpaalam agad ako sa kanya nang maitapat niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng aking apartment. Agad kong tinungo ang aking kwarto at isinampa ang aking pagod na katawan. Umupo lang naman kami kanina ni Hannah sa salon. Naglakad lakad ng ilang minuto sa loob ng mall at kumain. Bakit pagod na pagod ako? Kinain na siguro ako ng stress ko these past few days. Tumayo ako para makapagbihis ng paborito kong malaking t-shirts ngunit hindi pa ako nakahahakbang papunta sa aking closet ay bigla akong nahilo. Agad kong sinapo ang aking sintido at pinakiramdaman ang aking sarili. Tumayo muna ako sandali at siniguradong hindi na ako matutumba'y tinungo ko agad ang aking closet at nagbihis. Pagkatapos ay kinuha ko ang isang baso na nakalapag sa aking nightstand. Sinalinan ko ito ng tubig at tinungga iyon. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito kapag nasi-stress ako. Humiga ako sa kama at wala't wala'y nakatulog agad ako.
... kring, kring, kring.. Naalimpungatan ako sa tunog ng aking cellphone. Agad kong sinagot ang caller habang nakapikit parin ang aking mga mata.
"Good morning, Babe." Sabi agad ng baritonong boses ni Anthon. Shit! Good morning? Hapon na akong nakatulog kahapon. So, does it mean hindi pa ako nakakain ng hapunan kagabi. So, does it mean...
"Hello, Babe? Are you still there?" Pukaw ni Anthon sa aking inaantok pang diwa.
"Hmmm. Yeah. Good morning." Paos kong sabi habang nakapikit parin ang mata. Tamad akong bumangon at tinungga ang isang basong tubig na nakapatong sa aking nightstand. Bumalik ako sa aking pagkakahiga at namaluktot sa ilalim ng aking duvet.
"Are you okay? May masakit ba sa iyo?" Pag-aalalang tanong niya sa akin sa kabilang linya.
"No. I'm good. Kagigising ko lang."Antok ko pang sagot kanya at naghikab.
"Oh my sleepyhead. Wake up now. It's already 11am. Hindi ka pa nakapagbreakfast." Masaya niyang turan sa akin. Napadilat ako sa aking narinig. What?! 11 am? Pero tamad parin akong bumangon. Hindi pa naman ako nagugutom.
"Hmmm. Later, Babe." Halos paungol kong sagot sa kanya. Tinatamad talaga akong gumising ngayon kahit na hindi pa ako nakakain kagabi. Mabigat na ang talukap ng aking mga mata.
"Okay Babe. I love you." Hindi na ako sumagot dahil napatay ko na agad ito at bumalik sa pagtulog.
Nagising ako sa mga katok na nagmumula sa aking pintuan. Kinapa ko ang aking Blackberry phone sa aking nightstand para masilip kung anong oras na ba habang nakapikit parin pero wala iyon doon. Saan naman napunta ang phone ko? Naramdaman kong may tumunog sa ilalim ng aking likuran. Shit! Nadaganan ko ang aking phone. Agad kong kinuha ito at sinagot si Anthon na tumatawag.
"Babe? Are you okay? Kanina pa ako tawag ng tawag sa iyo. Saan ka?" Alalang alalang tanong ni Anthon sa kabilang linya.
"I'm here at apartment. Just woke up." Paos kong sagot habang nakahiga parin. Bigla kong naalala na may kumakatok pala kanina sa pintuan ko. Agad akong bumangon at nagsuot ng short shorts at ipinusod ang mahaba kong buhok. Nakaipit ang aking phone sa aking tenga at balikat.
"Open the door. Kanina pa ako kumakatok sa iyo." Mas lalong dinalian ko ang aking paghakbang papunta sa pintuan para pagbuksan siya. Sumalubong ang malamig na hangin sa aking mukha at tumambad sa akin ang madilim na paligid. Shit! Gabi na! Agad kong ibinulsa ang aking phone habang naramdaman ko nalang ang pagyakap sa akin ni Anthon.
"Are you okay? Did you eat your meals, Babe?" Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maalala kong kagabi pa ako hindi kumakain. Agad niyang inilayo ang kanyang sarili at mataman niya akong tinitigan.
"Damn! Woman! Don't tell me you slept whole day?" Akusa niyang tanong sa akin habang guilty akong tumango. Hindi ko alam kung bakit ang sarap lang matulog ngayon. I know that I'm sleepyhead pero magigising naman ako kapag tanghali na unlike right now ay gabi na talaga. Napasapo ako sa aking mukha nang marinig ko ang pagtunog ng aking sikmura. Napapailing nalang siya sa harap ko habang iginigiya ako sa dining table. Ngayon ko lang napansin na nakawhite t-shirts siya na hapit sa kanyang katawan. Visible ang kanyang muscles na nafi-flex habang gumagalaw siya. Naka-khaki shorts siya na hanggang tuhod ang taas at hapit sa kanyang maumbok na pang-upo at harapan. Shit! Ano ba 'tong naiisip ko. Ipinatong niya ang supot na dala at tiningnan ako na nakahalukipkip parin na nakatuon ang pansin sa kanya.
"You can stare at me while eating, woman. Come here." Pailing niyang sabi sa akin habang umupo ako sa kanyang tapat. Inirapan ko nalang siya dahil guilty naman talaga ako.
"Eat." Sabay subo sa akin ng kanin at adobo.
"I'm not a baby to feed me, Anthon. Give it to me." Akmang kukunin ko na ang kutsara sa kanyang kanang kamay ay agad niya itong nailayo sa akin at hinuli ng kanyang kaliwang kamay ang aking kanang kamay na naiwan sa ere. Ipinagsalikop niya ito sa ibabaw ng mesa.
"Don't be so stubborn, Babe. You're always be my baby kahit magkakaroon pa tayo ng L.A. Eat." Utos niya habang nakatitig parin ang kanyang mga singkit na mata sa akin habang inilalapit ang kutsarang may pagkain. Napabuka nalang ako sa aking bibig sa kanyang sinabi. Awe. My Anthon always knows how to say the right words to me. Napapikit ako sa sarap ng pagkain.
"Stop moaning and biting your lip, Babe." Napadilat ako nang maramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking kaliwang tainga. Shit! Tumindig lahat ng balahibo ko sa batok. Bakit kasi ganito nalang ang reaksiyon ko kapag magkalapit kami sa isa't isa! Hindi ko namalayan na umuungol na pala ako sa sarap ng pagkain. Napangisi siya habang inilalayo ang kanyang sarili sa akin at nagpatuloy sa pagsubo sa akin. Para akong batang pinapakain niya sa mga oras na ito. Napangiti ako nang maalala nang dumating si Anthon sa aking buhay ay parang na-i-experience ko ang mga bagay na hindi ko pa nai-experience noong bata pa ako. May namuong luha sa gilid ng aking mata pero pinigilan ko iyon. Ayokong makita niyang umiiyak ako dahil sa simpleng alaala na minsan ng pinagkait sa akin noong bata pa.
"Hey! What's wrong, Babe?" Napapikit ako ng mariin nang maramdaman kong hinawakan niya ang pisngi ko at sinasapo ito. Nakapalambing ng baritono niyang boses. Kumawala ang mainit na likido sa aking mata at agad naman niyang pinunasan iyon. Tumayo siya sa aking harapan at lumipat sa aking likuran. Niyakap niya ako nang mahigpit na parang inaalo. Stop crying, Athena! What's wrong with you?!
"Sshhh. What's wrong, Babe? Are you hurt?" Malambing parin ang kanyang boses habang nakapatong ang kanyang mukha sa aking leeg. Agad akong umiling. Wala naman talagang masakit sa akin. Hindi ko lang talaga alam kung bakit napaka-emotional ko these past few days. Hindi naman ako ganito. Hinimas ko agad ang kanyang braso na nakapulupot parin sa akin.
"I'm good. Natouch lang ako kasi napakaswerte ko na naging boyfriend kita. Since day 1 'till now, hindi parin nagbabago ang sweet gestures mo even your family. I love you so much, Babe." Iginilid ko ang aking mukha paharap sa kanya na ngayo'y nakaharap pala siya sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata at sinakop niya agad ang aking labi. Tumutulo parin ang aking mga luha habang hinahalikan niya ako. Tinugon ko ang kanyang halik. I'm so grateful. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag mawala siya sa akin. Ngumiti siya nang inilayo niya bahagya ang kanyang labi sa akin at kinuha ang kanyang inupuan kanina at pumwesto sa aking tabi. Ipinulupot agad niya ang kanyang braso sa aking baywang habang mariing nakatitig sa akin.
"I love you more, Babe. Hey, I will be the one to say that. I will be the one to tell the whole world na napakaswerte ko dahil nakilala kita. I can't afford to lose you, Babe. I'm stuck with you since day 1. Since the first day I laid my eyes on you." Namumula ang kanyang mga mata habang sinasabi niya ang mga katagang iyon sa akin. Naramdaman ko nalang dumampi ang kanyang mainit na labi sa aking noo. Napapikit nalang ako at hinayaan ang aking sarili na humilig sa kanyang matigas na dibdib. Kahit ano pang pigil ko sa aking sarili na huwag mahulog sa isang lalaki ay hindi ko na magawa. I'm stuck with him too.
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...