Athena
"Mommy! Tita Hannah bought this one for me!" Sabay taas ng robot na laruan para makita ko ang kanyang sinasabi. Napangiti agad ako at tumingin kay Hannah na ngayo'y pinanliliitan ako ng mga mata. What the heck? What did I do? Kararating ko lang galing sa first appointment ko with our client, scratch that, first encounter, first hot-meet-up with Anthon, the one and only man na nilayasan ko lang naman noon at itinago rito ang nag-iisang anak niya sa loob ng apat na taon. Call me what. And yes, nagi-guilty ako sa lahat ng aking nagawa noon at sa ginawa ko ngayon. Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba ako ngayong mga sandaling ito.
"Wow! That's so nice huh! Did you say thank you to Tita Hannah?" Binawi ko ang tingin kay Hannah at itinuon ang atensiyon ko sa aking anak na ngayo'y tumatango sa akin. Kung tatagal pa ako sa pagtitig sa kanya ay parang nakatitig na ako sa mukha ni Anthon. Mariin kong ipinikit ang aking mata. Ito ang resulta ng halik niya sa akin! Agad kong kinuha si L.A. at kinarga ito. Tinungo ko ang couch na kinauupuan ni Hannah at umupo kami roon habang nakakandong si L.A. sa akin, hawak hawak parin nito ang laruang bigay ni Hannah.
"Hindi ko sinasabing umiyak ka sa first meeting mo ng client niyo." Mahinang saad ni Hannah sa akin. Wala talaga akong kawala sa kanya. Ganoon ba talaga kamaga ang aking mga mata? Anong sasabihin ko? Ang client na tinutukoy niya ay si Anthon na ama ng aking anak? Ang client na matagal ko ng pinagtataguan? Ang client na may malaki akong kasalanan? Napapamental slap nalang ako sa sarili. Bago ako umuwi ay nagkulong muna ako sa kotse at umiyak nang umiyak. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko kanina na parang nag-uunahan pa sa pagpatak. Guilty'ng guilty ako sa aking ginawa. Wala akong pinagkaiba sa mga babaeng pumapatol sa isang lalaking may asawa na.
"No. I didn't cry. And the meeting went well." Pagsisinungaling ko sa kanya. Na agad naman niyang binili kahit na alam ko na hindi siya naniniwala.
"Okay. Let's eat out?" Pag-aalok ni Hannah na ikinatango ko naman. Tama ito, kailangan ko munang magpalamig. Agad kaming pumunta sa malapit na mall. Nagpaiwan si Mama dahil may bisita raw siyang darating. Hindi ko nalang pinilit ang huli dahil baka may importante silang pag-uusapan. Hindi parin maalis-alis sa aking isipan ang mainit na pagtatagpo naming dalawa ni Anthon kanina. Unang araw ko pa lang rito sa Pilipinas ay agad na kaming pinagtagpong dalawa! Hindi pwedeng dadalhin ko itong nararamdaman ko sa trabaho. Baka hindi ko matapos tapos dahil sa kaiiwas iwas ko. Napagdesisyunan kong kailangan i-set aside ko ang aking personal problem sa aking work. Pero paano ko gagawin iyon kung ang mismong pinoproblema ko ay ang mismong client ko?! Hay! Anthony Enriquez, you're pain in the ass!
"Are you still here? Or nasa Mars kana ngayon naglalakwatsa?" Pukaw ni Hannah sa aking diwa habang nagmamaneho. Nasa likod si L.A. mag-isang nakaupo habang tamihik lang itong nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
"Still here, Gang. I'm just...exhausted." Kibit-balikat kong sagot sa kanya. Nagpasalamat nalang ako dahil hindi na siya nag-usisa pa hanggang sa makarating kami sa mall. Dumiretso agad kami sa favorite restaurant naming dalawa noon. Walang pinagbago, ganoon parin ang restaurant. Sa loob ng apat na taon na hindi ako nakakain dito'y nakaramdam agad ako ng pagkagutom. Hawak hawak ko ang kamay ni L.
A. habang iginigiya ko siya papunta sa aming mesa. Umupo agad kami at nag-order. Same old same old, 'yung favorite food ko parin ang aking inorder, ganoon na rin si Hannah."Kailan ang balak mong kontakin si Daddy Anthon?" Nakangiti siyang nakatingin kay L.A. at ang mukha naman ng anak ko ay nakaharap sa akin na nakangisi na para bang naghihintay siya sa aking isasagot. Shit, Hannah! Gusto kong takpan ang kanyang bunganga dahil sa pagtatanong niya tungkol kay Anthon.
"Mommy? Daddy is still busy?" Hindi pa ako nakasagot ay narinig ko na ang malungkot na tanong ng aking anak. Shit! Ano bang isasagot ko sa kanya? Napapamental slap nalang ako sa aking kagagahan.
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...