Athena
Sa loob ng halos na dalawang linggo ay hindi ko nakita si Anthon sa condo unit niya. May biglang lungkot ang lumukob sa aking pagkatao. Well, ano bang ini-expect ko? Iyon naman talaga ang dapat, hindi ba? Iyon din naman ang hinihiling ko. Ang hindi siya makita pero bakit ngayon parang bumaliktad lahat ng gusto ko? Sa kabila ng aking pagkalito'y sumilay ang ngiti sa aking labi nang sinuyod ko ang kabuuan ng condo unit. Napaka-homey na nito kumpara noong unang araw akong pumasok rito na parang wala man lang kabuhay-buhay ang tumira. Napawi ang ngiti sa aking labi nang maalala kong dito na pala tumitira si Anthon noong araw na napagdesisyunan niyang bumukod na sa Mama't Papa niya. Ganoon ba ang inuuwian niyang bahay araw-araw? Bakit napakalungkot? Dito rin kaya nakatira noon ang asawa niya? Napailing ako sa aking huling naisip. Bakit ba ako nakikiusyuso sa buhay ng may buhay? Scratch that, Athena! Bigla akong napapitlag nang marinig ko ang tumutunog na doorbell. Nakakunot ang aking noo habang humahakbang palapit sa pinto. Hindi pa ako nakakapag-order ng food para sa aking lunch today. Sa loob kasi ng dalawang linggo ay dito na ako kumakain sa loob habang nagtatrabaho. Hindi ko gustong naaaksaya ang oras ko kapag nagtatrabaho ako. Gusto ko na tuloy tuloy kaya naman ay maaga ko talagang natatapos ang project ko before the target date. Napasinghap ako nang tumambad sa akin ang mala-adonis na mukha ni Anthon na nakangisi at may dala dalang supot. Biglang tumambol nang pagkalakas-lakas ang aking puso sabay sa pagtunog ng aking tiyan tanda sa mabangong adobong manok na paboritong paborito ko sa favorite restaurant namin noon! Shocks! Huwag niya lang talagang sabihin na sinadya niya talagang bilhin ang ulam na ito para sa akin? Paano niya nalaman na hindi pa ako kumakain? Napangiwi agad ako nang biglang tumunog ulit ang aking tiyan na pagkalakas-lakas!
"Papapasukin mo ba ako para makakain na tayo o hihintayin mo pa ang pangatlong reklamo ng sikmura mo?" Bigla akong umisod para makadaan siya. Shit! The familiar scent of his! Gusto ko siyang yakapin at isubsob ang aking mukha sa kanyang leeg para ubusin ang mabangong amoy niya at....
"Alam kong gutom na gutom ka na but I'm sorry to disappoint you, hindi ako adobo na pwede mong lantakan ngayon. But later on, if your stomach is already full, then you can lick and taste me unli, 24/7." Lumaki agad ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya at bahagyang nakadungaw sa akin na nakangisi. Ganito ba talaga ako ka-obvious? He's towering me like a greek god! Shit! Tama siya, Athena! Hindi siya 'yung paborito mong adobo! Utang na loob!
"You're so full of yourself, Mr. Enriquez." I involuntarily rolled my eyes. Agad ko siyang nilagpasan at dumiretso sa dining table ng unit niya. Congrats, self! Nakuha mo pang sumagot sa kabila ng iyong pagkakatunganga sa kagwapuhan niya.
"Nah! I know, that's why you can't resist me, tama? Anyway, let's eat first before I can't help myself to throw you on my bed and taste every inch of you." Halos matunaw ako sa mainit niyang hininga na dumadampi sa aking batok. Malakas na malakas ang pagtibok ng aking puso na parang lalabas na ito sa aking rib cage. Ang hudyo, lumapit pa talaga at ikinulong ako sa dalawa niyang bisig. Nakatalikod ako sa kanya habang nakadikit ang aking likod sa malapad at matigas niyang dibdib. Shit! Bakit ba ako mas lalong natu-turn-on kapag nagdi-dirty talk siya sa akin?
"Let go of me, Mr.---" Agad naputol ang aking pagsasalita nang maramandaman kong dumampi ang mainit at malambot niyang labi sa aking kanang leeg. Agad akong napakagat sa ibaba kong labi at wala sa sarili'y ibinaling ko ang aking ulo sa left side to give him a better access.
"I missed you, Athena..." Pabulong niyang sambit na halos ungol na sa aking pandinig. Para akong nawawala sa matinong pag-iisip dala ng nakaliliyong sensasyon. Agad kong ikinawit ang aking kanang kamay sa kanyang ulo at sumabunot sa kanyang makapal at malambot na buhok. Mas idinikit ko pang lalo ang aking pang-upo sa kanyang harapan na ngayo'y ramdam na ramdam ko ang kanyang pagkalalaki na matigas pa sa bato.
"Fuck! Stop grinding, Babe." He hissed and cursed na parang nagpipigil siya sa kanyang sarili. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagsabunot sa kanyang malambot na buhok. Oh! How I missed his touch and kiss!
"I hate to break this, Babe but we need to eat first." Pabulong niya paring sabi sa akin sa gitna ng kanyang pagdampi ng nakaliliyong mga halik sa aking leeg. Agad akong natauhan at agad na ibinaba ang sarili kong kamay na sumasabunot sa kanyang buhok. Alam kong pinamulahan ako tanda sa pagkapahiya. Ganito ba talaga ako kasabik sa kanya? Shit! Athena!
"You're so beautiful when you're blushing. And I like that." Agad niyang dinampian ng halik ang aking nakaawang ng mga labi at tumalikod para kumuha ng pinggan at kubyertos namin. Nakatayo parin ako nang maramdaman ko ang presensya niya. Inilapag niya ang mga ito at hinila ang isang upuan para paupuin ako. Naalala ko tuloy ang Anthon na super gentleman at caring noon. Napanguso nalang ako sa kanya ng 'thank you' at umupo na. Ilang sandali pa'y nakahain na ang lahat ng pagkain na kanina lang ay nasa supot pa ang mga ito. Hindi ko na namalayan na siya na pala ang naghain. Naramdaman ko nalang ang pagtabi niya sa akin at doon na nga umupo. Shit! Paano ako makakakain nito nang maayos?
"How can I eat properly if I'm distracted with this sexual tension in this room?" Gusto kong tampalin ang bunganga ko matapos kong marinig ang malakas niyang tawa sa aking sinabi. Shit, Athena!
"Hmmm. You have to adjust, I'll sit here beside you whether you like it or not. And I know, you want me as much as I want you, Babe. But for the love of gods and goddesses, let's eat first. I don't want to get inside you while you're stomach is growling horribly. Now.Eat." Inilapit niya ang platong sinalinan niya ng kanin at ulam sa aking harapan. Akmang kukunin ko na ang kutsara't tinidor ay agad niya itong kinuha at sumandok ng kanin sa aking plato at inilapit niya ito sa aking bunganga.
"I can eat on my own, Anthony Enriquez." Akmang babawiin ko na ang kutsarang nakatapat sa aking bunganga ay agad niya akong pinaningkitan ng mga mata. What the heck? Naalala ko tuloy noon na kapag ginagawa niya iyon ay nagpapahiwatig lang na hindi siya tatanggap ng pagtanggi. Walang wala nama'y ibinuka ko ang aking bunganga at isinubo niya ang kutsarang may kanin at adobo. Shit! How I love this food! Narealize ko tuloy na sobra kong namiss ang adobo rito sa Pilipinas.
"Stop moaning, Babe. You're making me harder this time." Agad na napadilat ako at nahinto sa pagnguya ng pagkain nang marinig ko ang pabulong niyang sabi.
"Akin na nga iyan. Kumain kana. Kaya kong subuan ang sarili ko." Binawi ko agad ang kutsara na hawak hawak niya at sumandok ng kanin at ulam sa aking pinggan. Akmang isusubo ko na ito sa aking bunganga ay agad niya itong isinubo sa kanya. Napanganga ako sa kanyang ginawa.
"Hmmm. How I love your taste, Babe."Alam ko kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Hindi ko nalang siya pinansin at sumubo narin ako. Ganoon ang estado namin hanggang naubos namin lahat ng pagkaing inihain niya kanina. Isang plato lang ang kinainan namin at isang kutsara't tinidor. Kung boyfriend-girlfriend sana ang estado namin ngayon ay for sure, kanina pa ako kilig na kilig pero unfortunately ay hindi, mas lalo akong inusig ng konsensiya ko nang maalala kong may asawa na siya at worse ay may anak pa.
"Hey? Are you okay?" Malambing niyang tanong habang iniaabot ang isang basong orange juice sa akin. Kinuha ko agad iyon at agad na tinungga. Pagkaubos nun ay agad kong inilapag ang baso sa dining table, sinalinan ito ng malamig na tubig, ininom at tumayo. Akmang hahakbang na ako para linisin ang pinagkainan naming dalawa ay nahawakan na niya ang braso ko.
"Ako na, Babe. Hintayin mo ako sa living room." Agad akong lumingon sa kanya at napabuntong hininga. Hindi ito ang oras para makipagbangayan kung sino ang maglilinis ng pinagkainan, Athena! Asik ko sa sarili at hahakbang na sana ako papuntang living room ay agad naman niya akong napigilan. Napasinghap ako nang hapitin niya ako sa baywang at inilapit sa kanyang katawan. Sinakop niya agad ang aking labi at maingat na hinalikan. Napahawak ako sa kanyang makisig na braso at tinugon ang kanyang halik. Pareho kaming habol ang hininga nang tinapos niya ang halik at tumingin ng diretso sa akin. Napalunok ako nang makita ko ang napakaseryosong singkit na mga mata ni Anthon.
"We need to talk...about us, Athena." Shit! Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maalala kong may unfinished business pa pala ako sa kanya. Napatango ako habang naghaharumintado ang puso ko sa kaba. Halo halo ang emosiyon ko sa mga sandaling ito. Ngayon na ba ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya na siya ang ama ng anak ko? Matatanggap niya kaya si L.A.?
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomansaA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...