Chapter 13

22 0 0
                                        

Athena

Dalawang linggo na rin ang lumipas matapos ang Graduation Day ko. Naghihintay nalang ako sa mga kompanyang tatawag sa akin. Pagkatapos ng pagkatapos kong gumradweyt ay hindi ko na hinintay ang dalawang araw, nag-apply agad ako sa iilang firm dito sa lungsod. Mamaya ko na poproblemahin ang aking board exam. Sa ngayon ay importanteng makahanap agad ako ng trabaho. Si Nefea ay lumipad na sa ibang bansa. Doon muna raw siya makipagsapalaran. Nalungkot kami ni Hannah sa bigla niyang balita. Ang gaga, ngayong araw kami sinabihan, bukas na ang lipad?! Kaya naiwan kami ni Hannah na hindi parin makapaniwala. Pero masaya kami sa kanyang desisyon at hindi kami mag-aalala sa kanya dahil wais at madiskarte siya pagdating sa buhay. Araw-araw naman siyang tumatawag. Nasa Thailand siya ngayon. Pinapasunod niya kami ngunit 'di ako makakasunod dahil kay Anthon. Sina Mama at Papa ay okay lang sa kanila na mag-abroad ako, ngunit pagdating kay Anthon ay ayaw niya. May trabaho naman daw siya, bakit pa raw ako lalayo? Para sa akin, okay lang iyon. Pangarap ko rin ang makarating sa ibang bansa. Learn something new. Pero dahil ayaw ko ring mahiwalay sa kanya at sa pamilya ko ay hindi nalang ako nagpatangay sa imbitasyon ni Nefea.

Nasa labas ako ng apartment na nakaupo doon at nagbabasa ng bagong aklat ni Layla Hagen. Hinihintay ko si Anthon para sunduin ako dahil may maliit na salo-salo sa kanila. Birthday ng kanyang pamangkin na babae ngayon. Close sa akin si Mika at Miko, my 'bubble buddies'. Kapag nasa bahay ako nina Anthon ay wala na kaming ibang ginawa kundi ang makipagkulitan at makipagkilitian sa mga bata. Tinutukso na nga kami ni Ate Sweet na dapat gagawa na raw kami ng sarili naming Mika at Miko para hindi na raw kami mahirapang magpunta sa bahay nila. Everytime na sinasabi nila iyon ay pinamumulahan ako ng mukha. Hindi nila alam na may nangyayari na sa amin ni Anthon. Pero kung si Anthon pa ang pasasalitain ay gustong gusto na niyang magkapamilya, ako lang ang hindi pa ready. Natatakot akong magsettle down na, katulad ngayon na wala pa akong trabaho. Ayaw ko namang iasa ang lahat sa kanya, nakakahiya naman sa pamilya niya. Sumandal ako sa sa sandalan ng upuan at dahan dahang iniunat ang aking mga binti. Ganoon ang posisyon ko nang matanaw sa kabilang lane ang sasakyang kapaparada palang ni Anthon. Napangiti ako habang iniimagine siyang umuuwi sa amin galing trabaho at salubungin kami ni L.A. sa malalaki niyang bisig at mainit na halik.

Napakunot-noo ako nang hindi pa siya bumababa sa kanyang sasakyan. Nang umakto na akong tatayo para puntahan siya ay yaon naman ang kanyang pagbaba habang inilalagay niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok at mukha. Nagtatagpo ang kanyang makakapal na kilay na parang galit na galit. Dahan dahang umaliwalas ang kanyang mukha nang papalapit siya akin. Ah, siguro may kaunting problema lang sa kanyang trabaho. Oh! I love this man. Napahalukipkip nalang ako sabay kagat sa aking ibabang labi. Hindi ko maiwasang pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ganoon parin siya, matangkad, malaki ang katawan na parang nagji-gym everyday pero sa totoo lang tamad siyang pumuntya ng gym. Mas gugustuhin niya pang mag-ehersisyo sa kama na kasama ka kesa sa pumunta ng gym. Napangiti ako ng bumaba ang aking tingin sa kanyang nakaumbok na harapan. Napailing nalang ako sabay balik sa kanyang mukha na ngayo'y nagtatagpo ang mga kilay na parang nagtatanong kung ano ang dahilan ng aking mga iling at pagngiti.

"What's that?" Malambing niyang tanong sa akin habang inaabot niya ang aking braso at hinihila palapit sa kanya.

"Hmmm? Uhm. Nothing." Pabulong kong sagot habang hinihila niya ako palapit sakanya. Nang mailapit niya ako sa kanya ay hindi na niya hinintay ang aking sagot, sinakop niya na agad ang aking labi.

"Mm-hmmm, sure?" Paungol niyang tanong habang sinisiil ako ng halik.

"Yes, Anthony Enriquez. At 1001 percent sure na kung hindi ka titigil sa paghalik ay may Mika na magdadabog sa atin mamaya dahil ang Tito at Tita niya ay na-late sa kanyang birthday kakamake-out!" Inirapan ko pa siya habang inilalayo ang aking mukha sa kanyang mga labi. Tumatawa naman siya habang nakayakap parin ang kanyang mga kamay sa aking baywang. Kalauna'y tumigil din siya at tumingin sa akin. Napakunot ang aking noo nang may masilip akong kakaiba sa kanyang mga singkit na mata. Parang may pagkabahala roon. Pero ipinagkibit-balikat ko nalang iyon ng dinampian niya ako ng mabilis na halik. Mabilis kong tinungo ang loob ng apartment nang pinakawalan ako ni Anthon sa kanyang mga bisig. Inilapag ko ang aklat sa maliit na parihabang mesa at kinuha ang aking purse at ang biniling gift para kay Mika sabay sirado sa pinto ng aking apartment. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking likod habang iginigiya ako patungo sa kabilang kalsada na doo'y nakaparada ang kanyang sasakyan. Nakasuot lang ako ng isang v-neck white tshirts at denim skirt na abot hanggang tuhod. Pinaresan ko ng white shoes. Mahilig ako sa white and black. Kaya naman ay marami akong gamit na kakulay sa dalawang nabanggit. Ipinagbukas niya ako ng pinto na madalas niyang ginagawa since day 1 hanggang ngayon. Napapangiti nalang ako sa kanyang little gestures na hanggang ngayon ay hindi parin niya makaligtaang gawin. Naramdaman ko ang pagsampa niya sa driver seat at ikinabit niya muna ang aking seatbelt na tinititigan pa ako sabay dampi ng halik sa aking mga labi. Nakalimutan kong isuot dahil naaliw akong alalahanin ang mga nakasanayan with him. Isinunod niyang ikinabit ang kanyang seatbelt at bumaling sa akin sabay hawak sa aking kaliwang kamay. Pinaandar ang sasakyan at umibis na kami papunta sa kanilang bahay na magkahiyang ang mga kamay. Apat na taon na rin kaming magkasama. Napahiling nalang ako sa itaas na sana, siya na talaga.

"Tita Thenaaaaaa!" pasigaw ni Mika sa aking pangalan habang tumatakbo palapit sa amin ni Anthon na nakabukas pa ang kanyang mga kamay na ready'ng ready sa pagyakap. Pagkalabas namin ng sasakyan kanina ay dumiretso kami sa isang mesa sa labas ng bahay na nandoon ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Anthon. Masaya silang nagbibiruan. Hinanap agad ng aking mga mata si Mika ngunit hindi ko siya mahagilap. Siguro ay nakikipaglaro sa ibang mga bata doon. Nagmano agad kami sa mga nakatatanda, nakipagbesuhan sa kanyang mga kapatid at mga pinsan at maging sa Mama at Papa niya na sinalubong kami nang marinig nila ang aming pagdating. Naagaw ang pansin ko sa maliliit na bisig na mahigpit ng nakayakap sa aking baywang na parang hindi ako papakawalan. Nag-excuse agad ako kina Anthon na ngayo'y masayang nag-uusap. Agad kong hinarap si Mika. Nakayakap parin siya sa akin habang nakatingala sa aking mukha. Napakaganda niyang batang babae. Napakaputi rin niya. Maikli ang kanyang buhok na hanggang balikat ang taas at may bangs siya na tumatabing sa kanyang makinis na noo. Mabilog ang mga mata na minana niya sa kanyang ama, may manipis na labi na palaging nakangiti, lumalabas tuloy ang kanyang titib na mga ngipin dahilan sa palaging pagkain ng chocolate at candy. May isang malalim na biloy sa kanang bahagi ng kanyang pisngi. Napangiti ako sa kanya habang hinihimas ko ang kanyang buhok. Sandali akong natigilan nang maramdaman kong may malagkit at malamig na tubig ang dumantay sa aking likod. Naku! Hindi ko nakita na may bitbit pala siyang ice cream cone kanina habang tumatakbo palapit sa amin. Ibinaba ko ang aking katawan para magpantay ang aming taas. Hinalikan ko siya sa kanyang noo sabay bati ng happy birthday at ibigay sa kanya ang munti kong regalo. Paborito niyang panuorin ang Disney movie na Frozen kaya naman ay ibinili ko siya ng Elsa doll. Agad niyang tinanggap ang kanyang gift at nagthank you sa akin. Mas lumaki ang kanyang ngiti ng itinaas ko bahagya ang kanyang kamay at agad hinalikan ang kanyang kili-kili. Napatili siya habang umaatras sa akin, yakap yakap niya ang kanyang gift, hinanap ko sa kanyang maliit na kamay kung may ice cream cone pa siyang hawak. Wala na iyon, natapon na ata niya ito sa tabi.

"I miss you, Bubble Buddy!" patakbo kong habol sa kanya habang siya ay tumatakbo rin, ang kanyang dalawang kamay ay nakahawak sa regalo na ngayo'y nakataas pa sa ere habang tumatawa ng malakas. Tumatakbo siya palapit sa kanyang Mommy na karga-karga si Miko na dalawang taong gulang pa. Nasa sala ang mga ito habang nakatingin sa aming dalawang naghahabulan. Umiiling na ngumingiti si Ate Sweet habang ang dalawang kamay ni Miko ay nakaabot na sa akin na parang magpapakuha. Puro pamilya lang nila Anthon ang nandito. Nasa loob na ako ng bahay habang sinusundan ng tingin si Mika na ngayo'y nagtatago sa likod ng kanyang Mama.

"Hello, Ate Sweet. Hey, my little bubble buddy!" Bati ko kay Ate Sweet nang makalapit ako sa kinatatayuan niya sabay abot kay Miko na ngayo'y nakakapit at hinahatak na ng maliit niyang kamay ang aking puting damit.

"They really miss you, Theen! Tingnan mo 'to kanina pa nagkukumahog na magpakarga sa iyo." Ngumingising sabi ni Ate Sweet habang inililipat niya ang anak sa aking braso. Agad kong hinalikan ang noo at leeg ni Miko na dahilan para humagikhik ng malakas ang bata.

"I miss you too, little bubble buddy! Sorry, Ate Sweet if hindi agad ako nakabisita, nabusy kasi ako sa application ko." Turan ko sa kanya habang ang atensiyon ko ay nasa leeg parin ni Miko, hinahalikan habang nakikiliti ang huli.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon