Athena
Nagising ako sa malabong ingay na nanggagaling sa banyo. Hindi ko masyadong maulinigan ang sinasabi nito dahil parang nagpupuyos ito sa galit habang nakikipag-usap sa telepono. Kinapa ko ang aking bandang itaas ng aking ulo, malambot na unan ang nahawakan ko. Wala na si Anthon doon. Saan kaya siya? Napapitlag ako nang marinig ko ang pagsuntok sa pader sa loob ng banyo. Anthon? Umupo ako at tumingin sa pintuan ng banyo na ngayo'y iniluwa si Anthon na may bahid ang galit sa kanyang mukha. Bumaba ang aking tingin sa kanyang nakakuyom na kamao. May kaaway siya? Ngayon lang siya ganito. He can work under pressure. Kahit pa sabihin nating napakarami niyang ginagawa sa opisina ay hindi niya ako makaligtaang kumustahin, palagi siyang may oras sa akin. He's good in time managing. Bahagya siyang natigilan sa paghakbang nang makita niya akong nakaupo. Para siyang takot lumapit.
"Kanina ka pa gising, Babe?" Banaag ang takot sa kanyang boses. Ano bang nangyayari sa kanya? May kaaway ba siya sa trabaho?
"No. Ngayon lang. What's wrong, Babe?" Tumayo ako, lumapit ako sa kanya. Sinapo ko ang kanyang mukha. Napapikit siya nang mariin at muling dumilat, tumingin sa akin at ngumiti. Nawala na 'yong galit sa kanyang mata.
"May kaunting problema sa trabaho. Mag-o-overtime ako sa office mamaya. Tara hatid na kita." Maikling paliwanag niya sa akin habang ibinabaling ang kanyang tingin sa mga pamangkin niya na ngayo'y mahimbing parin ang tulog. Nagtaka ako saglit. Overtime. Hindi niya ugaling mag-overtime. Pero nagkibit-balikat nalang ako dahil baka nga kailangan siya roon. Inaasikaso pa naman niya ang pag-alis. Sinabi niya sa akin noong nakaraang linggo na inaasikaso na niya ang kanyang resignation sa kompanya at magsimula ng magpatayo ng sarili niyang kompanya. Alam kong magiging successful siya dahil matalino siya. Malaki narin ang naipon niya para sa planong pag-uumpisa. Napatingin ako sa kanya, nakaupo na siya sa tabi ni Miko habang sinasapo ang noo ng huli. Napakagwapo niya kahit saang anggulo pa tingnan.
"You're enjoying the view huh?" Pukaw niya sa aking diwa habang nakangisi sa aking direksiyon. Nawala na ng tuluyan ang kaninang galit at takot sa kanyang mata. Oh. How I love this man since the day we've met.
"Nah! Suit yourself, Mr. Enriquez!" I rolled my eyes na parang naiirita sa kanyang komento habang umupo ako sa kanyang hita. Napatawa nalang siya sa aking ginawa. Mariin niya akong niyakap at dinampian ng maliliit na halik sa leeg. Ano pa ba ang mahihiling ko? Tanong ko sa aking isip habang ninanamnam ang init ng kanyang mga labi na dumadantay sa aking leeg.
"Let's go. Ihahatid na kita tapos didiretso ako sa office." Iginiya niya ako palabas ng kwarto. Nandoon parin ang ibang pamilya nila. Hinanap ng aking mga mata si Ate Sweet na ngayo'y papalapit sa amin na may ngisi sa labi.
"Theen, nakalimutan ko ang fruit salad. 'Lika. Kain tayo." Alok ni Ate Sweet sa akin na hinila na ako papuntang kusina nila. Lumingon ako nang bahagya sa direksiyon ni Anthon na ngayo'y nakikipag-usap sa kanyang Mama at Papa. Umupo ako sa isang upuan doon habang pinagmamasdan si Ate Sweet na kinukuha ang isang tupperware sa fridge na may fruit salad. Agad niyang iniabot sa akin ang isang baso at umupo narin sa aking harapan.
"Sina Mika at Miko ay tulog parin." Baling ko sa kanya habang sinasalinan niya ng fruit salad ang aking baso.
"Thank you so much, Theen." Sinserong pagpapasalamat niya na mariin pa niyang pinisil ang aking kamay na nakapatong sa mesa.
"Hmmm. Para saan naman, Ate?" Painosente kong tanong sa kanya kahit alam ko na tungkol kina Mika at Miko.
"For accepting my brother. For loving him kahit na alam mo naman ang nakaraan niya. We really appreciate you, Theen. Masaya kami na nagbago na siya ng tuluyan because of you. Akala nga namin ay hindi na magbabago." Bigla akong napatanga sa kanyang sinabi. Oo nga naman, maraming babae si Anthon noon. Playboy nga. Napangiti nalang ako sa ideya na ako pala ang dahilan ng pagbabago niya? Kinilig ako nang bahagya pero pinigil ko ang aking sarili. Baka mahalata ni Ate Sweet. Binigyan ko ng knowing smile si Ate Sweet at nagpatuloy sa pagkain.
"Tapos na kayo, Ate? Kukunin ko na ang mahal ko." Biglang sulpot ni Anthon sa aking likuran na dinampian ako ng halik sa tuktok ng aking ulo. Everytime na sinasabi niya ang mga katagang iyon para akong malulusaw sa kilig.
"Yes. Iyong-iyo na siya, Kuya." Patawang sagot ni Ate Sweet. Tumayo na ako sa upuan at nagpaalam. Agad namang tinungo ni Ate Sweet ang kwarto kung saan natutulog ang kanyang dalawang anak.
"Theen, dalhin mo 'tong pagkain." Sabi ni Ate Mich sa akin sabay abot ng tatlong tupperware. Napakamaasikaso talaga ng pamilya nila. Inabot iyon ni Anthon at nagpaalam na ako sa mga tao roon na masayang nagkakantahan. Pagkalabas ng pagkalabas namin ay bumungad sa amin ang Papa at Mama niya.
"Uuwi kana, Theen?" Tanong agad ng Mama ni Anthon.
"Opo, Tita." Ngiti kong sagot at yumakap sa kanya.
"Dito muna patulugin iyan, Kuya. Wala rin naman iyang kasama sa apartment niya." Sabi ng Papa na bumaling pa kay Anthon.
"Naku. Okay lang po. Sa susunod nalang po." Dali kong sabat sa usapan nilang mag-ama. Everytime kasi na ihahatid ako ni Anthon ay hindi na ako pauuwiin ng Papa at Mama niya. At mauuwi na nga sa pagsi-stay ko roon sa kanila na aabot sa dalawang araw o tatlo. Wala namang problema kay Mama pero ako na ang umiiwas baka kasi anong isipin ng mga kapitbahay nila. Ako pa naman 'yung babae, ako pa ang matapang na susulong sa kanila. Napag-usapan narin namin ni Anthon ito na naging dahilan ng maikli naming pag-aaway. Ano nga raw ba ang pakialam ng ibang tao sa amin. Hindi naman daw kami nangdidisturbo sa iba. Buntong-hininga nalang ang isinagot ko sa kanya ng mga oras na iyon. Tama nga naman siya. Hindi nga lang pwede ngayon dahil abala ako sa kahihintay ng aking application. Gusto ko ring mapag-isa muna sa aking apartment habang naghihintay.
"Pa, sa susunod 'pag hindi na busy itong si Athena." Sabi pa ni Anthon na alam na alam niyang kailangan ko siya sa mga oras na ito. Tumango nalang ang kanyang ama at nagpaalam na kami ng tuluyan sa kanila. Inihatid ako ni Anthon sa apartment at hindi na siya pumasok pa ng bahay. Hinintay niya nalang akong makapasok sa loob at pinaharurot agad ang sasakyan patungo sa kanyang office.
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...