Revi's POV:
I realized something after what happened to Yñigo and me. It's the fact that the more you give yourself to a person the less they will value you. The more you comply, the less they will show interest in you.
So I decided to just screw it and don't give a single care about it. I'm done playing nice. Being nice did get me to nowhere.
Sinabi ko na kayla Hera na hindi ako makakasama. Dahil after ng ginawa ko kay kuya nung siguradong galit sila sakin ngayon. So I just spent the following days staying inside my room and do random stuff. Dinadalhan lang ako ng pagkain ng kasambahay namin sa kwarto ko at yun lang. No one even tried to talk to me, I guess they're all too busy to care. And so do I.
Kaso that same day kung kailan ang alis nila Hera nang Baguio ay may lapastangan na sumira ng tulog ko. Tumingin ako sa orasan na nakapatong sa bedside table ko. 6 am palang, sinong bwisit ang manggigising ng ganitong oras?!
Hinanda ko na ang sasabihin ko sa lapastangan na gumising sakin at marahas na binuksan ang pinto nang makita ko si Kuya Rob na nakatayo dun.
Nakabihis na siya at mukhang paalis na.
"Bakit?" I tried to sound as casual as I can.
"You're friends are waiting for you downstairs." Napakunot ang noo ko. Friends? Sinong friends ang pupunta dito? "And that Yñigo guy."
Gusto ko pa sanang itanong kung bakit nandun sila nang maalala kong hindi nga pala kami close.
"Okay." Iniwan kong nakabukas ang pinto ng kwarto ko. Kumuha ako ng robe at isinuot yun. Inayos ko ang buhok ko at bumaba. Kasabay kong bumaba si Kuya at hindi siya nagsasalita.
Naabutan ko si Hera at Erin na nasa sala kausap si Papa at Mama.
"Ayan na pala siya e," nakangiting nakatingin sakin si Mama. Which is kind of weird because I expected them to be angry or something because of what I did. "Revi, bakit hindi ka pa nakabihis?"
"Bakit naman ako magbibihis ng ganito kaaga, Ma? Wala naman akong lakad." Sagot ko sakanya, hindi ko pa tinatapunan ng pansin yung dalawa. Tuloy pa rin siguro sila sa Baguio dahil balot na balot ang mga suot nila. Dinaig pa yung mga taga La Presa.
"Anong wala? Ayan nga at sinusundo ka na ng mga kaibigan mo. Bakit ngayon lang sila nakadalaw dito?" Tanong ni Mama.
"Anong ginagawa niyo dito?" Sabi ko dun sa dalawa nang harapin ko sila.
"Sinusundo ka." Sagot ni Hera.
"At pinagpapaalam." Erin smiled. Psh. These two ...
"Hindi naman ako nagpaalam kaya --"
"You're going." Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Kuya Rob mula sa likod. Nilingon ko siya. "You're going with them."
Gusto ko naman talagang sumama sakanila, ayoko lang magpaalam sakanila dahil ibig sabihin nun kailangan kong humingi ng pabor at iniiwasan ko nga yun hangga't maaari. Pero ngayong pinapayagan nila ako at sila pa ang nagtutulak sakin I just felt the need to decline the offer. Para mang-inis. Maiba lang.
"Ayoko, besides hindi pumayag si Papa." Tiningan ko si Papa, hoping na makuha niya ang tingin ko na gusto sumang-ayon siya sakin.
"You heard your Mom and brother, you can go with them."
"Sige na Revs ang arte mo naman! Minsan lang naman 'to! Sumama ka na samin." Sabi ni Hera sakin at tinaasan ko lang siya ng kilay.
Hindi muna ako sumagot at nag-isip lang. Sasama ba ko o hindi? Alam ko hindi naman kasama si Yñigo ... sumama na lang kaya ako? Dalawang araw na rin naman akong nagkukulong sa apat na sulok ng kwarto ko.
