Chapter 36

302 10 2
                                    

Chapter 36:

Revi's POV:

Kumatok ako sa room ni ate. Medyo late na kasi nung magising ako at nalaman ko nalang sa organizer na inaayusan na sila. Pagkatapos kong mag-brunch at maligo, dumiretso na ako dito.

Someone opened the door. A guy, with a pink hair and very long eyelashes. Okay, hindi siya guy ... He's a very very gorgeous gay. Nakangiti siya sakin at pinapasok ako sa loob.

"Ma'am, ito ba yung sisteret mo?"

Napatingin ako sa loob ng room. Nakita ko si ate Reah na nakatapat sa harap ng salamin at tinitingnan ako mula dun. Hindi ko agad naialis ang tingin ko sakanya nang makita ko siya.

"Yes, Beauty. Si Revi yan, bunso namin."

"In fairness sa lahi niyo Ma'am, walang tapon! Lahat may feslak!" Binuksan pa ni Beauty ang pinto at pinapasok ako sa loob.

Ngumiti na lang ako sakanya at tiningnan si ate mula sa salamin.

"You look ...." I struggled to find the right word to say. Ganito pala kapag ikakasal? Totoo pala yung sinasabi nila na iba ang glow ng isang bride sa wedding day niya. Kahit na mukhang anxious si ate Reah at kulang sa tulog ay iba pa rin yung glow niya. Parang nakakahawa yung aura na lumalabas sakanya. Finally, after six years ... she'll be with the guy that she truly loves. "You look exceptional ate."

"Wow?" Napangiti si ate sakin pero nag-aalangan. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Ma, pakihipo mo nga ang noo netong si Revi, may sakit ata!"

Narinig ko ang pagtawa ni Mama. Nakaupo siya sa kama sa loob habang inaayusan ng buhok. Ako na lang pala talaga ang wala dito ...

"Arte mo, ngayon lang 'to kasi wedding day mo!" Inirapan ko si ate Reah at pumasok sa loob. "Paganda ka ng paganda mamaya di ka naman siputin!"

"Revi!" Sigaw niya, tatayo sana siya para lapitan ako pero pinigilan siya ng make-up artist niya. I smirked. Buti nga! "Ma oh!"

"Ikakasal na sumbungera pa kay Mama?" Natatawa kong sabi sakanya.

Iniinis ko lang talaga siya para medyo mawala ang kaba niya. Bakit ko alam? Kasi magkatext pa kami hanggang madaling araw. Kaya nga late na ako nagising kasi hindi siya makatulog at ako ang naisip niyang idamay ...

"Revi, tigilan mo na nga yang ate mo. Atsaka wag kang magsalita ng ganyan mamaya magkatotoo yang sinasabi mo ..."

"Mama naman e!" Kontra agad ni ate na parang maiiyak na. Napairap na lang ako.

"Asa pa. Parang di mo naman alam Ma, kung gaano kapatay na patay si Kuya Tyron kay ate!" Tinakip ko sa gilid ng bibig ko yung isang kamay ko na para bang bumubulong sa kawalan. "Akala mo naman pretty!"

"Ang epal mo Revi! Magpaayos ka na nga lang ang dami mo pang sinasabi diyan e!"

Tinawan ko na lang siya. Ang sarap kaya niyang asarin. Masyadong kabado. Tuloy na tuloy na sila ni Kuya Tyron, kapag may pumigil pa sakanila o umepal, ako ang unang-unang makakalaban nun. Yes, paminsan-minsan pwede ko rin naman gamitin ang pagiging maldita ko for my family.

"Basta dala ko na yung tissue, kapag di dumating si Kuya Ty ..."

"Revi!" Sigaw ni ate at tumawa ako ng malakas. Oh, this will be fun ...

Hera's POV:

"Babe may joke ako!"

Hindi ako sumagot kay Edison at nagpatuloy lang sa ginagawa ko. For sure, corny na naman ang sasabihin niya! Kanina pa kami magkasama dito sa bahay at walang magawa. Wala si Percy at wala rin si Papa. Si Mama lang ang nasa bahay pero may bisita rin siya. Nasa garden sila at ako naman naandito sa living room kasama itong mais na ito!

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon