Chapter 7

448 14 0
                                    

Revi's POV:

Nasa cafeteria kami ngayon at wala ni isa kay Erin at Hera ang nakapagsalita dahil sa sinabi ko.

"Pahingi ngang blade, maglalaslas ako!" Sigaw ko sakanila at para silang natauhan dun.

"Luh, OA teh?! Para pinagsama lang kayo ni Yñigo, laslas agad?!" Hera retorted sarcastically.

Pinanlakihan ko siya ng mata at tiningnan siya na parang siya na ang pinakatangang nakaisip na pwede kaming magsama ni Yñigo.

"Okay ka lang?! Kami? Magsasama? Gusto mo bang bumalik ako dito na may kulang nang isang organ sa katawan? Alam mo namang satanista yun!" Like duh! Tanga nalang siguro ang sasama kay Yñigo pag nagkataon.

"Ano naman? Kulto ka naman ah?" Seryosong sagot sakin ni Hera at pinanlisikan ko siya ng mata.

"Sambunutan kaya kita?!"

"Bakit daw kayo pa ang isasali sa contest Ate -- I mean, Revi?" Tanong ni Erin sakin.

"Ewan ko ba diyan kay tita Eloisa, minsan hindi nag-iisip ng tama." Pinagdiskitahan ko na lang yung baked mac ko. Hindi ako makakain ng maayos, iniisip ko pa lang na makakasama ko si Yñigo kinikilabutan na ko.

Kaya kami pinatawag kanina ni tita Eloisa ay para sabihin samin na gusto niyang kami ang magrepresent ni Yñigo sa dance competition somewhere. Hindi ko sure kung saan dahil narinig ko pa lang na kami ni Yñigo ang magkasama, umakyat na ang dugo sa ulo ko.

"Pfft," napatingin ako kay Hera na nagpipigil ng tawa. "Nakakatawa! Iniisip ko pa lang na magpapartner kayo natatawa na ko! Hahahaha!"

Binato ko nga siya ng crumpled tissue. Nakakairita e! Napaka talaga ng isang 'to.

"Heee! Manahamik ka nga! Pero eto, seryoso ... the whole time na kausap kami ni tita kanina, hindi man lang umangal si Yñigo. Sobrang tahimik nga niya e."

"Weh?!" Gulat na gulat si Hera. Tumango lang ako. "Ibig sabihin payag siya?"

Nagkibit balikat lang ako.

"Wala naman siyang sinabi na ayaw niya." Sumubo ako ng pagkain ko. "Wala din siyang sinabi na gusto niya."

"Hindi kaya may pinaplano siya?" Napatingin kami ni Hera kay Erin na medyo nakanguso pa. Pfft, alam ba nitong babaeng 'to na ang cute niya? Para siyang bata. "Alam mo na, kapag mga kagaya nila ang tahimik hindi magada e."

"May point ka," sabi ko sakanya. "If that's the case, I'll have to proceed with my plan."

"Plan? Anong plan?" Tanong ni Erin. Aish, wala nga pala siya kanina.

Pinalapit ko siya sakin gamit ang hintuturo ko. Lumapit naman siya sakin at tumagilid para maibulong ko ang plano ko. Pagtapos nun ay lumayo ako at ngumiti. Inirapan lang ako ni Hera.

"So, maaasahan ko ba kayo dito?" Tiningnan ko silang dalawa.

"Game!" Pumalakpak pa na sabi ni Erin.

"Ugh, whatever!" Sabi ni Hera. Tsh, alam ko namang di niya ko matitiis.

*insert evil laugh here*

Yñigo's POV:

"Bilis! Keep up! Keep up!" Dumadagundong ang boses ni coach sa loob ng gym.

Wala ni isa saming nagsasalita at sumusunod lang kami sa mga utos ni coach. Malapit na ang game namin, kailangan maging maayos ang laro namin kung gusto naming maprotektahan yung title.

Hinati kami ni coach sa anim. Ako, si Edison, Percy, Rafael, Dan at Jude ang magkakakampi tapos sa kabila naman sila Lemmuel, Bryan, Chris, Mico, Allen at Seddie. Hawak ko ang bola at bantay ko si Chris.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon