Chapter 31

256 9 0
                                    

Chapter 31:

Revi's POV:

I sat on the bench outside the church completely taking in the sun's heat. It was nice and warm since it's only eight in the morning.

Nandito kami sa church kasi pinapractice namin ang entourage ni ate Reah at kuya Ty para sa wedding nila. They still have a month and a half to finish the preparation of their wedding before the actual day of it. And as much as I would like to spend my weekend waking up late and watching random movies, andito ako ngayon sa church at ginagawa ang part ko bilang isang loving and considerate sister.

No one can blame me for my foul mood anyway, since they woke me up early. Hindi ko na nga din pinansin yung bati sakin nila kuya KIT at kuya Ken nung dumaan sila. Mamaya ko na lang gagantihan si kuya KIT sa pang-aasar pagdating ni ate Marvie.

Kulang nalang humiga ako sa marble bench na 'to dito sa labas sa sobrang antok ko. Hindi pa masakit sa balat ang init ng araw pero sa mata, masakit na. Buti nalang I have my sunglasses with me.

I noticed someone standing near my spot and I slightly turned my head to look at who it was and saw kuya Rob standing there at the front door of the church. We glanced at each other at the same time but I recovered quicker than him and went to turn my gaze away from him.

Nakakita ako ng taho sa tawiran at bigla akong nagcrave nun. Hindi ko na halos matandaan kailan ako huling nakatikim nun ... Bawal kasing pumasok ang mga ganun sa subdivision namin e.

I immediately look inside my purse to see if I've brought my money with me and there it was. Not looking at either sides of the road, at ease that I was still inside the premises of the church. I crossed from where I was into the vendor across the street. Pero bago pa ako makatawid I heard a loud honk of horn nearing towards my direction. It was too quick that I didn't even get the chance to react and saw it rapidly approaching. My heart stopped beating for a while as hundreds of thoughts came rushing into me of what would it felt like to be hit by a car. I closed my eyes, not wanting ti see what's about to come next.

But the next thing I heard was a screech of tires and a scream of my name. Then I felt someone wrapped his/her arms around me and we both fell on the ground.

Walang kahit anong sumakit sakin. It was when I realized na hindi ako ang tinamaan, kundi yung taong yumakap sakin at nasa ibaba niya ako ngayon. Idinilat ko ang mata ko at tumingala para tingnan kung sinong sumalo sa akin.

There I saw Kuya Rob lying still on the ground. I freed myself from him and knelt beside him. Shaking him as hard as I could as panic came rushing through my system. For a moment there, wala akong ibang naramdaman kundi ang takot na baka mawala na sakin si kuya. Pakiramdam ko ay nawalan ang kulay sa mukha ko nang hindi siya gumala. His eyes closed and his forehead in crease as if he's in deep pain.

"Kuya!" I put his head on my lap and lightly tap his cheek to wake him up. "Kuya, wake up! Kuya!"

Nanginginig ang buong katawan ko at pakiramdam ko tinakasan ako ng sarili kong tino habang tinitingnan ang kapatid ko. Hindi siya gumagalaw.

No. No. No! This can't be happening! Paulit-ulit kong sabi sa sarili ko, niyakap ko siya ng mas mahigpit.

Sa sobrang takot ko ay hindi ko na naisip na tumawag ng tulong. Nangingilid na ang mga luha sa mata ko at lalong tumitindi ang panginginig ng katawan ko.

Nang maramdaman ko ang paggalaw niya ng bahagya ay napasinghap ako. Magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman ko. Doon ko lang narealize na kailangan kong tumawag ng tulong. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nakita ko na nakahinto ang sasakyan na muntik nang bumangga sa amin, pero hindi ko siya tinapunan ng pansin. Sunod kong nakita si manong na nagtitinda ng taho. Kitang-kita ko ang gulat sa itsura niya at parang naestatwa sa kinatatayuan niya.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon