Chapter 9

413 14 0
                                    

Revi's POV:

Pinatawag ako ni tita Eloisa sa office niya nang mabalitaan niya ang nangyari. Wala akong choice kundi pumunta at di umattend ng first class. Okay na rin, kesa nandun ako sa loob ng room kung saan lahat ng tao binibigyan ako ng makahulugang tingin. Like, they were waiting for me to break down or something.

Pagkapasok ko palang sumalubong na sakin ang tingin ni tita Eloisa. It pricked my heart to see her looking at me so disappointed. For a moment there, parang nahirapan akong huminga at hindi ako makalakad papalapit sa table niya para umupo.

"Sit down." Sobrang seryoso ng pagkakasabi niya nun kaya naman wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Napakagat ako sa labi ko, hindi ko rin mapigilan ang paglalaro ng mga daliri ko sa kamay sa kaba. I can't afford to be expelled. Ito nalang ang kaisa-isang school na tatangap sakin.

"Would you like to say something, Ms. Mañago?"

Automatic na napayuko ako nang sabihin niya yun. Ayokong magsalita. Hindi ako magsasalita kahit anong mangyari.

"Do you perhaps, want to admit what you did?" Still I did not dare to respond.

Kapag sinabi ko sakanya ang ginawa ko, para ko na rin inamin na tama siya. Ayokong masagasaan ang pride ko. Still, I believe that what I did to that guy is what he deserves.

"Revi, what's wrong with you? I thought we made it clear that you, being here at Cayden University gives you the chance to change. But by the looks of it, you're not changing."

Mas lalo pang napadiin ang kagat ko sa labi ko na feeling ko dumudugo na. Ewan ko ba, sa mga sinasabi sakin ngayon ni tita Eloisa mas tumitindi ang guilt na nararamdaman ko. Tama siya, yung paglipat ko dito sa school na 'to ang chance ko para magbago. Pero anong ginawa ko?

Gusto kong sabihin sakanya na wag niya muna akong sukuan. Na bigyan pa niya ko ng isa pang chance pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya kasi alam kong magsisinungaling ako pag ginawa ko yun. I don't want to say something or promise anything that I can't really do. O hindi ko mapaninindigan. Naniniwala kasi ako na mas okay pa yung wala kang sinabi, para in the end wala silang maisisisi sayo.

"Revi --" hindi na naituloy ni tita ang sasabihin niya nang may kumatok.

Nag-angat lang ako ng tingin sakanya at sabay kaming napabaling ang tingin sa pinto. Narinig ko pa siyang napabuntong hininga bago sinabi sa kumakatok na pumasok.

Hindi na ko nakatingin sa pinto nang marinig kong bumukas yun at sumara. Nakatingin ako kay tita Eloisa at nakita kong saglit siyang nabigla sa kung sinuman ang pumasok. I suddenly have this urge to turn around and look pero bago ko pa yun magawa nagsalita na si tita.

"Yñigo --" I flinched when I heard her say his name. Yung kaninang balak ko na pagtingin sana sa likod, kinalimutan ko na. Bigla akong natigilan sa kinauupuan ko nang marinig ang pangalan niya. "Anong ginagawa mo dito?"

Kahit hindi ako tumingin, kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang nakatayo niyang imahe sa gilid ko. Sa harap ng table ni tita Eloisa. May inilapag siyang mga papel dun at dun napasunod ang tingin ko.

"It's not her fault." I automatically shift my gaze to his. What? Did I hear him correctly?

"What do you mean, Mr. Ocampo?" Kagaya ko ay nagtataka rin si tita Eloisa dito.

Gusto kong may sabihin pero para akong tinakbuhan ng sarili kong dila sa mga oras na 'to. Parang wala ako sa loob ng office na 'to at silang dalawa lang ang nag-uusap.

"Ako yung nauna, gumanti lang po siya." Walang bahid ng pangungutya o scheme yung pagkakasabi niya nun. Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ako o hindi.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon