Chapter 30

359 11 0
                                    

Revi's POV:

Huminto ang sasakyan sa tapat ng school, hindi na ko nagsalita at bumaba na lang. Hindi pa ko nakakapasok ay nakita ko na si Yñigo na nakasandal sa tapat ng gate ng school. Nakahalukipkip siya at nakatungo, parang may iniisip ...

Ako lang ba ang nakapansin o parang may nag-iba talaga sakanya? Parang lumaki ng kaunti ang katawan niya. Hindi ko sure kasi, magkasama naman kami halos nung bakasyon at bago mag new year. Basta, parang may nag-iba sakanya.

Hindi ko siya pinansin at tumikhim nang makadaan ako sa harap niya. Alam kong sapat na yun para malaman niyang andun ako. Hindi naman ako nagkamali at agad siyang nag-angat ng tingin, nang makita niyang ako yun ay umayos na siya ng tayo. Hindi ko siya hinintuan, nilagpasan ko lang siya at naglakad papasok ng school.

Habang naglalakad kami sa corridor hindi ko maiwasang mapansin yung tinginan ng mga estudyante. Some of them look scared, some of the look like they see me as someone else. Hindi ko alam. Para bang may ginawa ako na hindi ko matandaan. Oh baka naman ang tinitingnan nila ay si Yñigo? Alam kong nakasunod siya sakin. Hindi ko alam kung anong itsura niya ngayon dahil nauuna akong maglakad. Gusto kong itanong sa isa sa mga estudyante kung anong meron pero hindi ko ginawa. Hindi kasi ako ang tipo ng tao na nauunang makipag-usap. Imbes na ma-intimidate sa tingin nila, I held my chin up and walk with poise. I used to be like this, back in Sacred Heart. The attention feeds my confidence, kahit pa sa anong klaseng dahilan ko nakuha ang atensyon ... for as long as I'm being known, I'm cool with it. Papansin? Nope. I just know that whatever it is I'm getting, I deserve it. Kaya hindi na bago sakin ang mapagtinginan. Nang makarating kami sa fourth floor ay may sumalubong sakin na apat na babae. Lahat sila nakangiti at nakatingin sakin na para bang pag-asa ako ng sangkatauhan.

"Yes?" I asked raising an eyebrow at them.

"So we heard na isa ka sa mga party thrower nung semestral end party?" Kumunot ang noo ko, I gave them a puzzled look making a 'so?' expression on my face. "Gusto lang namin sabihin na sobrang fab mo! Lalo na dun sa part na pinaalis niyo sa party yung mga taga Sacred."

Ah, so ito pala yung ganap kaya sila tumitingin kanina pa? I grinned widely, I knew it was going to be the talk of the school. Kahit natapos na ang Christmas at New Year, mukhang hindi pa sila nakakagetover.

"Expect the very best kapag ako ang involve darling." I smiled sweetly batting my eyelashes. "Maliit na bagay para sakin."

Pagkasabi ko nun ay nilampasan ko na sila. Hindi katulad kanina, nasa gilid ko na ngayon si Yñigo at sinasabayan ako sa paglalakad. Sinilip ko ang expression ng mukha niya pero kagaya dati, seryoso lang. Mukha lang siyang wala sa mood na sinasabayan ako sa paglalakad, he looks like someone you don't wanna get pissed.

"Back to the kingdom of yours, I say. You must be really happy." Sabi ko sakanya at tumingin siya sandali sakin.

"Maliit na bagay. Reigning the throne since first year." He smirked and I find myself mirroring his action.

I find it sexy kapag ang lalaki ay confident sa sarili niya and what he's capable of. Lalo na kapag hindi niya pinagyayabang ... in Yñigo's case, he's not gloating about it. He was just simply stating the fact. He rules this school and anyone who dares to disagree will have a taste of his bad side.

"Nasaan ang friends mo? Bakit sakin ka dumidikit?"

"Kaya na nila sarili nila." Naramdaman kong inakbayan niya ko at nagsimula na namang magliparan ang mga gamu-gamo sa tiyan ko.

Oo, gamu-gamo talaga. Dahil ayokong tawaging butterflies ang nasa tiyan ko, para lang yun sa mga close to perfection kind of guys. Tipong mabait, gentleman, matangkad, gwapo at mayaman.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon