Chapter 47

246 10 1
                                    

Chapter 47:

Revi's POV:


"We can't." I looked at him trying to process what he said. "We can't not until I'm sure."



Nakahinga ako sa sinabi niya. I thought he doesn't want me anymore and decided that it's his bestfriend that he wants. It's not as good as what I'm hoping for but I can settle for this for now.


"I don't wanna give you just a fraction of myself." Sabi niya, nakatingin lang ako sa mga mata niya habang sinasabi yun at nakikita ko ang sinseridad dito. "If I'm going to continue our relationship I want me to be yours. Completely. No doubts, no hesitations."

I nodded mutely, he continued.

"Tama ka, tama sila. Kung ano man ang nangyari sa amin ni Kody noon, kailangan pag-usapan namin yun. Hindi pwedeng magkunwari na lang kami na walang nangyari bago pa siya umalis. Kailangan malinaw namin 'to." Lumapit siya sa akin. Hindi ako guumalaw at hinintay ang susunod niyang gagawin. Nakatingin siya sa kamay ko na nakalagay lang sa gilid ko. Nag-aalangan siyang hawakan yun sa una pero sa huli ay ginawa niya. "I'm sorry, for not being able to give you an answer straight away when you asked me. I love you, Revi and I can't lie to you. I just can't."

Napapikit ako sa sinabi niyang iyon. Masarap isipin na hindi niya kayang magsinungaling sakin dahil mahal niya ako pero ang pagiging totoo niya mismo ang dahilan kung bakit kami nasasaktan ngayon. Ang katotohanan na mayroon din siyang nararamdaman sa bestfriend niya.


I could still get him. I know I can. Kung siya nga ay nakayanan ang ilang beses kong rejections sakanya, dapat ay kayanin ko rin. It's time to give back to him what he gave to me. Because if you love someone, and they happen to screw up it doesn't mean you have to give them up. Hindi naman kasi perpekto ang mga tao at ang mga taong nasa isang relasyon. There will come a time na magkakamali at magkakamali sila na makakasakit sa atin pero hindi nangangahulugan na kailangan na natin silang iwan o pagsarhan ng pinto sa buhay natin. Sometimes they become the best person they could ever be because of their mistakes. Because they learn from it.



"I'm sorry." He caressed my cheek with his hand and I gladly leaned to his touch. "Maiintindihan ko kung magagalit ka at hindi mo maiintindihan ang dahilan ko."


Umiling ako.

"I can wait. Wag ka lang lalayo." Tumango siya sa akin.

"I won't. I can't." Hinalikan niya ako sa noo at niyakap. "Isang linggo pa nga lang pero miss na kita."


"Do you trust me?" He asked. Sasagot na sana ako nang magsalita ulit siya. "No, let me repeat the question ... can you trust me?"

I nodded.

"I trust you ... with all my heart."


***


The following day ay nakipagkita ako kayla Hera at Erin. Agad akong sinalubong ng maingay na bibig ni Hera. Lahat ng pangaral ay nakuha ko. She even asked me what's going on between me and his brother. Mabuti at kaming dalawa pa lang noon at wala pa si Erin kung hindi ay talaga lumubog ako sa kahihiyan.

"Walang meron sa amin ni Percy no!" I half yelled half whispered to her. "Abnormal ka?"

"Hindi, ikaw ba?" Tanong niya sakin pabalik at umirap ako.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon