Chapter 21

335 9 0
                                    

"You said it again, my hearts in motion every word feels like a shooting star! I'm at the edge of my emotions hmmp!" Tinakpan ni Hera ang bibig ni Edison.

"Wag ka ngang maingay diyan! Anong feeling mo maganda yang boses mo?"

"Weh? Epal! Basag trip ka naman diyan e, ano miss mo na naman ba ko ha? Ha?" Binunggo bunggo niya ang balikat ni Hera gamit ang balikat niya.

"FC ~" pang-aasar ni Hera at natawa naman si Erin dito,

Magkakasama silang naglalakad papunta ng cafeteria. Makailang ulit na kasing sumasama ang tatlo sakanilang tatlo. Nakagawian na rin nila at hinayaan na lang.

"Bakit ang tahimik mo?" Puna ni Yñigo sa katabi. Hindi naman siya pinansin ni Revi at naglakad lang.

"Erin! Erin!" Tawag ni Edison dito, tiningnan lang siya ni Erin na naghihintay sa sasabihin niya. "Anong sikreto mo bakit madaming nagkakandarapa sayo?"

Nanlaki ang mata ni Erin at awtomatikong namula ang mga pisnge.

"You!" Piningot siya ni Hera. "Ang dami mong pinapansin halika nga dito!" Hinila nalang niyang paalis si Edison at naiwan naman silang tatlo.

Hindi nila kasama si Percy dahil umiiwas pa rin ito sakanila at hindi siya komportableng sumama-sama sa mga kaibigan ng kapatid niya.

"Bakit ayaw mong magsalita?" Tanong ulit ni Yñigo pero hindi naman siya pinansin ni Revi hanggang sa makaupo sila sa cafeteria. "Anong gusto mong kainin?"

Tumingin lang sakanya si Revi ng walang emosyon.

"The usual, girls?" Pagtanong ni Erin sa mga kasama. Tumango naman si Hera sakanya.

"Hera, bakit ang laki ng pimple mo sa noo?" Napasinghap si Hera sa tanong ni Edison at napahawak sa noo.

"Oh my Gee!" Tiningnan niya ng masama si Edison. "Bakit mo pinansin?! Lalong lalaki 'to!"

Edison grimaced at her. "Okay lang kahit lumaki yan. Mas malaki pa din ang pagmamahal ko sayo." He said as he put his arm on her shoulder.

"What the hell?!" Siniko ni Hera si Edison at tumawa naman ito ng malakas.

Napangiwi nalang si Erin at napailing. Hindi niya malaman saan hinuhugot ng dalawa ang kakornihan. Kapag naman tinanong kung sila ba, laging ang sagot hindi daw. Never. Pero kung umarte naman, parang sila. She ended up leaving them on their table, mas gusto pa niyang pumila ng mahaba kesa makinig sa dalawa.

"Revi, magsasalita ka ba o hindi?" May halong inis na ang toni nito.

"Wag mo kong kausapin okay? Wala ako sa mood." Sagot sakanya nito bago inalis ang tingin.

Nagtatakang napatingin nalang si Yñigo kayla Hera, hinarangan naman ni Hera ang bibig niya at bumulong kay Yñigo.

"Meron yan, kaya ganyan -- aw!" Napatigil siyang magsalita nang sipain siya ni Revi sa ilalim ng lamesa. "Meanie." She pouted and rolled her eyes.

Hindi naman nagets ni Yñigo ang sinabi nito. In the end, hinayaan na nga lang niyang manahimik si Revi dun at tumayo para bumili ng sariling pagkain.

Pagbalik niya sa table nila ay nakadukdok na ang ulo ni Revi sa lamesa. Nasa harap nito ang pagkain pero hindi kinakain. Hindi niya malaman kung kakausapin ba niya ito o hahayaan nalang. Umupo siya sa tabi nito at tiningnan ang mga kaibigan. Mukhang hindi naman siya napapansin ng mga ito dahil may kani-kaniyang ginagawa ito kaya naman kinausap niya si Revi.

"Hindi ka ba kakain?" Alam niyang narinig siya ni Revi pero hindi siya pinansin nito. "Nathalie."

Nagulat siya nang biglang humarap sakanya si Revi at inis na inis.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon