Chapter 14

350 7 1
                                    

Hera's POV:

Dressing up is not something new for me. Para sa akin, it's like the most usual thing that a girl must do. Pero mukhang hindi ata nainformed si Erin nang ipanganak siya at kinailangan pa naming magsimula from scratch.

Nakahiga kaming tatlo ngayon sa kama niya after disposing almost all her clothes and putting in all the clothes we bought for her. She was lucky kasi mayaman sila and she can afford to shop the clothes she will be needing for her operation: get-a-date-on-our-prom.

"Make sure you'll wear all those things girl, or else kakalbuhin kita! Kung di lang kita kaibigan hindi ko 'to gagawin para sayo. Nakakaloka!" Halos di ko na maramdaman yung braso ko sa pagod.

"Thank you guys, sorry kung masyado ko kayong inabala."

"Don't thank us yet, wait until you got yourself a date," sabi ni Revi na abala sa pagpindot sa phone niya. "What the --"

Nagulat ako ng bigla niya kong samaan ng tingin.

"Bakit? Ano na naman?"

"Binigay mo ba yung number ko kay Yñigo?!" She's scowling at me deeply at napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Duh? Bakit ko naman ibibigay?" Then I remember leaving my phone on the desk near our front door kaninang umaga nung makalimutan ko yung isa kong libro sa kwarto ko. "Or -- sa tingin ko pinakialaman ni Percy yung phone ko ... again." I bit my lower lip at my confession.

"Urgh!" Huminga siya ng malalim at hinarap na naman ang phone niya. "Try mo kayang maglagay ng code sa phone mo girl!"

"What's it like to be in the same house with Percy?" Pagkasabi nun ni Erin ay sabay kaming napatingin sakanya ni Revi. "What? I'm just ... curious."

I shrugged. Hindi ko kasi madalas kinukwento ang buhay namin lalo na kung tungkol sa bahay dahil hindi siya pleasant. Lumaki ako sa pamilyang medyo magulo. Hindi naman sa ayaw kong i-share sakanila dahil alam kong mapagkakatiwalaan naman sila pero hindi ko lang alam kung paano ko sisimulan.

"Para din akong walang kapatid." I simply said just to feed her curiosity and she stopped asking me.

One of the things na nagustuhan ko sa friendship naming tatlo, hindi kami mapilit sa isang bagay. Kung alam namin na ayaw pag-usapan ng isa samin yung topic, we'll drop it. No questions ask.

"Buti nalang kahit na mahilig kami magtalo ni ate mas madalas pa rin kaming magkasundo and I have no problem about my brothers kasi napaka cool nila pareho." Sabi naman ni Revi at nakaramdam ako ng konting inggit sa sinabi niya.

Hindi kasi kami close ni Percy, obvious naman. Hindi ko nga rin alam kung bakit, kahit naman half siblings kami, meron din namang mga kagaya namin na parang tunay na magkapatid ang turingan. Ewan ko ba kay Percy at sobrang init ng dugo niya sakin. As if kasalanan ko na maagang namatay ang mom niya at inasawa ng dad niya ang mom ko.

"Can't relate, only child." I sighed. Si Erin naman, hindi ko alam kung makoconsider ko siyang swerte dahil hindi naman sa lahat ng oras bwiset si Percy sakin.

May mga times din naman na pinagtatanggol niya, hindi nga lang ganun yung dating pero pag inanalyze mo ganun din. Basta, he has his own ways. Kung di mo siya kilala, hindi mo malalaman yung good intentions niya sa mga ginagawa niya kahit pa mas madalas talaga ang bad kesa good sa mga intensyon niya.

Tumingin ako sa orasan ko at nakitang magsi-six na. Bigla tuloy akong napatayo.

"Shoot, I need to go home!" Hinablot ko yung bag ko sa ibabaw ng study table ni Erin. "Papatayin ako ni Daddy pag nauna siyang umuwi kesa sakin! Bye girls! See you on monday!" Pagkalabas ko ng pinto at sumilip pa ulit ako sa loob at tinuro si Erin. "Wear a dress on monday. Not a jeans, okay? Do. Not. Wear. Your. Glasses." I made sure that I emphasized every word just to make sure.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon