Chapter 41

224 9 3
                                    

Chapter 41

Revi's POV:

One of the things I like about Hera, is her being honest. Minsan, kahit nakakasakit na siya wala siyang pakialam. She'd rather hurt someone with the truth than to make a person happy with loads of bullshit.

Pero exception ata ang pagkakataong ito na nagustuhan ko yun. I hate how she's so honest about the compliment she's giving Kody. Feeling ko kasi she's giving Kody credits more than what she deserves. Pero ano bang alam ko? After all, ako itong baguhan sakanila. Ako yung outsider ... ako 'tong hindi alam na may bestfriend palang babae si Yñigo.

"I can't believe she changed a lot. She looks good, kung nakita niyo lang yun nung first year pa lang kami ..." She shook her head, amused. Parang inaalala yung mga times na yun.

Sana lang hindi niya nakikita ang pagsama ng mukha ko dahil siya ang usapan. I'm still trying to adjust myself na meron nang Kody sa buhay namin ngayon. I heard from Yñigo that she will stay here hanggang sa makagraduate siya ng college.

Kung alam ko lang na siya ang pag-uusapan namin sa araw na ito ay nagpahinga na lang sana ako sa bahay. Nakareceive ako ng text kay Yñigo kanina na pauwi na sila nila Edison galing St. John University. Ngayon kasi nakaschedule ang entrance exam nila para dun, kami naman ay kahapon. Meron pa kaming isang university na susubukan. Holy Trinity sana, ang alam ko ay magpapasa din ng requirements dun si Yñigo at magtetake ng exam. Meron siyang isa pang binanggit sa akin na school para sa mga marines. Gusto niya daw subukan. Hindi pa kami nag-uusap tungkol dun dahil busy pa kaming pareho.

Nireplyan ko siya at sinabi na nasa Starbucks kami nila Hera malapit sa isang mall.

"Hindi ba sila nagkagustuhan ni Yñigo?" Asked Erin, na nakapagpatingin sa akin sakanya. "Kasi nakita ko siyang tumingin kay Yñigo e ... parang may iba."

Hera shrugged, "ewan. I thought nakamove on na si Kody? Kasi nagkaroon naman siya ng foreigner na boyfriend. Besides, malabo na sila ni Yñigo! Patay na patay kaya si Yñigo kay Revi!" Sagot niya kay Erin at binigyan pa ko ng mapang-asar na tingin.

Tinaasan ko siya ng kilay at nagsalita. "That doesn't answer Erin's question."

"Cliche as it may sound but, yes. Nagkagustuhan sila. Actually, bago ako naging fan ng loveteam niyo naging fan muna ako ng loveteam nila ..." She sheepishly grinned at pakiramdam ko ay hindi na maipinta ang mukha ko. "No offense meant Revi ha? I mean, grabe kasi nakakakilig yung kwento nila e!"

I forced a smile. "None taken. Sige kwento mo na." Sabi ko pa kahit na parang ayoko naman nang marinig.

"Nung nakilala namin si Yñigo, he was this quiet tamed and snob little boy." Napangiti siya na para bang may naalala. "Naalala ko pa kung paano sila nagsuntukan ni Percy noon. Si Percy kasi, bully since birth. Sinubukan niyang i-bully si Yñigo pero hindi siya umubra. Akala kasi ni Percy hindi napalag si Yñigo tapos nasuntok siya sa mukha. Ayun ... nauwi sa office. Pero yung totoong rason kung bakit sila nag-away ay si Kody."

Habang nagku-kwento si Hera hindi ko maiwasan na hindi mainsecure ... paano ko ba hihigitan yung ilang taon na yun na samahan nila? Ilang buwan pa lang akong nagiging parte ng buhay ni Yñigo at kalahati pa nun, puro hindi masyadong okay.

"Nagselos kasi si Percy dahil si Kody masyadong nagpupumilit maging kaibigan si Yñigo nun. E sila ni Percy ang magkaibigan, hanggang sa ayun. Nagkaroon na nga ng Yñigo-Kody thingy. Ang bilis lang magkasundo nung dalawa, boyish kasi noon si Kody. Walang kademure demure kumilos, never nag-ayos ng sarili." Tumigil siya at nag-isip. "Hindi ko na maalala kung kailan nangyari yun pero alam ko bago umalis si Kody nagsabi si Yñigo na nagugustuhan na niya si Kody. Kaso, yun nga ... biglang kinuha ng parents niya si Kody kaya bago pa masabi ni Kody na gusto din niya si Yoshi, nakaalis na siya."

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon