Chapter 5

503 15 0
                                    

Yñigo's POV:

Tiningnan ko isa-isa yung mga nakatingin sakin na mga kaklase namin. Kanina pa sila nakatingin sakin na parang akala mo tinubuan ako ng isa pang ulo simula ng umalis yung witch na yun palabas. Papunta ata ng impyerno niya.

Tinadyakan ko yung upuan sa harap ko. "Ge tingin pa!" Sinamaan ko sila ng tingin.

Yung iba, lumabas na lang ng classroom. Yung iba naman nagkunwari na may ginagawa. Yung iba nagbubulungan pero wala na kong paki sakanila!

Tangina, tinawag niya kong four-eyes. Ang lakas ng loob niyang tawagin ako nun!

"Yoshi boy!" Nakita kong tumatakbo si Edison at Percy, naguunahan pa sila.

Siniko ni Percy si Edison.

"Yoshi dre, ikaw ba may gawa kay Mañago nun?" Humahangos pa si Percy nang itanong niya sakin yun.

Ngumisi ako.

"Bakit? Hanga ka?"

"Eh bakit parang high blood ka? Di ba dapat naghaharlem shake ka na?" Sumayaw-sayaw pa si Edison sa harap ko na parang sumasayaw ng harlem shake. Pfft. Gago talaga.

Di na lang ako sumagot at inirapan ko sila.

Tinakot pa ko ng babaeng yun, may pa three strikes three strikes pa! Wala akong pake, pagtitripan ko siya hangga't gusto ko. Bakit? Maaasar niya pa ba ko? Four eyes? Nakacontact lens na ko ngayon. Sungki? Wala na kong braces at pantay na ang ngipin ko, mabango pa ang hininga ko. Mataba? Baka iumpog ko siya sa patubo ko pa lang ng mga muscles. Baka nga mas magaan pa ko sakanya. Matigyawat? Kahit lamutakin niya maghapon 'tong mukha ko, makinis na yan.

"Tara nga dre," bigla akong hinila ni Percy sa tshirt patayo. Tinulak ko siya ng mahina.

"Ano ba! Pag nasira yung tshirt ko ha!" Inis na tiningnan ko siya habang pinapagpag yun.

"Tara sa labas, may itatanong ako. Gusto mo bang marinig nila dito?" Tiningnan niya ko na parang sinusukatan ako ng tingin.

Umismid lang ako bago naupo ulit.

"Wag na dre, tinatamad ako. Maya na lang." Nilagay ko yung mga kamay ko sa magkabilang bulsa at naupo ng padekwatro.

"Yaan mo na nga, nireregla na naman yan Percy. Tara na!"

Di ko na sila pinansin dun at nanahimik nalang. Hindi pa ko tapos, nagsisimula pa lang ako.

Revi's POV:

Pagkalabas namin ng gym ay umakyat na kami sa 4th floor kung saan nandun ang mga senior high school, naiwan na namin si Erin sa 3rd floor dahil dun ang mga junior.

Tahimik lang kami ni Hera na naglalakad kaya rinig na rinig ko yung mga bulong-bulungan ng mga estudyante habang nakatingin samin. Hindi ko sure kung ako ba o si Hera ang pinag-uusapan nila o pareho kami.

"Tingnan mo pare, ang hot."

"Sexy pre, bago ba dito yan?"

"Pinag-uusapan ka nila." Medyo kinilabutan ako dahil naramdaman ko yung hininga ni Hera malapit sa tenga ko nang ibulong sakin yun. "I'm sure ikaw yung tinutukoy nila dahil hindi nila ko pag-uusapan."

Tiningnan ko lang siya saglit at tumingin na ulit sa nilalakaran namin. Mukhang wala pa namang teacher kaya okay lang magpabagal-bagal kami.

"Hi Miss, ako nga pala si Jeff." Halos mapatalon ako sa gulat at napahawak ako sa braso ni Hera nang bigla na lang may sumulpot na ulo sa isang pinto ng classroom.

Tinitigan ko yung kamay niya na nakalahad sa harap ko. Yuck, malinis ba yan?!

"Tigilan mo nga kami." Sita ni Hera sakanya kaya biglang napakamot sa ulo yung lalaki at pumasok na ulit sa loob.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon