Chapter 11

412 11 0
                                    

Revi's POV:

Nandito ako ngayon sa music room. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. Nakatanggap lang ako ng text galing kay Hera na pumunta daw ako.

Nakakainis naman! Imbes na uuwi na lang ako at magpapahinga kailangan ko pang pumunta dito. Akala ko pa naman meron na kong isang araw na tahimik at payapa dahil wala yung tatlo. Hayyyy ~

Nilapitan ko yung music player at pinindot ang play.

"Hm? Nakakaantok naman 'to." Tumugtog yung halo pero mabagal lang. Parang narinig ko na siya somewhere pero hindi ko matandaan.

Lumayo ako dun sa tugtog at ipinikit ang mata ko. Nakakarelax naman pakinggan. Parang puno ng emosyon yung kumanta. Ang sarap sa tenga. Hindi ko na namalayan na kusa na palang gumagalaw ang mga kamay ko para gumawa ng movements. Masarap sumayaw ng modern pero mas prefer ko pa rin ang contemporary, para bang iniinterpret mo yung kanta. Nilalagay mo yung emosyon mo sa pagsayaw nun. Parang may certain connection sa katawan mo at sa tugtog.

Napatigil ako nang marinig kong may malakas na nagbukas ng pinto. Napadilat ako at nilingon ang pintuan sa likod ko. Pagkaharap ko palang ay umangat na ang dugo ko sa ulo ng makita ko kung sino yun.

"Ikaw?!" Walang emosyon niya kong tiningnan. Nakasuot pa siya ng jersey at dala-dala ang gym bag niya nang pumasok siya sa loob at malakas na isinira ulit ang pinto. "Anong ginagawa mo dito?!"

Narinig ko siyang bumuntong hininga bago niya inihagis ang bag niya sa may sahig at lumakad palapit sakin.

"Magpa-practice tayo. Ano sa tingin mo sinusundo kita?"

"Ha? Si Hera ang nagpapunta sakin dito!" Siyempre naman! Kung hindi si Hera ang nagtext hindi ako pupunta dito! Ano namang feeling niya? Gusto ko siyang makita?! Yuck! Please lang ha!

"Kaya nga, sinabi ko kay Percy ipatext ka kay Hera. Tinext ka ni Hera. Pwede na ba tayong magsimula?"

Tiningnan ko lang siya dun. Pakiramdam ko nakaawang pa ng kaunti ang bibig ko. Medyo hindi ko pa kasi maprocess ang mga sinasabi niya. Lalo akong hindi makapag-isip nang mapansin ang itsura niya. Mukha siyang zombie! Namumuo pa ang itim sa paligid ng mata niya na parang akala mo hindi siya natulog. Anong nangyari dito?

"Ano na? Tatanga ka na lang diyan?"

Inis ko siyang tiningnan.

"Ano? Bigla na lang magpa-practice? Ni hindi nga nating napagusapan anong klaseng sayaw, anong gagamiting tugtog at kung anong routine natin!"

Bumuntong hininga ulit siya at pinuntahan ang bag niyang hinagis niya sa lapag.

"Hold that thought," nakaluhod siya dun habang ako naman ay nakatingin lang sa ginagawa niya. May kinuha siya sa loob ng bag niya at basta nalang naghubad ng pang-itaas niya. Bigla akong napatalikod.

"Ano ba yan, could you at least give me warning?! Basta-basta ka na lang diyan naghuhubad!"

Hindi siya sumagot sakin. Nanatili lang akong nakapikit. Dahil pag iminulat ko ang mata ko makikita ko rin siya sa malaking salamin na nasa harap ko ngayon.

"Okay na," pagkasabi niya nun inis akong humarap at napaatras nang makitang nasa likod ko na lang pala siya. Muntik pa kong mauntog sa likod niya! Gahhhd! Bakit ang bango niya?! "Pinatugtog mo na yung gagamitin natin. Contemporary yung sayaw natin."

"What?!"

Okay I'm not overreacting or anything. Pero heck, contemporary yun! You can't just do contemporary dance with some random stranger. Well, sa case namin ni Yñigo, hindi naman siya stranger pero mas delikado pa siya sa stranger! It's fun when I'm doing it alone, but with a partner? Hell no! Sobrang touchy kaya nito! And I can't afford to be touched by him.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon