Epilogue
Revi's POV:
"Ready?" Tanong ni Percy bago inayos ang seatbelt ko para sa akin.
Ngumiti ako at tumango.
"Ready."
Nagdrive kami papuntang university ng magkasama. I ended up going to his school.
Nang pumikit ako ay naalala ko lahat ng mga pangyayari. Naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko kaya agad akong nagmulat ng mata. Masakit pa rin ...
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.
"Baka mabangga tayo." Sabi ko nang lingunin ko siya. He gave me his lopsided smile.
"Insured 'to. Okay lang."
I let out a small laugh.
"Yabang!"
"Yun lang meron ako e. Ikaw ba?" Biro niya at ngumisi ako.
"Ganda ko. Pati ikaw." Nakangiti kong sabi at confident na tumingin sakanya.
Lumingon siya saglit sa akin at tumawa.
"Di na papalag ..." He squeezed my hand. "New start. You and me."
I nodded.
"New start."
--
A/N:
Thank you so much sa iilang readers ng kwentong ito. Nagsusulat ako pag bored ako o kaya sobrang tindi ng emosyon na meron ako. Minsan kapag stressed or broken or sad. Pero nakakataba pa rin ng puso yung may makaappreciate sa ginagawa mo. Hindi man kayo marami, sa minsang pag-comment at pag message niyo sakin, sumasaya na ako. So, thank you! :">
Tangkilikin nawa ang iba ko pang istorya.
* When He Returned
* How I Run Away From Him ( HIMMC2 )
* How I Met Maria Clara
* Loving Your Enemy
* Philiphobia
* My Kismet-- Emaydi ü
Ended: December 13, 2015 // 11:11pm
