Hera's POV:
Tinapon ko yung ice pack na nilagay ko sa ulo ko kanina. I just felt the need of putting it kasi sumakit talaga ang ulo ko sa exam! My gaaahd! I hope my hardwork would pay off, or else pasasabugin ko ang bungo ng mga teachers namin.
Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Revi.
"Yes?" She answered on the second ring and I beamed.
"Wait! Don't speak. Tatawagan ko si Erin."
"Okay." I put her on hold while I dialed Erin's number.
"Hello?"
"Okay, we're already connected. So, I called to say na may party tomorrow night dito sa bahay and I'll be expecting the two of you to come."
"Party?" Tanong ni Revi. "What for?"
"Gosh, the first semestral end party?!" Gulat na tanong ni Erin at natawa naman ako.
"Yes. That party, bakit?"
"Wala lang! Imagine dati naririnig ko lang yan. Pero ngayon iniimbita na ko and to think, na yung mismong party thrower pa ang nag-iinvite sakin." Ramdam na ramdam ko ang amusement niya sa kabilang linya and I kinda felt bad for her.
Sana nakilala ko pa siya ng mas maaga, edi sana palagi siyang invited sa party ko. It's on its fourth year since I started throwing one when we entered high school.
"Okay, I'm at lost here. Anong party 'tong pinag-uusapan natin?"
"Oh, right! Transferee ... So this party has been going on since freshmen year. Ako ang nakaisip, hanggang sa naging tradition na with the help of some people. For the last three years ay nagkakaron lang ako ng quota for the number of guests. But Erin gave me a nice idea."
"Ako? Paanong ako?"
"Well thanks to you, as an outsider's POV, narealize kong hindi na magkaron ng quota at i-open for public na ang party na 'to."
"Gosh! Really?!" I can even imagine Revi's grin nang sinasabi yun.
"Yes. That is, if you're going to help me. So, are you going to help me?"
"Of course! -- absolutely!" Halos sabay nilang sabi at napatawa ako dun.
"What are you waiting for? Come over here. See you in a bit, bye!" Binaba ko na ang tawag at hinagis ang cellphone ko sa may kama.
I have to tell Percy about it so he can invite some of his friends. Wag lang sana siya. Pero ayokong sabihin yun kay Percy dahil mahahalata niyang may mali samin at ayokong isipin niyang meron nga. Kasi wala, at hindi magkakaron ng mali samin. Mali sakanya, mali sakin oo. Pero mali samin? Walang kami. So walang samin.
Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan ang pinto niya kahit di pa siya sumasagot. Ganito naman talaga kami dati pa, mabait na nga lang kami sa isa't isa ngayon.
"Percy!" Naabutan ko siyang nakahiga sa kama at naka-earphones. "Mamaya ka na manuod ng porn."
Tinaasan niya ko ng kilay at pinakita sakin ang ipad air niya.
"Dota. Hindi porn." Kumunot ang noo niya. "Ba't ka nandito?"
Umirap ako.
"Duh? Semestral end party?" Nagtaas ako ng kilay sakanya at inilihis niya ang ulo niya.
"Tsk, onga pala!" If there's one thing na napagkakasunduan namin. Ito na yun. Percy seems aloof pero baka masurprise ka sa dami niyang kaibigan outside the school. I don't know how he does that, but I've met some of his friends and they were actually nice and rich. Kaya naman pinapayagan ko siyang mag-invite ng friends. Lalo na ngayon na open for public na. "Sige mag-iimbita ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/21796774-288-k595498.jpg)