Chapter 16
Revi's POV:
It was painful to see Ate Marvie leaving while tears falling from her face pagkatapos niyang ma-truth slap. I imagined myself being in her situation. Parang hindi ko kaya, parang ayokong mainlove, parang ang sakit.
"Ate, okay ka lang ba?" Nagpunta ako ng pool para kausapin siya. I figured na kailangan kong gawin yun kahit ayoko ng drama since wala si mama para icomfort siya and I partly feel guilty. Kung sana binantayan kong maige si Ate Marvie hindi sila magkikita ni ate Sam, hindi niya maiisipang umuwi at di niya maabutan ng magkasama yung dalawa sa mismong harapan pa niya.
Gaaahd, this is so frustrating and depressing!
"Naaawa ako kay Marvie." Naupo ako across sa inuupuan ni ate since mukhang marami siyang sasabihin. All I need to do is to listen. "Naranasan ko rin yun dati, kay Maicah. Akala ko talaga sila na ang magkakatuluyan ni Tyron nun."
Yeah, I've heard their story before at sobrang cliché sa sobrang cliché parang gusto kong magpaka-writer at isulat yung kwento nila sa website na sikat sa mga teenager. What's that called, again? Wa -- wattpad? Yun ata. Whatever, basta!
"Alright fine, my awesomeness can't take it anymore! I'm sorry ate!" Nung una I sounded bitchy pero nung hindi sumagot si ate sakin at nagtataka lang na nakatingin naisipan kong seryosohin na talaga. Dahil feeling ko naman talaga e kasalanan ko. "Sorry ate kasi kung binantayan ko lang sana ng maige si ate Marvie hindi mangyayari yun."
Then bigla kong naisip ang tawag kaninang umaga. Bwiset na Yñigo talaga, kung hindi siya tumawag hindi mangyayari 'to e! Nakita kong umiling si ate bago ngumiti sakin.
"I think wether you did your part or not, it's the destiny's call that made it happened."
Napataas ang kilay ko. I remember how kuya Tyron calls her everytime his kismet. I think that means, destiny. His destiny.
"It's bound to happen sooner or later, hindi naman sila pwedeng mag-iwasan dahil nasa iisang circle lang naman kami." And I can't help but to nod in agreement.
Kahit naman anong gawin nila, magkikita't magkikita pa rin silang tatlo. Sucks for ate Marvie tho.
"If I were ate Marvie I would find myself a guy that's totally better than kuya KIT nalang. Para naman makabawi siya! Hindi yung sila lang ang feeling soooo inlove ni ate Sam."
Natawa si ate sa sinabi ko. Kahit pa wala namang nakakatawa sa sinasabi ko. Adik lang, te?
"Ikaw na ikaw ako when I was your age. Feeling niyo yung idea ng pag-ibig ganun kadali kapag hindi niyo pa nararanasan." Napangiti na naman siya. In fairness naman kay ate hindi ko akalaing may pagka nostalgic siya. At talagang dinaig niya pa si mama sa pagkukwento ng kabataan! "There will be a time when you're going to experience your own first love, your first rejection, first heartbreak and so much more. Kapag nangyari yun alam mo? Magbabago yung pananaw mo sa love."
"No thanks, from the way I see it right now. I don't even get why people keep on falling inlove kahit pa alam naman nilang masasaktan lang sila in the end." Grabe ha? Di ko talaga alam saan ko kinukuha yung mga ganitong hugot ko. Si ate kasi ang drama!
"Because you live to find love and to be loved in return. Life without love is pointless. God created us because He loves us right before He made us." Habang sinasabi ni ate yun sobrang light ng expression sa mukha niya. Nakatingin pa siya sa langit at hindi ko alam kung ako lang yun o nakita ko talagang nagtu-twinkle yung mga mata niya.
Totoo pala yung sinasabi ng iba na kapag sobrang inlove ka nakikita daw yun sa aura ng isang tao. At sa case ni ate naku, ewan ko na! Mukhang hulog na hulog na 'to kay kuya Tyron, dinaig pa ang lalim ng hukay para sa mga patay. Hindi ko maiwasang matawa.