Chapter 3

533 16 0
                                    

Revi's POV:

Ipinatong ko ang baba ko sa mga kamay kong napatong sa desk. Hayyy ~ Nakakaantok. Ang aga naman kasi akong pinapasok. Muntik pa kong mamali ng pasok ng class room buti na lang nakita ko yung kaklase kong nerd na nandun na sa loob ng room. Early bird. Buti na lang, kundi nasakin pa ang title dahil ako ang pangalawa sa class room.

Ngayon lang ako pumasok ng maaga sa buong buhay ko. Nakakadiri di ba? Dati, hindi sila nagsisimula hangga't wala ako. Kung hindi lang ako nagpromise na magbabago na ko. Psh.

Makatulog na nga lang ...

***

"Pare wag kang magulo, di ko makuhanan ng maayos e."

"Bilisan mo, ako din."

Naalimpungatan ako dahil sa mga naririnig kong boses pero hindi ako kumilos. Nanatili pa rin akong nakapikit dahil antok na antok ako.

Sino ba ang mga maiingay na 'to? Nakakairita, kitang natutulog yung tao e!

"Aalis kayo diyan o tatadyakan ko kayo?" Kahit di ako magmulat, alam na alam ko kung kaninong boses yun.

"Y-Yñigo ..." Di ko alam kung sino yun pero biglang natahimik yung kaninang nag-uusap na dalawang lalaki.

"Isa." Boses na naman ni yabang yung narinig ko.

Nakarinig ako nung mga upuan na parang nabangga at mga paa parang natakbo. Nagmulat ako at nakita ko siyang nakatayo sa harap ko at nakatingin sakin. Ang sama ng tingin niya na parang akala mo may ginawa na naman ako sakanya.

Sinimangutan ko siya bago ako umayos ng upo at pinat ang buhok ko, para umayos ng kaunti.

"Pacute ka masyado e, no?" Ano na namang ginawa ko?!

Inis akong napatingin sakanya bago ko siya tinaasan ng kilay.

"Inano ka?"

Tiningnan niya ko bago tumalikod at pumunta sa upuan niya.

"Bwiset." Bulong pa niya pero sure ako na gusto niya iparinig yun sakin dahil gusto niya akong inisin.

Well, sorry siya. Makakaganti rin ako sakanya, pero hindi muna ngayon.

***

Dalawang subject na ang natatapos namin at recess na ngayon pero inis na inis pa rin ako. Paano, itong mga idiots na 'to. Puro kaharutan sa classroom, hindi tuloy nakapaglesson yung teacher namin dahil inasar-asar nila.

Naglalakad na ko papunta sa canteen ng bigla nalang akong madulas. Unang tumama yung pwet ko at imbes na indahin ko yung sakit ay tinakpan ko yung palda ko na lumipad. Ang daming naglalakad sa corridor dahil nga recess.

Nakakita ako ng balat ng saging sa paanan ko, yun ata ang natapakan ko kaya ako nadulas. Tapos nakita ko si Yñigo na nakatayo harap ko at may kinakain. Yung saging at malamang sakanya yung balat. Nakatingin lang siya sakin habang nakaupo ako sa sahig at hawak ang balakang ko na sumasakit. This moron! How dare he?! Ngumisi siya sakin at kinindatan ako bago tumalikod at umalis na.

Nakita ko namang naglalakad yung dalawa dahan-dahan silang umiiling at tumatawa pa sakin.

Kumanta pa yung Percy pagdaan ko habang iniiling-iling niya ang ulo niya.

"Legs, legs, leg mo ay nakakasilaw." Sabay ang tawa nila nung Edison atsaka nag-appear pa bago sumunod kay Yñigo.

"Urggggh!" Nahampas ko yung sahig sa inis ko bago pilit na tumayo.

Hinimas ko ang balakang ko pero hindi pa rin ako nakatayo. Nakakainis! Napakasiraulo talaga ng hayup na yun! Mukhang taong isda! Singkit! Pangit! Ampalaya! Shokoy! Ugh!

"Ate Revi!" Nakita kong tumatakbo palapit sakin si Erin.

Inalalayan niya kong tumayo, hindi ko maidiretso ang likod ko dahil sobrang sakit.

"Thanks." Sabi ko dito bago inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Tiningnan ko naman yung mga napahinto sa paglalakad nila at nakatingin sakin.

Ano ngayon lang kayo nakakita ng magandang nadulas?! Gusto ko sanang isigaw kaya lang hindi ko na ginawa. Bago bago din. Pero leche talaga yang Yñigo na yan, lagot talaga siya sakin.

Dumiretso na lang kami sa cafeteria at hindi ko na lang pinansin yung mga nakatingin sakin. Naabutan namin si Hera na nakaupo na dun sa pwesto namin kahapon.

"Nyare sayo, girl?" Tanong niya sakin nang makita niya kong nakahawak sa balakang ko at marahang naglalakad.

"Don't ask," napairap ako. "Lagot talaga sakin yang pikit na yan."

"Pikit?" Takang tanong niya sakin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Di ko na siya sinagot at pumunta na dun sa bilihan ng pagkain.

Bumili lang ako ng lasagña at garlic bread. Dumampot ako ng c2 at pumunta sa cashier para magbayad.

Nung nakapagbayad na ko, inayos ko ang lakad ko. Siniguradong bibigyan ko ang sarili ko ng something na makakapagpa-proud mismo sakin. Gusto kong makita ng mga tao sa loob ng cafeteria na 'to how to get back your dignity with style. ( insert evil laugh here )

Kidding aside, naglakad ako sa table nung mga alagad ni Lucifer at ipinatong ng malakas ang tray ko sa ibabaw nun. Sabay-sabay silang napatigil sa pagkain at tawanan nang gawin ko yun at sabay-sabay din nila akong tiningala. That's right, ang mga dyosa talaga dapat tinitingala.

"I'll only gonna say this once," tiningnan ko si Yñigo ng mabuti at kitang-kita ko ang inis sa mukha niya. Kitang kita ko how his jaw is clenching and unclenching while looking thoroughly at me. "Ulitin mo pa yun and I assure you, mawawala yung pinagmamayabang mong image sa school na 'to."

Tumayo ako ng maayos, alam kong pinagtitinginan na kami ng lahat ng tao at nagsisimula na rin silang magbulung-bulungan. Tiningnan ko ng una yung singkit na maloko ang itsura, si Edison.

"Including you." Tinuro ko siya bago ako humarap kay Percy na mukhang ewan na medyo nakanganga pa at nakatingin sakin. "And you." Tinuro ko siya bago inis akong napakagat sa labi ko.

Dinampot ko na ang tray ng pagkain ko bago with poise na lumakad pabalik sa table namin.

"Ang cool mo dun girl." bulong sakin ni Hera bago ako napatingin kay Erin na nakaupo sa harap namin. Nagthumbs-up pa siya sakin at di ko na napigilan ang tawa ko.

Nakitawa naman sila sakin at para kaming mga baliw na tawa ng tawa habang nakain.

Ulitin pa talaga nilang gawin sakin yun at kakalimutan kong nagpapakabait ako.

---

Same announcement.

My Kismet

How I Met Maria Clara

Loving Your Enemy

All in my profile! *u*

M A S K E D I N D I S T R E S S

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon