Chapter 48

271 11 1
                                    

Chapter 48:


Revi's POV:

It's been a week since huli kong nakausap si Yñigo. Hindi siya nagparamdam kahit isang text man lang. Namimiss ko siya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam ko naman na naguguluhan siya at ayokong mas lalo pang pahirapin ang sitwasyon kung palagi ko siyang itetext. If anything I want him to realize by himself na ako ang mahal niya.


But that doesn't mean na hindi ako gagawa ng effort. Inihanda ko ang lahat ingredients para sa paborito niyang cake at inihanda ang sarili para ipag-bake siya.

Nagtext muna ako kay Percy dahil magmula ng makauwi kami galing sa resthouse nila ay hindi siya nagpaparamdam. Busy na naman ... sa tingin ko talaga ay may chicks siya. Ayaw niya lang sabihin. Anyway, hindi naman kasi si Percy ang klase ng tao na mapipilit mo kapag ayaw niyang magshare. Magsasabi siya kung gusto niya. Sa ngayon, gusto ko lang malaman kung anong ginagawa niya.


To: Percy Jackson of CU

Hoy! Nasa Olympus ka?

Itinali ko ang buhok ko nang ilapag ko sa bar ang phone ko at nagsuot ng apron. Magsisimula na sana akong magbake nang may matanggap na naman akong text mula sakanya.

From: Percy Jackson of CU

Enroll. Bkt? Need the consolation?

Magbabayad na rin pala ako ng tuition ko. Baka magpasama ako kay kuya. Buti pa si Percy nakaenroll na! I pouted. Inaasar ako nitong lalaking 'to.

Hindi na ako nagreply at nagsimula nang magbake. Nang mahalo na lahat ingredients at mailagay yun sa molder at oven. Pumunta muna ako sa living room.

Tinext ko si Yñigo kung pwede ba kaming magkita. Kaso hindi siya sumagot. Baka busy? I shrugged. Iiwan ko na lang yung cake sa bahay nila.


Nang ilabas ko ang cake sa oven ay tamang tama lang ang itsura nito. Napangiti ako. Buti na lang! Papalamigin ko na lang iyon para malagyan ko ng icing bago ipasok sa ref.

Iniwan ko ulit iyon at naligo muna. Nang matapos ako ay binalikan ko iyon sa kusina. Nanlaki ang mata ko nang makita si kuya Rain na may hawak na kutsilyo at akmang hihiwain na ang cake nang sumigaw ako.

"Kuya!" Napatalon siya at kinuha ko yung opportunity na yun para tumakbo at ilayo sakanya ang cake. "Anong ginagawa mo?!"


Sigaw ko at sumimangot siya. Mukha siyang kawawa at pagod. Nakaloose pa ang tie niya at magulo ang buhok.

"Gutom na ko e! Para kanino ba yan?!"

"Hindi para sayo 'to! May pagkain naman diyan sa ref ah? Buti na lang nakita ko kundi ..." Pinaningkitan ko siya ng mata at inirapan niya ko.


"Tss. Para sa syota mo? Banatan ko pa yun e!" Itinaas niya pa ang kutsilyo na parang may iniimagine na saksakin. Napailing na lang ako. Abnormal talaga 'to si kuya Rain. "Diyan ka na nga! Che!"

Inilapag niya ang kutsilyo at mabilis na umalis sa kusina. Dumila ako kahit hindi na niya nakita. Nakahinga ako ng maluwag at tiningnan ang cake kung nabawasan o nadeform. Pero mukhang ayos naman kaya kinuha ko na ang icing na ginawa ko at sinimulang ilagay yun sa cake.

Nang makuntento sa gawa ko ay nilagay ko na yun sa ref para hindi matunaw. Naghintay ako ng isang oras para lang dun bago ko naisipang pumunta kayla Yñigo.


Nakatanggap pa ako ng text sakanya na nasa bahay siya at okay lang daw kung pumunta ako. Napangiti ako at nagpahatid na sa driver namin.

Nang makarating sakanila ay pinapasok ako ng maid. Sinabing nasa taas daw si Yñigo. Mukhang wala ang parents niya ngayon. Pinaupo ako ng maid sa sala nila at nagpasalamat ako.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon