Chapter 2

851 16 1
                                    

Yñigo's POV:

"Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ng Principal.

"Hindi! / Opo!" Nagkatinginan kami dahil sa sabay naming pagsagot. Ako yung nagsabi ng hindi.

Anong ginagawa ng babaeng yan dito?! Sinamaan ko lang siya ng tingin pero parang hindi niya nahahalata na nabubwiset ako sa presensya niya kaya nakangiti at parang manghang-mangha niya pa kong tinititigan. Tss, oh ano? Alam kong gwapo na ko.

"Oh my God! Ang laki na ng pinagbago mo ah?!" Gulat na gulat niya pang sabi.

Lalapitan niya sana ako kaso iniwasan ko siya at nagpunta sa harap ng Principal.

"Aalis na ko, wala akong kasalanan." Sabi ko dito ng seryoso.

"Anong wala?! Pinasabog mo ang chemical sa klase ko!" Sabat ni panot, na science teacher namin.

Inis ko siyang nilingon.

"Nakita mo ba na ako ha? Kung makapagbintang ka kala mo nakita mo ah!" Tinaas ko pa ang mukha ko. Hahamunin ko na 'to ng suntukan!

Asar. Tapos dumagdag pa 'tong isang 'to. Anong ginagawa niyan dito?! Ako na nga ang umalis sa impyerno niya, sinundan pa ko sa teritoryo ko. Badtrip talaga!

"Teka muna, huminahon nga kayong dalawa." Saway samin ni Principal bago kami sabay na tumingin netong si panot. "Maupo kayo at maghintay, ihahatid ko lang si Ms. Mañago sa room niya."

What the fck?! Dito mag-aaral yang -- yang -- yang abnormal na yan?!

Nakatingin ako ng masama sakanya pero siya naman ay nakanganga at parang di pa rin makapaniwala sa nakikita niya. Oo na, wala na kong braces at di na ko nakaglasses at gwapong-gwapo na ko. Bakit kailangang maglaway pa siya? Psh.

Tinawag na siya ni Principal at lumabas na. Naiwan kami ni panot sa office niya. Naupo ako sa sofa at si panot naman ay naupo sa may upuan sa harap ng table ni Principal.

"Sisiguraduhin kong matatanggal ka na sa paaralan na 'to." Nanggigigil na sabi sakin ni panot habang pinanlilisikan ako ng mata.

"Narinig ko na yan, mas nauna pang mag-resign yung mga teacher na nagbanta sakin ng ganyan. Gusto mong sumunod?" Taas ang kilay kong tanong sakanya habang nakahalukipkip.

Ang boring nito kausap, panot na nga pala-bintang pa! Matutuwa pa sana ako kung ako talaga gumawa nun. E sila Percy at Edison yun! Pucha naman kasi, ang tingin nila talaga ako lang ang halang ang kaluluwa sa school na 'to!

"Kita mo na?! Sinasabi ko na nga na ikaw ang nagpasabog ng chemical sa klase ko!" Dinuro-duro niya pa ko habang nakaupo pa rin siya dun sa upuan niya.

Pinandidilatan ko lang siya ng mata at inasar-asar dun.

"Nye nye nye. Dami mong sinasabi! Bwiset!" Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko at pinasak sa tenga ko.

Mas maige pang makinig ng music kesa makipag-asaran dito sa panot na 'to e. Mamaya atakihin pa 'to sa puso ako pa ang magpa-ospital. Di bale sana kung ako ang magpapalibing.

Biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Mrs. Ramirez. Good friend siya ni mama, pero nagkita lang kami nung lumipat na ko ng school. Magge-grade five na ko nung lumipat ako dito sa Cayden. Dun ko nakilala yung dalawang demonyito na ngayon ay kaibigan ko na. Si Percy at Edison. Sa totoo lang, ako talaga yung mabait saming tatlo. Naimpluwensyahan lang nila ko. Tapos napagtanto ko na pwede palang mas maging masama ako sakanila. Kasi cool ako. Kaya ayun, tuwing may nagaganap na kawalangyaan, sa akin binibintang.

"Okay, Mr. Ocampo maupo ka dito." Lumipat naman ako dun sa upuan kaharap ng upuan ni panot, magkaharap na kami ngayon at masama ang tingin niya sakin kaya naman ngumisi lang ako. Naupo naman si Mrs. Ramirez dun sa may upuan niya. "Anong nangyari Mr. Noher?"

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon